10/08/2022
PHASES OF FINANCIAL LIFE
by Rex Mendoza, Rampver Financials
📌Phase 1–MAN AT WORK
Tayo ay nag-uumpisa mag trabaho at kumita ng pera. Karamihan sa mga Pilipino, diyan nag-uumpisa at dyan na rin nagtatapos kaya marami sa atin hindi nakakaluwag at nakakarangya ang buhay. Abundance, security, prosperity is always something to aspire for. Why do Filipinos do not take off from Phase 1? Man at work. Lage po tayong nagtatrabaho para kumita kung anong kinikita, ginagasta. So, all throughout our lifetime, we work to earn money. Dapat daw po grumaduate tayo sa tinatawag na Phase 2.
📌Phase 2- MAN AND MONEY AT WORK
Nagtatrabaho pa rin tayo para kumita pero may naitatabi tayong pera na KUMIKITA DIN. So, may katulong na tayo. Hindi lang tayo nagtatrabaho para sa pera. Yong ating pera,investments, assets, tumutulong na para kumita din ang mga ito para sa atin. MONEY IS THE BEST EMPLOYEE. MONEY WORKS 24HOURS A DAY WITHOUT COMPLAINING! So kung tayo ay nakapagtabi at nakapag invest, ang pera ay magtatrabaho para sa atin para darating ang araw na tatawid tayo sa tinatawag na Phase 3.
📌Phase 3– MONEY AT WORK
Nawala na ang Man at Work. Ano ibig sabihin? Pwede na tayo magpahinga, pwede na magliwaliw, pwede na tayong mag enjoy ng ating buhay dahil yong perang nagtatrabaho para sa atin ay kaya tayong buhayin. So, importanteng isipin na yong pera, assets and investments po natin kaya na tayong tustusan para tayo hindi na magtrabaho. Kaya marami ang nakakarating sa Phase 3, dalawang bagay lang ang ginagawa, nag-eenjoy, nagbabyahe, reaping the rewards of a life well-lived.
Ctto ♥️