DepEd ALS Pampanga

DepEd ALS Pampanga Alternative Learning System DepEd Pampanga

Sa ALS walang imposible
14/10/2022

Sa ALS walang imposible

29/07/2022

Completer o graduate ka na ba ng Alternative Learning System (ALS) Program? Share mo naman sa comment section ang moving-up o graduation picture at kwento mo!

Ang mga completer (para sa Elementary o Junior High School) at graduate (para sa Senior High School) ng ALS ay mga patunay na hindi yaman o pribilehiyo ang basehan ng tunay na kagustuhang magpatuloy at magtapos ng pag-aaral. Mula sa Kagawaran ng Edukasyon, CONGRATULATIONS!

Para sa buong impormasyon kung ano at para kanino ang ALS, basahin ang buong album ng ALS FAQs [frequently asked questions] sa link na ito: https://www.facebook.com/media/set?set=a.168270088166633&type=3




FLT-POST TestSa nalalapit na pagtatapos ng School Year 2021-2021, ginagawa ang FLT Post Test upang ma-assess ang learnin...
03/06/2022

FLT-POST Test

Sa nalalapit na pagtatapos ng School Year 2021-2021, ginagawa ang FLT Post Test upang ma-assess ang learning improvement ng mga learners.

Kasama rin ito sa kanilang Learner's Portfolio. ❤️

04/03/2022

Lahat ba ng rehiyon may ALS SHS na?

: Ngayong 2022, nadagdagan pa ang Regions at Divisions na naghahatid ng ALS Senior High School (ALS SHS) para sa out-of-school youth and adults (OSYA) sa buong Pilipinas.

Ayon sa pinakahuling tala ng Bureau of Alternative Education (BAE), 33 Divisions sa anim na Regions sa Luzon ang nagpapatupad na ng ALS SHS.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ALS SHS sa inyong lugar, direktang makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap niyo ang contact details sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/



28/02/2022

: Batas na nagpapatibay sa ALS Program (ALS Act & IRR)

Bukod sa masigasig na pagsasaayos at pagbababuti ng DepEd mula 2016 hanggang 2022 para sa pagpapalakas at pagpapalawak ng implementasyon ng ALS Program sa buong bansa, may batas nang sinasandigan ang ALS upang lalo pa itong makinabang sa tuloy-tuloy na mga reporma at pagbabago.

Ang Republic Act 11510, o ALS Act, at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, ay masinsin na binuo sa pagtutulungan ng DepEd, sa pangunguna ni ALS Assistant Secretary G.H. Ambat at ng noo’y ALS Task Force (Bureau of Alternative Education o BAE na ngayon), mga stakeholder at partner sa pribadong sektor, at ng Senado at Kongreso mula noong 2019. Ito ay tuluyang naging batas noong 2020.

Para sa kopya ng ALS Act, i-click ang link na ito:https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/12dec/20201223-RA-11510-RRD.pdf

Para sa kopya ng ALS Act IRR, i-click ang link na ito:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2022/02/BRW30F77216C386_058027.pdf

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga tungkulin at saklaw ng BAE, basahin ang DepEd Order no. 47, s. 2021 sa link na ito:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2021/11/DO_s2021_047.pdf




Address

Magalang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd ALS Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share