18/08/2026
Isang matagumpay na ikalawang araw para sa Linggo ng Kabataan 2026!
Matagumpay na natapos ngayong araw ang ikalawang bahagi ng ating pagdiriwang na nakatutok sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataang Magdalenyo. Naging lubos na produktibo at makabuluhan ang mga naging talakayan ukol sa mahahalagang paksa gaya ng Mental Health Awareness, HIV and STD Awareness, at ang mga Current Issues on Youth o mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng ating sektor ngayon.
Sa pamamagitan ng mga paksang ito, mas napagtibay natin ang ating kamalayan at kakayahan na harapin ang mga hamon ng modernong panahon, alinsunod na rin sa ating tema na "Different Contexts, Common Aspirations."
Isang tapat na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras via Google Meet, gayundin sa lahat ng mga sumubaybay at nakipag-interact sa ating Facebook Live Stream. Ang inyong aktibong pakikilahok ang susi sa tagumpay ng gawaing ito!
📷 : Josh Naithan Cupon
🖼✍🏻 : Krisha Joy Jusi