09/09/2026
Pawik Integrated School, naghari sa Sports Writing; Mellante at Mendez, sumungkit ng 1st Place sa MSSPC 2026!
Nayanig ang larangan ng pangkampus na pamamahayag matapos magreyna ang mga pusta ng Pawik Integrated School sa kani-kanilang kategorya sa katatapos lang na Municipal Secondary School Press Conference (MSSPC) 2026 ngayong araw, Setyembre 9, na ginanap sa Siuton National High School.
Nasungkit nina Richelle Mellante at Jay Ann Mendez ang pinakamataas na karangalan nang kapwa iuwi ang 1ST PLACE sa Sports Writing (Filipino at English).
Pinatunayan ni Mellante ang kaniyang bagsik sa pluma matapos mangibabaw sa Sports Writing Filipino. Sa pamamagitan ng kaniyang makulay, mabilis, at madamdaming paglalarawan sa aksyon, nakuha niya ang komendasyon ng mga hurado upang hiranging pinakamahusay sa buong munisipalidad.
Hindi naman nagpahuli si Mendez na nagpakita rin ng pambihirang galing sa Sports Writing English. Gamit ang kaniyang matatalas na anggulo at komprehensibong pag-analisa sa laro, pinatunayan niya ang kalidad ng mga manunulat mula sa Pawik Integrated School.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing paggabay nina John Paul V. Benitez bilang coach, at Aljun H. Dreo, ang School Paper Adviser (SPA) ng paaralan.
Ipinakita ng dalawang mag-aaral ang diwa ng tema ng kumperensya ngayong taon: "Truth in every story, Innovation in Every Voice: Empowering Bicolano Campus Journalists in The Age of AI." Sa gitna ng makabagong teknolohiya, pinatunayan ng Pawik IS na ang husay ng tao at katotohanan sa pamamahayag ang nagtatakda ng tunay na kahusayan.
Dahil sa kambal na gintong tagumpay na ito, awtomatikong kwalipikado sina Mellante at Mendez na iwagayway ang bandera ng kanilang paaralan sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC).