21/07/2023
Message from ur vice president:
Hindi na ako gagamit ng purong ingles dahil maraming magrereklamo. Hindi ninyo ako kilala. Hindi ko kayo mahal 🤦 (sarkasmo kase). Kidding aside,
Pero nais ko kayong makitang nagsusumikap hindi lang para sa mga pangarap, kundi sa pagbubuti ng sarili. Hindi kayo ‘successful’ dahil lang nakamit niyo mga hinahangad ninyong mga career, kapag nakita ko kayo't nakausap mga ilang dekada na lumipas, hiling sa kalooban na sana may kakikitaan ako nang tuluyang pagbuo ng mga pagkatao ninyo. Sa pagsasalarawan, kung ano't sino kayo ngayon, bakas na ron ang pag-usbong ng bawat aspeto ng inyong pagkatao. Dahil kung hindi, hindi ko kayo papansinin, lol 🤨
Sakdal ang mga leksiyon na napaghulo ko sa pagiging senior high student maging ang ating mga naging g**o na nagsilbing gabay at sandalan, ma'am Ara at ma'am Lalic, mga lumipas na panahon at gawi'y lumaon bilang utang na loob kung kaya't kami nagpapasalamat. Pero wala naman kayong pake sa buong istorya kaya dako na tayo sa pinaka-esensiya. Sa mga natatanging pahayag:
(1) “Kung may itinuturo sayo na alam mo na, makinig ka lang”
- labis labis na ang gawain nating pagsara ng mga isipan dahil lang nagmamarunong tayo sa kaloob-looban pero dahil don kaya hindi na tayo natututo. Hindi lang iyan angkop sa mga leksiyon sa klase, sa buhay rin. Alam niyo na iyon dahil malaki na kayo. Ngunit, malay mo may bago pala sa luma na hindi pa natin nabibigyan ng pansin.
(2) “Ika'y isang nakakayamot na talata kung patuloy kang walang-kibo dahil lang sa komportable ka”
- laganap at hindi talaga maiiwasan ang pagbubuo ng mga pangkat sa pagitan ng isa't-isa. Alam natin iyon. Pero kung mananatili ka sa iisa o parehong lipon ng mga tao dahil malapit sila sa'yo't komportable ka sakanila, sa mga pangkatang gawain, sinasanay mo ang iyong sarili na magkaroon ng pagkiling kung ano lang ang gusto mong harapin. Pero nasasaiyo iyon kung nais mong maging bukas o hindi sa mga taong iyong nakakasalamuha. Sa literal na kahulugan, ganoon din ang ibig ipahayag ng prase.
(3) “Hindi lahat ay biro maging hindi lahat ay seryoso”
- ipapaliwanag ko pa ba? Hayaan ko na sa inyo ang hiling ng pahiwatig na ito.
“Hirap gawin pero madaling sabihin” Iyan ang badya ng karamihan. Maging ako naman pero iyang tatlo ang malimit kong isinasabuhay. Hindi marami ang mga kawili-wiling mga persona na nakaligtaan ko, kung hindi ko man kayo nakausap, ba't hindi niyo ako nilapitan? Lol. You've missed out on something. Sa muli, Jessie Joveres aking ngalan, signing off bilang vice president ng 06 fam. Magkita uli tayo, hopefully.
Academics:
🏅 Basta Top Notcher
🏅 With High Honors all semesters from G11-G12
🏅 GWA in G12 95.58-96.38
🏅 GWA in G11 95.00-96.44
🏅 Vice President G12 (second sem)
🏅 Quiz Bee Olympics 2nd runner up
🏅 G11-G12 Leader/Assistant in Research
🏅 One of the Directors in Speech Chorale
🏅 Assistant Director in Film
🏅 Director of Photography in Film
🏅 Scriptwriter in Film