18/09/2026
🚒🥉 Ikatlong Pwesto sa 1st Junior Fire Olympics 2026! 🥉🚒
Buong pagmamalaking binabati ang ating 8 mag-aaral na lumahok sa 1st Junior Fire Olympics na may temang “Young Heroes, Brave Hearts, Ready to Serve” na ginanap noong Setyembre 17-18, 2026.
Sa pangunguna at organisasyon ng BFP Maitum, matagumpay na naipakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang husay, disiplina, at kahandaan sa mga patimpalak gaya ng Bucket Relay, Basic Life Support (BLS), Bandaging, Proper Use of Fire Extinguishers, Basic Knot Tying, Patient Transfer and Carry Techniques, Firefighting Techniques and Proper PPE, na nagbunga ng kanilang pagkamit ng Ikatlong Pwesto (3rd Place).
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanilang pagtutulungan, katatagan ng loob, at pagiging handang maglingkod sa komunidad. Patunay sila na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan sa panahon ng sakuna.
Mabuhay ang ating mga Kabataang Bayani! 👏🚒❤️
Maraming salamat sa BFP Maitum sa matagumpay na pagsasagawa ng programa at sa patuloy na paggabay sa ating kabataan tungo sa pagiging responsableng mamamayan.