DepEd Aguho Elementary School Pateros

DepEd Aguho Elementary School Pateros Home of Holistically Nurtured Learners for Excellence

20/07/2026

๐Ÿ“ข WALANG FACE-TO-FACE CLASSES SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA PATEROS | ๐Ÿ“… Hulyo 21, 2026 (Martes)

Kaugnay ng mga bomb threats na kumakalat sa social media at bilang bahagi ng ating pag-iingat, matapos ang coordination meeting ngayong araw, ipinatutupad ang suspensyon ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan sa Pateros mula Child Development Centers hanggang Grade 12 bukas, araw ng Martes, Hulyo 21, 2026.

Ang hakbang na ito ay isang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani habang patuloy na sinusuri at bineberipika ng mga kinauukulang awtoridad ang iniulat na usaping pangseguridad.

Ang desisyong ito ay sinusuportahan ng School Parents-Teachers Association (SPTA) Officers, Philippine National Police (PNP), School Heads (SHs), at Public Schools District Supervisor (PSDS) matapos ang masusing pagtaya sa kasalukuyang sitwasyon.

๐Ÿ“š Bilang kapalit ng face-to-face classes, ipatutupad sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan ang Alternative Delivery Mode of Learning (ADM) alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng Department of Education (DepEd) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at pag-unawa. Ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Pateros ay nananatiling pangunahin nating prayoridad.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Nakikiisa ang Aguho Elementary School sa pagdiriwang ng Philippineโ€“Spanish Friendship Day sa pamamagitan ng makabuluhang...
30/06/2026

Nakikiisa ang Aguho Elementary School sa pagdiriwang ng Philippineโ€“Spanish Friendship Day sa pamamagitan ng makabuluhang gawain tulad ng pagsulat ng maikling kuwento at pagbabaliktanaw sa mga impluwensiyang Espanyol sa ating kultura. ๐Ÿ“šโœ๏ธ
Isang selebrasyon ng kasaysayan, pagkakaibigan, at pagkakakilanlan bilang Pilipino!
๐Ÿ’™ Dalawang Bansa, Isang Pagkakaibigan ๐Ÿ’›

๐Ÿ“๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐ | ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐Š๐’: ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐“๐Ž ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ โœจAguho Elementary School proudly welcomed the ๐˜™๐˜ฆ๐˜จ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜”...
26/06/2026

๐Ÿ“๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐ | ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐Š๐’: ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐“๐Ž ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ โœจ

Aguho Elementary School proudly welcomed the ๐˜™๐˜ฆ๐˜จ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฎ, headed by ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น, for the monitoring of our Reading Nooks, under the supervision of our ๐—ข๐—œ๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น, ๐— ๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—”. ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ.

The successful monitoring of our Reading Nooks reflects our shared commitment to fostering a culture of reading and creating meaningful spaces where every learner can grow, dream, and thrive through literacy.

Together, we continue to build a stronger culture of literacyโ€”one book, one reader, and one story at a time.

๐Ÿ“ข SAFE SCHOOLS, PROTECTED LEARNERS! ๐Ÿ›ก๏ธ๐ŸซSa Aguho Elementary School, sama-sama tayong nagtataguyod ng isang ligtas at maka...
24/06/2026

๐Ÿ“ข SAFE SCHOOLS, PROTECTED LEARNERS! ๐Ÿ›ก๏ธ๐Ÿซ
Sa Aguho Elementary School, sama-sama tayong nagtataguyod ng isang ligtas at makabuluhang paaralan para sa bawat bata. ๐Ÿ’š
Bahagi ng ating patuloy na adbokasiya ang Oplan Bantay Eskwelaโ€”upang masig**o ang protektado, maayos, at inklusibong kapaligiran sa pagkatuto.
โœจ Dahil ang bawat mag-aaral ay may karapatang maging ligtas.
โœจ Dahil sa pagkakaisa, nakakamit ang mas matatag na kinabukasan.
๐Ÿ‘‰ Makiisa at suportahan ang ating mga programa para sa kaligtasan ng bawat bata!
๐Ÿ“ฒ Follow us for updates:
Tinig Ng Aguho
https://www.facebook.com/TinigNgAguho

๐Ÿ“š ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™ค๐™ฌ: ๐™๐™š๐™–๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™ค๐™ค๐™  ๐™‡๐™–๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ!Our Reading Nook is officially launching todayโ€”a special space where young minds...
24/06/2026

๐Ÿ“š ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™ค๐™ฌ: ๐™๐™š๐™–๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™ค๐™ค๐™  ๐™‡๐™–๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ!

Our Reading Nook is officially launching todayโ€”a special space where young minds can explore, discover, and grow through reading. โœจ

OPISYAL NA PAALALA mula sa AGUHO ELEMENTARY SCHOOL Magandang araw po sa lahat ng aming mga magulang, mag-aaral, at mga k...
20/06/2026

OPISYAL NA PAALALA mula sa AGUHO ELEMENTARY SCHOOL
Magandang araw po sa lahat ng aming mga magulang, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad.
Nais po naming ipaalam sa publiko na ang Aguho Elementary School ay hindi konektado, hindi ka-partner, at walang ibinigay na pahintulot sa anumang uri ng solicitation, donation drive, o pangangalap ng pondo na gumagamit ng pangalan ng paaralan nang walang opisyal na koordinasyon at pahintulot mula sa administrasyon.
Kaugnay nito, kung may mga indibidwal o grupo na maglalapit ng mga liham o dokumentoโ€”tulad ng nasa larawanโ€”at humihingi ng donasyon sa ngalan ng paaralan, mariin naming hinihikayat ang lahat na huwag agad magbigay o mag-apruba ng anumang kahilingan nang hindi muna ito kinukumpirma sa paaralan.

๐Ÿ“Œ Paalala: Ang ating paaralan ay mahigpit na sumusunod sa DepEd No Collection Policy. Anumang opisyal na ugnayan, donasyon, o aktibidad ng resource mobilization ay dumaraan sa tamang proseso at may kaukulang pahintulot mula sa mga kinauukulang tanggapan.
Para sa beripikasyon o karagdagang impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan nang direkta sa opisina ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa pagpapanatili ng integridad at transparency ng ating institusyon.




Sa araw na ito, ginugunita natin ang ika-165 na kaarawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Josรฉ Rizal. Ang kanyang ta...
19/06/2026

Sa araw na ito, ginugunita natin ang ika-165 na kaarawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Josรฉ Rizal. Ang kanyang talino, tapang, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.
Nawaโ€™y ipagpatuloy natin ang kanyang adhikain para sa isang makatarungan, malaya, at maunlad na Pilipinas.
Mabuhay ang alaala ni Rizal!


๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMaligayang Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญAng Paaralang Elementarya ng Aguho sa pangunguna ng aming Punongg**o Si...
12/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMaligayang Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญAng Paaralang Elementarya ng Aguho sa pangunguna ng aming Punongg**o Sir Rian Amaranto Loriega at ang mga magaaral na kabuilang sa SELG ay Nakiisa sa isinagawang pagdiriwang ng ika 128th taon ng ating KALAYAAN.โ€”isang mahalagang tagumpay na sumasalamin sa tapang, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat Pilipino sa bayan.
Mula sa pag-aalay ng bulaklak, parada, hanggang sa mga makabayang pagtatanghalโ€”ramdam ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa pagiging Pilipino. Ito rin ay paalala sa bawat isa na ang kalayaan ay hindi lamang ipinagdiriwang, kundi pinapahalagahan at pinangangalagaan araw-araw.
โœจ Sama-sama nating ipagpatuloy ang adhikain ng ating mga bayaniโ€”isang bansang nagkakaisa, progresibo, at may malasakit sa kapwa.
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang bawat Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

Address

E. Quiogue Street Aguho Pateros Metro Manila
Makati
1620

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Aguho Elementary School Pateros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Aguho Elementary School Pateros:

Shortcuts

Share

Category