01/07/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ โโ
Alinsunod sa DepEd Memorandum DM-OUOPS-2026-06-1660 at DepEd Order No. 6, s. 2026, muling pinaaalalahanan ang lahat ng AgNaHiSta learners, mga magulang, g**o, at iba pang stakeholders na isulong ang ligtas, responsable, at wastong paggamit ng internet at mga electronic devices.
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas at nakapagpapasiglang kapaligiran sa pagkatuto, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga portable electronic devices sa oras ng klase, maliban kung ito ay pinahihintulutan ng g**o para sa layuning pang-akademiko o kinakailangan sa mga sitwasyong pang-emergency.
Ang responsableng paggamit ng teknolohiya ay hindi lamang tungkulin ng paaralan. Sama-sama tayong mga magulang, g**o, lokal na pamahalaan, at buong komunidad sa paggabay sa ating mga kabataan tungo sa pagiging responsableng digital citizens.
๐ก Bago mag-click, mag-isip. Bago mag-share, mag-suri. Bago mag-scroll, mag-aral.
Basta taga-Agutay High, DISIPLINADONG TUNAY!
Agutay National High School
Your School. Your Home. Your Future