The Scribe

The Scribe

Share

The official student publication of Mindanao State University-Maguindanao

18/06/2026

๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐—น๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ฆ๐—จโ€“๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ

The establishment of OVCSSD is anchored on national standards for Student Affairs and Services in higher education as outlined in CMO No. 09, s. 2013, and on the authority of the MSU Board of Regents to create, reorganize, and transfer units in support of the University's mandate.

Photos from The Scribe's post 16/06/2026

LITERARY | The Filipino Version of Growing Up

Isang paalala na ang paglaki ay hindi lamang tungkol sa pagdagdag ng edad, kundi pati sa pagbitbit ng mga alaala, mga natutuhan, at mga bahagi ng pagkabatang mananatiling kasama natin saan man tayo dalhin ng panahon.

โœ๐Ÿผ : Resshan Dalimbang
๐Ÿ–ผ๏ธ : Legally Shan

Photos from Supreme Student Council of the Mindanao State University - Maguindanao's post 15/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—š ๐—ž๐—”, ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ข!

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | The MSU-Maguindanao community is on its way to MSU-General Santos to deliver assistance and support to communities affected by the 7.8 magnitude earthquake.

15/06/2026

LITERARY | "Hindi pala masama ang mag-isa"

Noon, akala koโ€™y hindi ko kakayanin ang maglakad nang mag-isa,
Na para bang ang mundoโ€™y masyadong malawak kapag wala sila.
May mga gabing ang pusoโ€™y nanginginig sa pangamba,
Kapag ang katahimikan ay ako lamang ang kasama.

Ngunit habang ang oras ay marahang dumadaloy,
Unti-unti kong natutunang yakapin ang aking sarili.
Kapag lungkot ang dumadalaw at walang karamay na matatawag,
Doon ko napatunayang ganito pala ang buhayโ€”
Isang landas na minsan ay tahimik, minsan ay walang kasabay.

Hindi ko rin pala kailangang may laging katabi,
Dahil kaya ko ring kumain sa hapag na ako lang ang kahati.
Kaya ko ring maglakad sa mga kalsadang walang naghihintay,
At bumyahe sa mga daang tanging aking anino ang kasabay.
Doon ko napagtanto sa pagitan ng mga hakbang,
Na kaya ko palang mabuhay nang hindi umaasa sa iba.

Sa pag-iisang iyon, may kakaibang ginhawang nadaramaโ€”
Tahimik na kapayapaan na tila yakap ng hangin sa umaga.
Masarap pala ang pakiramdam ng sandaling nag-iisa,
Kapag ang mundoโ€™y tila humihinga nang dahan-dahan sa paligid mo.

Habang ang sariwang hangin ay pumapawi sa bigat ng dibdib,
At ang katahimikan ay nagiging musika ng pag-asa.
Habang tumatanda tayo, unti-unti ring tumitibay ang loob,
Mga takot na datiโ€™y parang bagyo kung dumaluyong.
Hindi na tulad ng dati na ang pag-iisaโ€™y kinatatakutan,
Sapagkat ngayon alam koโ€”
Kaya pala itong tahakin nang walang pangamba.

Mag-isa kong tinatahak ang landas ng kinabukasan,
Bawat hakbang ay may dalang tapang at paninindigan.
Handa sa pagsubok, handa sa hamon ng kapalaran,
Dahil sa wakas ay tinanggap ko na ang isang katotohanan:
Hindi ako tunay na nag-iisa.

Sapakat sa bawat hakbang ng aking paglalakbay,
Ang sarili ko ang aking kakampi,
At ang aking pangarap ang aking pinanghahawakan.
Ako ang pipili ng daang aking tatahakin,
Hindi ang tinig ng iba ang magdidikta ng aking landas.
Kaya kahit akoโ€™y mag-isa o tila nahuhuli sa karera ng buhay,
Hindi na ako natatakot.

Dahil may sarili akong pangarap na dala-dala,
At isang pusong marunong nang tumindig mag-isa.
At doon ko naunawaan ang isang simpleng katotohananโ€”
Hindi pala masama ang mag-isa,
Sapagkat sa huli,
Lahat tayo ay matututong lumakad gamit ang sariling mga paa.

โœ๐Ÿผ : Alhamaisa Kadil
๐Ÿ–ผ๏ธ : Raisanie Kusain


15/06/2026

UPDATE!

As of June 15, 6:30 AM, we have collected โ‚ฑ45,486.
We are still accepting monetary and in-kind donations.

Thank you for your generosity and support.

Photos from Supreme Student Council of the Mindanao State University - Maguindanao's post 14/06/2026

CALL FOR IN-KIND DONATIONS

Aside from monetary donations, the Supreme Student Council of MSUโ€“Maguindanao is also accepting in-kind donations for communities affected by the recent earthquake.

Please see the photo below for the list of suggested items and other details.

13/06/2026

COLUMN | ๐—ข๐—ป๐—ฒ๐— ๐—ฆ๐—จ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†

Madalas nating marinig ang katagang โ€œOneMSUโ€ bilang simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng constituent campuses ng Mindanao State University System. Binabanggit ito tuwing may tagumpay, may mga topnotcher, o may mga pagkakataong ipinagmamalaki ang buong Pamantasang Mindanao. Naririnig ito sa mga pagtitipon ng MSUSAA, sa mga pagpupulong ng FEMSUSSCO, at sa iba't ibang opisyal na programa at pahayag ng pamunuan. Ngunit ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa ay hindi nasusukat sa mga panahon ng pagdiriwang kundi sa mga panahon ng pagsubok.

Kaya matapos ang mapaminsalang lindol noong Hunyo 8 na nagdulot ng tinatayang halos โ‚ฑ900 milyong pinsala sa imprastraktura ng MSU-General Santos, maraming estudyante ang napaisip: buhay pa ba ang diwa ng OneMSU, o isa na lamang itong katagang maganda pakinggan sa mga talumpati? at nakakagulat ang nakakabinging katahimikan ng pamunuan ng Mindanao State University.

Sa kasalukuyang kinakaharap ng MSU-General Santos at mga komunidad sa Sarangani Province matapos ang mapaminsalang lindol, kung ang OneMSU ay inilalarawan bilang isang pamilya o pagkakapatiran, nararapat lamang itanong: kaya bang matulog nang mahimbing habang ang isang kapatid ay humihingi ng saklolo? Kaya bang ipagpaliban nang ilang araw ang pagbisita habang siya ay nangangapa sa dilim?

Sa gitna ng lawak ng pinsala, patuloy na hinaharap ng komunidad ng unibersidad at mga karatig na pamayanan ang epekto ng sakuna. Maraming gusali ang nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagkukumpuni, naapektuhan ang ilang akademikong gawain, at ang mga estudyante, g**o, kawani, at mga pamilyang apektado ay patuloy na umaangkop sa hindi tiyak na sitwasyon. Sa ganitong kalagayan, ang inaasahan ay hindi lamang paliwanag o pahayag, kundi malinaw at agarang pakikiisa mula sa mga inaasahang manguna sa sistema.

Ang frustration ng mga estudyante ay hindi lamang nagmumula sa pisikal na pinsala kundi sa naramdamang selective silence at institutional apathy. Sa panahon ng krisis, ang pakikiramay at pakikiisa ay hindi dapat hinihintay na ipanawagan. Dapat itong kusang ipinapakita, lalo na mula sa mga institusyong inaasahang unang kumikilos at nagpapakita ng direksyon. Kapag ito ay nauurong o nagiging mabagal, nag-iiwan ito ng tanong tungkol sa tunay na lawak ng pagkakapantay-pantay ng atensyon sa loob ng sistema.

May mga pagkakataong mas malakas ang katahimikan kaysa sa anumang pahayag. Kapag walang malinaw na presensya at direksyon sa gitna ng pangangailangan, hindi maiiwasang magtanong ang komunidad kung ang ipinapangakong pagkakaisa ay tunay ngang umiiral sa lahat ng pagkakataon. Ang selective silence ay nagiging mensahe rinโ€”isang mensaheng mahirap balewalain.

Dito mas nasusubok ang kahulugan ng OneMSU. Madaling banggitin ito sa panahon ng tagumpay at pagdiriwang, ngunit mas mabigat itong dapat patunayan sa panahon ng krisis. Ang tunay na pagkakaisa ay nakikita sa aktwal na pagkilos, sa presensya, at sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga kampus at komunidad na naaapektuhan.

Sa harap ng halos โ‚ฑ900 milyong pinsala, ang inaasahan ng marami ay hindi lamang mga pahayag ng pakikiramay kundi isang lideratong nakikita, naririnig, at nararamdaman. Kapag ang mga boses na dapat kumakatawan sa mga estudyante at komunidad ay nananatiling mahina o huli sa pagtugon, hindi maiiwasang maramdaman ng ilan na sila ay naiwan sa gitna ng kanilang pagsubok.

Sa huli, ang tanong ay hindi lamang kung may inilabas bang pahayag o pakikiramay. Ang tanong ay kung naramdaman ba ng mga estudyante at komunidad ang pagkakaisang matagal nang ipinapangako sa kanila. Dahil ang OneMSU ay hindi dapat manatiling mantra o slogan, kundi isang prinsipyong isinasabuhay.

Sapagkat kapag ang isang kampus at ang mga komunidad na nakapaligid dito ay nasa gitna ng pagsubok habang ang tugon ay tila katahimikan, ang tanong ay hindi na lamang, โ€œNasaan ang OneMSU?โ€ kundi: Paano ito magiging tunay na OneMSU kung may mga pagkakataong may naiwan sa gitna ng pangangailangan, na parang walang masasandalan?

Photos Courtesy: Bagwis

12/06/2026

FEATURE | Malaya Nga Ba ang Pilipinas?

Malaya nga ba ang Pilipinas? Kung malaya, ang kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa paglaya mula sa mga dayuhang mananakop. Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang mamuhay nang may dignidadโ€”may sapat na kabuhayan, edukasyon, at oportunidad upang umunlad. Ngunit paano magiging malaya ang mamamayan kung marami pa rin ang nakakulong sa kahirapan habang ang ilan sa mga nasa kapangyarihan ay ginagamit ang kaban ng bayan upang payamanin ang kanilang sarili? Ang korupsiyon ay hindi lamang pagnanakaw ng pera; ito rin ay pagnanakaw ng mga oportunidad, serbisyong nararapat para sa mamamayan, at ng kinabukasang dapat sanaโ€™y kanilang tinatamasa.

Sa isang tunay na malayang bansa, ang mga nasa kapangyarihan ay dapat nagsisilbi sa taumbayan, hindi sa pansariling interes. Kapag ang kapangyarihan ay nagiging instrumento ng sariling kapakinabangan at ang pondo ng bayan ay nagiging puhunan ng mga dinastiyang politikal at mga politikong inuuna ang kanilang bulsa kaysa sa kapakanan ng mamamayan, unti-unting nawawalan ng saysay ang kalayaan. Sapagkat ang tunay na sukatan ng kalayaan ay hindi lamang ang pagkakaroon ng soberanya, kundi ang pagkakaroon ng isang lipunang makatarungan, may pananagutan, at nagbibigay ng dignidad at pantay na pagkakataon sa bawat Pilipino. Hanggaโ€™t nananatili ang korupsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan, mananatiling bukas ang tanong: tunay nga bang malaya ang Pilipinas?


Photos from SAPA Mindanao's post 11/06/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐——๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌ | SAPA Mindanao reenforces the One MSU campaign in the aftermath of the Magnitude 7.8 earthquake

The urgency of this moment can no longer be ignored. In the wake of the recent earthquake that damaged several buildings in Mindanao State University General Santos, disrupted academic activities, and affected communities across General Santos City and Sarangani Province, we call upon the MSU system, student leaders, student journalists, and the whole MSU community to uphold the true meaning of the "One MSU" principle.

See below for the full solidarity statement.
__________

SAPA Mindanao supports the Tulong MSUOne campaign and reechoes the donation and solidarity drive for earthquake-affected cities and regions in Mindanao.

๐Ÿ“ In-kind donations, drop off at: MSU General Santos, Supreme Student Council Office

๐Ÿ“ For monetary donations, send through:

GCASH
Nadine Neshreen M.
09122817628

GOTYME
Kyle Neo Inocelda
011801257134

UNIBANK
Ramzel Ivan Hugh Getubig
1093 5691 6799

Photos from SAPA Mindanao's post 11/06/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Maguindanao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Dalican, Datu Odin Sinsuat
Maguindanao
9601

Opening Hours

Monday 4pm - 6pm
Tuesday 4pm - 6pm
Wednesday 4pm - 6pm
Thursday 4pm - 6pm
Friday 4pm - 6pm