05/09/2025
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.
Aktibong nakibahagi ang mga bata sa iba’t ibang programa tulad ng pagguhit ng poster, paggawa ng slogan, pagdadala ng maka-Pilipinong pagkain, pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan, at quiz bee. Isang makulay na patunay na ang pagmamahal sa sariling wika at kultura ay nagsisimula sa kabataan.