13/05/2026
๐ข MAHALAGANG PAALALA PARA SA KINDER ENROLLMENT NGAYONG ARAW
Sa mga magulang at tagapangalaga, narito ang ating mga gabay para sa isang maayos at ligtas na proseso ng screening at enrollment ngayon, May 14, 2026:
1. SUMUNOD SA QUEUING SYSTEM: Ang ating Official Stubs ang tanging batayan ng pagkakasunod-sunod. Mangyaring tanggapin nang maayos ang inyong stub at hintayin ang inyong pagkakataong makapagpatala. Mahigpit na ipagbabawal ang camping out sa labas ng LPES gate.
2. LIMITADONG SLOTS LAMANG: Paalala na 70 slots lamang ang nakalaan para sa Manila Residents upang mapanatili ang sapat na espasyo at kalidad ng pag-aaral sa ating mga silid-aralan.
3. BAWAL ANG "BACKER" O PALAKASAN: Mahigpit nating ipinatutupad ang DepEd Basic Education Enrollment Policy. Lahat ay dadaan sa tamang proseso at screening. Walang shortcuts.
4. MAKIISA SA BARANGAY: Nakikipagtulungan ang paaralan sa Barangay La Paz Peace and Order. Sundin ang kanilang mga direksyon para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat.
5. MAGING DISIPLINADO: Iwasan ang pagtulak, pagsigaw, o paglikha ng gulo. Ang sinumang magpapakita ng kawalan ng disiplina ay maaaring pakiusapang lumabas ng paaralan.
6. KUMPLETONG DOKUMENTO: Siguraduhing dala ang orihinal at photocopy ng PSA Birth Certificate.
Bibigyang prayoridad ang ating mga residente mula sa Makati (Catchment Area). Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon para sa kinabukasan ng inyong mga anak.