13/08/2026
Ngayong buwan ng Agosto, buong pagmamalaking nakikiisa ang Sangay ng Davao del Sur sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ASEAN Month.
Sama-sama nating ipagdiwang ang yaman ng wikang Filipino, ang ating makulay na kultura, at ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating pahalagahan ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at bilang bahagi ng isang nagkakaisang pamayanang ASEAN.
Inaanyayahan ang lahat ng mga paaralan, g**o, kawani, at mga mag-aaral na aktibong makilahok sa mga nakatakdang gawain bilang paggunita sa dalawang mahalagang pagdiriwang na ito.
Makiisa. Makibahagi. Ipagmalaki ang ating wika, kultura, at pagkakaisa!