16/01/2025
Bendita National High School
This is a National Public Secondary School situated at Bendita, Magallanes, Cavite. Gonzales, Gloria V. Antazo, and Aniceta B. Mojica. m. Constancia I.
This public high school molded thousands of students and changed countless lives. Significantly, in 1971, it has come to our grasp the unprecedented opportunity for the youth with the creation of barangay high schools. Through the efforts of by the Barangay Captain Dominador Custodio, and the barrio populace, Bendita Barangay High School was established. During the same year, the school began its
16/01/2025
Muli po ay KANSELADO ang ORYENTASYON NG MGA MAG-AARAL AT MAGULANG ngayong araw.
Salamat po.
🔴🔴🔴MAHALAGANG ANUNSYO🔴🔴🔴
Dahil sa masamang panahon,KANSELADO ang Oryentasyon ng mga Mag-aaral at Magulang bukas sa Bendita Integrated High School.
Ito ay gaganapin sa Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024, sa kaparehong oras.
Maraming salamat po.
21/07/2024
Tulong na Pagkain para sa mga Matulungin!
Tumatanggap po ang ating paaralan ng mga donasyon na pagkain para sa ating mga kasama sa Brigada Eskwela.
Makipagg-ugnayan sa ating paaralan at busugin natin ang mga matulungin😁
Pag-usapan natin ang paparating na bagong taong-pampaaralan
Oryentasyon Para sa mga Magulang at Mag-aaral ng Bendita Integrated High School
Ika-23 ng Hulyo,araw ng Martes, alas-8:00 ng umaga.
25/08/2022
Face to Face na. KIlala mo na ba sila?
25/10/2021
KILALANIN SERIES #12
GNG. GLORIA A. DINGLASAN
Si Gng. Gloria A. Dinglasan ay naglingkod bilang g**o sa Bendita National High School sa loob ng tatlumpu’t isang taon (31). Sa loob ng mahigit tatlong dekada, si Gng. Dinglasan, o lalo’t higit na kilala sa Ma’am Glo sa kanyang mga kapwa g**o at pinapatnubayang mag-aaral, ay buong puso at kahusayang nagbahagi ng kanyang karunungan sa mga asignaturang PCL, Philippine Problems, Filipino II at IV, at Values Education I. Siya ay itinuturing ring mapagkalingang g**ong tagapayo ng mga pangkat sa Una, Ikalawa, at Ikatlong Antas habang gumaganap rin bilang maunawain ngunit makatwirang Guidance Counselor ng paaralan.
Ayon kay Ma’am Glo, ang mga taong 1971 – 2002, mga taon kung kailan naging bahagi siya ng paaralan ay maituturing niyang masayang bahagi ng kanyang buhay. Dagdag pa niya, higit na nadaragdagan ang kasayahang ito kapag naaalala niya kung paano pinahalagahan ng mga mag-aaral ang mga aral na naituro niya sa kanila, kasama na rin ang pagsunod ng mga ito sa kanyang mga pangaral at ang paggalang na iniukol ng mga ito. Katulad ng kanyang mga naging kasamahan sa paaralan sa loob ng mahabang panahon, sinabi rin niyang bukod sa saya, nakatulong ang paaral upang mapaunlad ang kanyang kaalaman bilang isang mabuting g**o na lalong binigyang-tingkad ng pakikiisa ng kanyang mga naging mag-aaral.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, sadyang kahanga-hanga ang kasaysayan ng pagkakatatag Bendita National High School bilang isang institusyong ipinundar ng pagtutulungan ng pamayanan ng Magallanes. Ang mga karanasan sa pagkakatayo nito ang ibinahagi ni Ma’am Glo bilang isa sa mga alaala na kailanman ay hindi niya malilimutan patungkol sa paaralan, kung saan partikular niyang tinukoy ang pagbagtas nila sa malalayo at bulubunduking lugar upang makakalap lamang ng mga materyales na gagamitin sa pagtatayo ng mga naunang gusali ng paaralan. Aniya, kabilang ito sa mga di-mabilang na alaalang kanyang nabuo sa paggugol ng mahabang panahon sa paaralan na itinuring na niyang pangalawang tahanan, mga gunita kasama ang mga kapwa g**ong may layunin na maturuan ng mabubuting asal at mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa kadahilanan na malaki ang naging bahagi ng paaralan sa buhay ni Ma’am Glo, sapagkat ayon na rin sa kanya ito ang humubog sa kanyang kaalaman bilang isang g**o, naging laman ng kanyang mensahe ang paghahangad na maipagpatuloy ng mga kasalukuyang kabahagi ng paaralan ang paghuhubog sa mga mag-aaral tungo sa magandang kinabukasan at pagiging mabuting mamamayan.
22/10/2021
KILALANIN SERIES #11
GNG. PASTORA C. BELLO
Si Gng. Pastora C. Bello ay naglingkod bilang isang g**o sa Bendita National High School sa loob ng dalawampu’t walong taon. Sa loob ng halos tatlong dekada, siya ay nagpamalas ng di-matatawarang husay sa pagbabahagi ng kaalaman sa maraming asignatura na kanyang hinawakan tulad ng Mathematics I, Values Education I at IV, TLE III at IV, at maging Agriculture. Si Gng. Bello o Ma’am Paz para sa kanyang mga kapwa-g**o at mag-aaral ay tumayo rin bilang isang malumanay at mapagkalingang g**ong tagapayo sa mga pangkat ng Rose, Carnation, Dahlia, Ilang-Ilang, Daisy, Rosal, Jasmine, Cattaleya at Everlasting. Tunay ngang kinikilala na siyang pangalawang ina ng napakarami niyang mag-aaral na pinatnubayan.
Ayon kay Ma’am Paz, ang Bendita National High School ang nagbukas sa kanya ng pinto upang mapaunlad ang sarili bilang isang propesyunal. ayon sa kanya, ang pagbibigay ng pagkakataon ng paaralan na makadalo siya sa iba’t ibang pagsasanay ay nakapagdagdag pa sa kaalaman na mayroon siya nang siya ay pumasok sa larangan ng pagtuturo. Sa pagitan ng mga taong 1987 at 2016 ay masasabi niyang isa sa pinakamasasaya at pinakamakukulay na taon ng kanyang buhay. Aniya, naging mapagmahal at mabait ang mga taong kanyang nakasama sa loob ng paaralan mula sa kanyang mga kapwa-g**o hanggang sa mga naging punungg**o na gumabay sa kanya sa bokasyon na kanyang napili. Dagdag pa niya, ang samahang nabuo sa paaralan ay hindi lamang samahan ng mga kawani ngunit pagtuturingang maihahalintulad sa samahan ng magkakapatid at magkakapamilya. Maging ang mga mag-aaral aniya ay hindi nakapagbigay sa kanya ng gaanong problema sapagkat sa huli ay natututunan naman ng mga ito ang mga dapat gawin bilang mabuting mag-aaral. Aniya, ang araw-araw na pagpasok sa paaralan at pakikisama sa mga mag-aaral ay naging bahagi na rin ng kanyang buhay at naging bahagi na rin ng kanyang tungkulin ang pagtulong sa mga mag-aaral mula sa paminsan-minsang pagbibigay sa mga ito ng malililiit na tulong tulad ng mga ballpen at papel hanggang sa pagbibigay ng motibasyon at pagpapaaalala ng kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral. ayon pa kay Ma’am Paz, isa sa napakasaparap na pakiramdam sa isang g**o na tulad niya ang mabalitaan na magtagumpay ang isang mag-aaral lalo na’t alam niya ang hirap na pinagdaanan ng mga ito o kung minsan ay nawawalan na rin ng pag-asa sa buhay.
Tunay ngang hindi maikakaila ng sinumang naging bahagi ng paaralan ang tungkuling ginampanan nito sa kanilang buhay. ayon kay Ma’am Paz, bukod sa aspetong propesyunal, nakatulong rin ito sa paghubog sa kanya bilang isang indibidwal sapagkat natutunan niya ang makisalamuha ng maayos sa mga taong kanyang nakakahalubilo o nakakasama sa araw-araw. Kung kaya’t nang hiningan namin siya ng mensahe para sa mga kasalukuyang g**o ng Bendita National High School na ang ilan ay kanya pang nakasama noong siya ay nagtuturo pa, ay muli niyang ipinaalala na mas lawakan pa ng mga g**o ang kanilng pag-unawa, lalo’t higit ang pagmamahal sa mga mag-aaral dahil maaaring ang ilan sa mga ito ay may mga suliranin o dalahin na pinagdaraanan sa buhay. Sa huli ay ang paghahangad pa rin niya sa patuloy na pag-unlad at pagtatagumpay ng Bendita National High School.
20/10/2021
KILALANIN SERIES #10
GNG. GLORIA G. VILLA
Si Gng. Gloria G. Villa ay naglingkod sa Bendita National High School bilang isang g**o sa loob ng dalawampu’t isang taon. Sa loob ng mahigit dalawang dekadang pagpapamalas ng angking kahusayan sa pagtuturo ng mga asignaturang PEHM (katumbas ng MAPEH ng mga panahong iyon) at Values Education, si Gng. Villa o Ma’am Galo para sa kanyang mga kapwa g**o at mga mag-aaral, siya ay tumayo rin bilang isang mapagkalingang g**ong tagapayo ng Third Year – Rosal.
Ayon kay Ma’am Galo, hindi kursong Edukasyon ang kanyang natapos subalit nabigyan siya ng pagkakataon ng Bendita National High School na makapagturo matapos siyang kumuha ng karagdagang 9 na units sa kurso ng pagtuturo. Nagsimula siya bilang isang “volunteer” na g**o (noong mga panahong iyon, karaniwan na sa mga g**o ng pampublikong paaralan na naglalaan ng ilang panahon na boluntaryong naglilingkod sa paaralan kung saan sila nag-aaply ng posisyon) at tuluyan nang naging permanenteng g**o noong buwan ng Hunyo, taong 1989. Ayon sa kanya, nakatulong ang paaralan upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpili sa kanya bilang kinatawan sa mga seminar. Naging dahilan rin ang kanyang pagnanais na lalo pang malinang ang kanyang kaalaman sa itinuturong asignatura kung kaya’t ipinagpatuloy niya ang pag-aaral hanggang magkaroon ng espesiyalisasyon sa pagtuturo at hindi kalaunan ay mag-aral na rin para sa Master’s Degree.
Ang mga panahong kanyang ginugol sa paaralan ay nakapagbigay rin sa kanya ng masasayang alaala. Aniya, ang masasayang panahong ito ay inilalarawan ng pagkakaroon niya ng pagkakataon na makita ang mga mag-aaral na natututunan at napahahalagahan ang mga bagay na kanyang itinuturo. Dagdag pa niya, kabilang rin sa maliligayang alaala ito ang mga pagkakataon na kasama niya ang kanyang mga kapwa g**o na itinuring na rin niyang hindi lamang mga kaibigan, ngunit mga kapamilya na rin.
Hindi maikakaila na ang paaralan ay nagkakaroon ng hindi mabuburang marka sa mga taong naging bahagi na nito tulad na lamang ni Ma’am Galo na gumugol ng malaking bahagi ng kanyang buhay bilang isang Benditanian. Ayon sa kanya, sa pamamagita ng Bendita National high School, natutunan niyang makiharap at makihalubilo sa mga tao sa kabila ng aniya’y pagiging likas niyang mahiyain. Dugtong pa niya, ang pagiging g**o ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang mapaunlad ang kanyang kakayahan na makipagkapwa-tao dahil sa isa ito sa pinakamahalagang dapat na matutunan sa kanyang bokasyon.
Bilang pagtatapos, nagpahayag siya ng kanyang hangarin at hiling na nawa ay patuloy na maging masipag at matiyaga ang mga g**o ng Bendita National High School sa paghubog sa mga mag-aaral nito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Bendita
Magallanes
4113