15/07/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO | MULING PAGPAPATULOY NG FACE-TO-FACE CLASSES SA DIMATINGKAL-KAMID ELEMENTARY SCHOOL
Matapos ang pansamantalang pagsuspinde ng face-to-face classes dulot ng pinsalang idinulot ng nagdaang lindol, nakatakdang muling ipagpatuloy ang mga klase sa Dimatingkal Kamid ES sa Hulyo 16, 2026.
Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral, magulang, at iba pang stakeholder na patuloy na subaybayan ang opisyal na page ng School upang maging updated sa mga susunod pang anunsyo.
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pang-unawa, kooperasyon, at patuloy na suporta.
Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, maisusulong natin ang isang ligtas, maayos, at de-kalidad na pagkatuto para sa bawat mag-aaral.
Manatiling alerto at laging mag iingat.