𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿𝗼𝘀

  • Home
  • Philippines
  • Maigo
  • 𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿𝗼𝘀

𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿𝗼𝘀 Balik-Islam Bisaya. MGA KABANAY: Tumol, Granaderos, Tumala, Serafica, Magallen, Lariba, Pallar, Bocayong, Prejules, Miro, Buzarang, Bustillo.
(1)

PUMASOK NA ANG PINAKAMAINAM NA MGA ARAW SA BUONG TAON: ANG UNANG SAMPUNG ARAW NG DHUL-HIJJAH [Tumapat ito ngayong taon 1...
17/05/2026

PUMASOK NA ANG PINAKAMAINAM NA MGA ARAW SA BUONG TAON: ANG UNANG SAMPUNG ARAW NG DHUL-HIJJAH

[Tumapat ito ngayong taon 1447 mula Lunes May 18 hanggang Miyerkules May 27, 2026].

Kung ang huling sampung gabi ng Ramadan ang pinakamainam na mga gabi sa buong taon; dahil nandoon ang Laylatul-Qadr (Gabi ng Tadhana) na mas mainam pa kaysa sa isang libong buwan, ang unang sampung araw naman ng Dhul-hijjah ang pinakamainam na mga araw sa buong taon; dahil nandirito ang Araw ng 'Arafah na kung saan ay doon kinumpleto ng Allah ang Islam, kaya ang pag-aayuno sa araw na iyon sa mga hindi nagha-hajj ay kapatawaran sa dalawang taon na mga kasalanan nila batay sa Hadith Sahih na:
صيام يوم عرفة أحتسب على الله أن يكفر السنة التي قبله والسنة التي بعده.

At ang ika-10 ng Dhul-Hijjah na fiesta ng mahigit 2 bilyon na kamusliman sa buong mundo, nag-aalay sila at nagkakatay ng mga halal at piling hayop para sa Allah; bilang paggunita sa ginawa noon ni Propeta Ibrahim [Abraham] عليه السلام.

Katunayan, ang Allah ay nanumpa dito, Kanyang sinabi sa QUR'AN: وَلَيَالٍ عَشۡرٍ
"At [sa unang] sampung gabi." [Al-Fajr 2].

Ayon kay Ibnu Abbas رضي الله عنهما, at ni Ibnuz-Zubayr, at Mujahid bin Jabr at iba pa na: ito ang unang sampung araw ng Dhul-hijjah. At iyan ay Ijma' (Consensus) ng mga Ulama ayon kay Tabari sa kanyang Tafsir Vol. 5, p. 514, at ni Ibnu Katheer sa kanyang Tafsir Vol. 8, p. 413.

Sinabi ng Propeta ﷺ bilang pagbibigay diin sa kahigitan ng mga araw na ito:
"مَا مِنْ أَيَّامٍ الْعَمَلُ الصَّالِحُ فِيهَا أَحَبُّ إِلَى اللَّهِ مِنْ هَذِهِ الْأَيَّامِ". يَعْنِي أَيَّامَ الْعَشْرِ، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، وَلَا الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ؟ قَالَ: "وَلَا الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ، إِلَّا رَجُلٌ خَرَجَ بِنَفْسِهِ وَمَالِهِ فَلَمْ يَرْجِعْ مِنْ ذَلِكَ بِشَيْءٍ".
"Walang mga araw kung saan ang isang mabuting gawa ay higit na nakalulugod sa Allah kaysa sa sampung araw na ito (unang sampung araw ng Dhul-hijjah)"; Sabi nila (mga Sahabah): 'O Sugo ng Allah, kahit ang Jihad sa landas ng Allah?' Sabi niya: "Hindi kahit ang Jihad sa landas ng Allah, maliban sa isang tao na lumabas (para mag-jihad sa landas ng Allah) kasama ang kanyang ari-arian (kayamanan) at hindi na nakabalik pa [dahil siya ay na-shaheed o namartir sa Jihad fi Sabilillah]." [Inulat ni Bukhari, at ang teksto ay mula kay Abu Dawud sa kanyang Sunan].

Na kung kaya, salubungin natin ang mga araw na ito (Unang Sampung Araw ng Dhul-hijjah) nang tunay na pagbabalik-loob [Tawbah] sa Allah at paghingi ng tawad sa Kanya, at dalisayin natin ang ating mga puso at mga gawain, at paramihin natin ang mga mabubuting gawain dito sa pangkahalatan, lalo na ang pag-aayuno sa ikasiyam na araw ng Dhul-hijjah (Araw ng Arafah) para sa mga hindi Hujjaj tulad ng nabanggit natin sa itaas, at gayundin paramihin natin ang TAHLIL (pagsabi ng LA ILAHA ILLALLAH), at ang TAKBIR (pagsabi ng ALLAHU AKBAR) at ang TAHMID (pagsabi ng ALHAMDULILLAH), sapagkat sinabi ng Propeta ﷺ na:
"ما من أيام أعظم عند الله ولا أحب إليه العمل فيهن من هذه الأيام العشر فأكثروا فيهن من التهليل والتكبير والتحميد".
"Walang mga araw na kung saan ang isang mabuting gawa ay higit na dakila at higit na kalugod-lugod sa Allah kaysa sa (unang) sampung mga araw na ito (ng Dhul-hijjah), kaya paramihin ninyo dito ang Tahlil, at ang Takbir at ang Tahmid." [Inulat ni Ahmad sa kanyang MUSNAD].

At para naman sa mga may kakayahan na mag-Hajj at mag-alay ng Udhhiyah ay napakadakilang pagkakataon ito para sa inyo. Sa Hadith na inulat ni Termidhi sa kanyang Jami':
ما عمل آدمي من عمل يوم النحر أحب إلى الله من إهراق الدم، إنها لتأتي يوم القيامة بقرونها وأشعارها وأظلافها، وأن الدم ليقع من الله بمكان قبل أن يقع من الأرض، فطيبوا بها نفسا.
TAWFIQAN NAWA TAYO AT TULUNGAN NG ALLAH PALAGI.

16/05/2026

SUNDIG KAAYUHAN ANG DAUTANG BINUHATAN, KINI IYANG MAPAPAS

Sa dihang natubag ni Umar bin Al-Khattab رضي الله عنه si Propeta Muhammad ﷺ kaniadto sa inilang pakigsabot tali sa mga muslim ug mga mushrikun (mga magsisimbag diyus-diyos) nga gitawag og Sulhul-Hudaybiyah kun Treaty of Hudaybiyyah niadtong tuig 6 Hijrah (628 CE), naningkamot gayud sa hilabihang pagpanglimbasog si Umar sa pagbuhat og mga kaayuhan, sa paghandom nga makibhangan ug mapapas pinaagi niini ang nilugdangan sa iyang nabuhat sa Propeta.

Matod pa ni Umar: فَعَمِلْتُ لذلك أعمالاً
"Busa nagbuhat ko alang niadto og mga (maayong) buluhaton".

Sa saysay ni Ibnu Ishaq nag-ingon si Umar nga:
ما زلت أتصدق وأصوم وأصلي وأعتق من الذي صنعت يومئذ
"Padayun ko nga nag-sadaqah, nagpuasa, nag-ampo ug nagpagulag mga ulipon gumikan sa akong nabuhat niadtong adlawa."

Ingon niana kamaayo ang kinaiya ug disiplina sa mga disipulo ni Propeta Muhammad ﷺ, nga sa dihang sila masayop pulihan gayod dayun nila kini og maayong mga binuhatan, isip pagpatalinghog sa giingon ni Allah sa Qur'an nga:
إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ
"Sa pagkamatuod ang mga kaayuhan motangtang sa mga dautang binuhatan."
Ug sa giingon sab ni Propeta ﷺ:
وأتبع السيئة الحسنة تمحها
"Ug sundig maayong buhat ang dautang buhat, kini iyang mapapas (mapanas)." [Termidhi, Ahmad].

HINAUT KITA USAB MOSUNDOG SA ILANG KAMAAYO.

13/05/2026

Tinatakpan ng Allah ang ating mga kasalanan upang hindi tayo mapahiya.

Kung wala ang pagtatakip ng Allah nito tiyak mapapahiya ang bawat isa.

Kaya't huwag kailanman subukang ilantad ang iyong kasalanan at huwag na huwag ding ipagmalaki.

Dahil sinabi ng Propeta ﷺ:
"كُلُّ أُمَّتِي مُعَافًى إِلَّا الْمُجَاهِرِينَ."
"Lahat ng (bawat isa sa) aking Ummah (mga tagasunod) ay patatawarin, liban sa mga naglalantad (ng kanilang mga kasalanan)." [Bukhari]

10/05/2026

Napakahabang panahon ang pagtahak sa Matuwid na Landas ng Islam. Hindi lang ito isang araw, isang buwan, sa Ramadan, isang taon, dalawang taon o kahit dalawampung taon o higit pa. Ito'y hanggang sa kamatayan. Dahil sinabi ng Allah na:
ولا تموتن إلا وأنتم مسلمون
"At huwag kayong mamatay liban na kayo ay mga muslim."
Kaya kailangan natin ng:
1. Palagian at puspusang Du'a ng katatagan sa Islam.
يا مقلب القلوب ثبت قلبي على دينك. اللهم مصرف القلوب صرف قلوبنا على طاعتك.
2. Palagiang pagbabasa ng Qur'ān o pakikinig rito kahit kakaunti araw-araw.
3. Wastong Pagpili ng tama at matuwid na mga kaibigan at kasama. Sapagka't napakalaki ng impact nito lalo na sa mga kabataan at sa mga unang yugto ng pagiging matuwid. Sinabi ng Rasulullah ﷺ:
المرء على دين خليله فلينظر أحدكم من يخالل.
"Nakabatay ang relihiyon at pagkatao ng isang tao sa relihiyon at pagkatao ng kanyang matalik na kaibigan, kaya piliin ng bawat isa sa inyo ang kanyang kakaibiganin."

29/04/2026

Sinumang hindi makapagtiis ng kahit isang oras man lang sa pag-aaral ng kanyang Relihiyong Islam, mananatiling mangmang hanggang sa kanyang pagtanda at kamatayan.

Kahit ang Propeta ﷺ na hindi marunong bumasa at sumulat ay inutosang magbasa batay sa pinakaunang bumaba sa kanya na talata ng Qur'ān:
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
"Basahin [o bigkasin] mo! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha."

Nangangahulugan na dapat tayong mag-aral, mag-aral, mag-aral ng ating Relihiyon, ayon sa tamang proseso nang pag-aaral, hindi yong tatalon ka sa antas na hindi mo pa level! Matutong magpakumbaba at makinig sa mga Ulama, sapagka’t sinumang magpakumbaba alang-alang sa Allah ay itataas ng Allah. At sinumang magmataas at magmalaki ay ibabagsak at ibababa ng Allah, at hindi makakapasok ng Jannah at bubuhayin sa Araw ng Pagbangon na sinlaki ng mga langgam na aapak-apakan ng mga tao doon!

23/04/2026

Grabeng init no? Singaw pa lang yan ng Jahannam [Impiyerno]. Paano pa kaya ang mismong Impiyerno!? Subhanallah. Iligtas nawa tayo ng Allah. Ayon kay Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم noong nabubuhay pa siya 1400 years na ang nagdaan:
إذا اشتد الحر فأبردوا بالصلاة، فإن شدة الحر من فيح جهنم
"Kapag napakatindi ang init ng panahon ay iantala ninyo ang Salah [Dasal sa Dhuhr o Tanghali] [hanggang sa maging medyo malamig], sapagkat ang tindi ng init [ng panahon] ay mula sa tindi ng init ng singaw ng Impiyerno." [Bukhari at Muslim].

21/04/2026

PAYO SA AKING SARILI BAGO ANG IBA

O ikaw na may kaalaman at nag-aaral ng Islam, mag-ingat ka sa iyong intensyon [niyyat]. Dapat mo itong suriin sa anoman na iyong ginagawa o pinipigilang gawin, sa lahat ng panahon, na ito ay alang-alang lamang sa kaluguran ng Allah. Huwag na huwag mong pababayaan ang iyong niyyât. Tandaan mo palagi, na hinding-hindi kailanman tatanggapin ng Allah ang anomang iyong pinaghirapan at mga pagsisikap at mga ginagawa maliban kung ito'y dalisay [ikhlas] at alang-alang lamang sa Allah. WALLAHI (Sumpa man sa Allah), pinakamatinding pagkalugi na mahulog ka sa kapahamakan at Impiyerno, dahil sa hindi mo mabuting intensyon. Napakatinding pagkalugi, kung saan ibinubuhos mo ang iyong mga oras, mga araw, mga buwan at mga taon sa pag-aaral ng Islam, sa pagsasaliksik ng kaalaman, sa pagsusulat, sa pagtuturo, sa pagda-da'wah, sa paghihiyakat sa mga tao patungo sa Islam at sa pakikibaka dito, subalit dahil sa iyong layunin at intensyon [niyyat] na hindi maganda ay mawawalang saysay ang lahat ng ito.

O ikaw na may kaalaman at nag-aaral ng Islam, pagkalugi pagkalugi kung ikaw ay itatapon sa Impiyerno, samantalang ang iba ay papasok sa Paraiso, dahil sa iyong kaalaman na natutunan nila sa iyo at kanilang isinabuhay. Walang duda na ang pinakamatinding pagkalugi ay ang pagkalugi sa Kabilang-Buhay [Akhirah].

Naway ipagkaloob Mo sa amin palagi Ya Allah ang mabuting layunin at wastong intensyon, at gawin Mo pong madali para sa amin ang tamang pagsunod at wastong pagsabuhay ng Islam at Sunnah. AMEEN.

20/01/2026

BAWAT GABI HUWAG KALIGTAAN ANG PAGBASA NG:

1. AYATUL-KURSI (ayah 255 ng Surah AL-BAQARAH).
"فإنه لن يزال عليك من الله حافظ، ولا يقربنك شيطان حتى تصبح."
"sapagka't magkakaroon ng isang tagapag-alaga na itinalaga sa iyo mula sa Allah, at ang demonyo ay hindi makakalapit sa iyo hanggang sa umaga." [Bukhari].

2. SURAH AL-IKHLAS. Sa isang hadith sinabi ng Propeta ﷺ:
"{قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ} تَعْدِلُ ثُلُثَ الْقُرْآنِ."
"Ito ay katumbas ng one third ng Qur'ān." [Bukhari at Muslim].

3. HULING DALAWANG AYAH NG SURAH AL-BAQARAH (ayah 285 at 286). Sa isang hadith:
"من قرأهما في ليلة كفتاه."
"Sinuman ang nagbasa niyo sa gabi ay sapat na para sa kanya." [Bukhari at Muslim].

Sabi ni Imam Nawawi - رحمه الله - :
قيل: معناه: كفتاه من قيام الليل، وقيل: من الشيطان، وقيل: من الآفات، ويحتمل من الجميع.
"Sinasabing ang ibig sabihin nito ay: sapat na sa kanya sa pagtaguyod ng simbang gabi, at sinasabing: proteksyon niya ito mula sa demonyo, at sinasabing: proteksyon niya ito mula sa mga pinsala, at maaaring itong lahat ay pinapahiwatig nito." [Al-Minhaj].

Kung nilalayon nito ang lahat ng mga ito ay wala namang sagabal, sapagkat ang mga biyaya ng Allah ay napakalawak, ipinagkakaloob Niya ito sa sinumang Kanyang nais. والله تعالى أعلم.

03/12/2025

Hilingin mo palagi sa Allah ang katatagan sa Islam at pagsunod.

Huwag na huwag mong iasa ang gabay at katatagan sa Islam sa iyong sariling talino, kurso, kaalaman, lakas, antas, posisyon o anopaman.

Dahil ang mga yan ay walang silbi kung wala ang patnubay at gabay ng Allah.

24/11/2025

Sa tuwina na lumalayo ka sa kaalaman sa iyong Relihiyong Islam, binubuksan mo para sa iyong sarili ang mga pintuan ng kamangmangan.

Sa panahon ni Nūh (Noah) ay pinayuhan siya ng Allah upang hindi siya mapabilang sa mga mangmang:
إني أعظك أن تكون من الجاهلين
"Katiyakang pinapayuhan Kita upang hindi ka mapabilang sa mga mangmang sa paghiling mo sa Akin hinggil diyan." (Hud: 46)

Dahil sa kanyang kahilingan sa Allah sa bagay na wala siyang kaalaman (yon yong hiniling niya sa Allah na patawarin at iligtas ang kanyang anak na sumuway at nalunod noon sa baha - ipinagbawal ito ng Allah sa kanya, dahil ang anak niya na yon ay lumabag sa Allah at ang kanyang gawain ay masama at kawalang-katarungan):

Katunayan, du'a ni Mūsã (Moises) noon nang siya'y kinutya ng mga angkan ni Isrā'ēl ay:

أعوذ بالله أن أكون من الجاهلين

"Hinihiling ko ang kalinga ng Allah para ako ay hindi mapabilang sa mga nangungutyang mga mangmang." (Al-Baqarah: 67)

Sa panahon ni Yūsuf, ay pinaalala niya sa kanyang mga kapatid na naaalala ba nila ang ginawa nila sa kanya at sa kanyang kapatid dahil sa kanilang kamangmangan?

قال هل علمتم ما فعلتم بيوسف وأخيه إذ أنتم جَٰهلون

"At nang marinig niya ang kanilang mga sinabi ay naawa siya sa kanila at ipinakilala niya ang kanyang sarili, na kanyang sinabi: Natatandaan ba ninyo ang ginawa ninyo kay Yûsuf at sa kanyang kapatid na pang-aapi noong kayo ay nasa kamangmangan pa, na walang kaalam-alam sa magiging bunga ng inyong mga ginagawa?" (Yusuf: 89)

At si Propeta Muhammad ﷺ ay inutosan ng Allah na dagdagan pa siya ng kaalaman:
وقل رب زدني علما
"At sabihin mo: O aking Rabb, dagdagan Mo pa ako sa kaalaman bukod sa anumang inituro Mo sa akin."

من لا يحب العلم فلا خير فيه، ولا يكون بينك وبينه معرفة ولا صداقة.
~الإمام الشافعي (رحمه الله)

22/10/2025

Huwag mong asamin ang kaluguran ng mga tao, dahil ang tao ay pabagu-bago, minsan gusto ka nila ngayon, bukas ay ayaw na nila sa 'yo. Kaya naman ang dapat mong hangarin ay ang Kaluguran ni Allah. Kapagka kinalugdan ka ng Allah, ibibigay Niya sa yo ang mga biyaya't panalanging di mo sukat akalain. Sapagkat sinabi ng Allah pagkatapos Niyang banggitin sa mga mananampalataya ang Kanyang pangako sa kanila na mga Paraiso at mga magagandang mansion roon:
ورضوان من الله أكبر
"SUBALIT ANG KALUGURAN MULA SA ALLAH AY HIGIT NA MALAKI." Surah At-Tawbah, Qur'an 9:72.

Kaya doon sa mga Paraiso ay sasabihin ng Allah sa kanila:
أُحِلُّ عليكم رضواني فلا أسخط عليكم بعده أبدا
"Iloloob Ko sa inyo ang Aking Kaluguran, kaya hindi na Ako mapopoot pa sa inyo pagkatapos nito magpakailanman."~Hadith Qudsi, inulat ni Imam Bukhari at Imam Muslim sa kanilang SAHIH.

May kasabihan:
رضا الناس غاية لا تُدرك ورضا الله غاية لا تُترك فاترك ما لا يدرك لأجل ما لا يترك فالله يملك كل ما لا يدرك
Ang kaluguran ng mga tao ay hangaring hindi maaabot, subalit ang Kaluguran ng Allah ay hangaring hindi marapat iiwanan, kaya iwanan mo yaong hindi maaabot alang-alang sa hindi marapat iwanan, sapagkat ang Allah ang nagmamay-ari ng anumang di maaabot.

Address

Maigo
9206

Telephone

+639099708520

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿𝗼𝘀 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share