DepEd Macalamcam Integrated School- Batangas

DepEd Macalamcam Integrated School- Batangas A Public School located at Macalamcam A, Rosario, Batangas

School Intramurals 2026-2027Part III
17/08/2026

School Intramurals 2026-2027
Part III

School Intramurals 2026-2027Part II
17/08/2026

School Intramurals 2026-2027
Part II

School Intramurals 2026-2027 - Part ITaos-Pusong Pasasalamat sa Matagumpay na Intramurals Maayos nating naisagawa ang at...
17/08/2026

School Intramurals 2026-2027 - Part I
Taos-Pusong Pasasalamat sa Matagumpay na Intramurals

Maayos nating naisagawa ang ating Intramurals nang ligtas at puno ng saya, pagkakaisa, at sportsmanship. Higit sa pagkapanalo, naging makabuluhan ang palaro dahil sa pagtutulungan at suporta ng bawat isa.

Taos-pusong pagkilala sa ating School Head, Ma’am Mavic, sa mahusay na pamumuno, paggabay, at suporta. Gayundin sa ating mga g**o na naglaan ng oras, pagod, at dedikasyon upang maging maayos ang bawat bahagi ng palaro.

Kinikilala rin natin ang Sangguniang Barangay, BOD, SGC, PTA Officers, at mga magulang na patuloy na nakibahagi at sumuporta mula paghahanda hanggang sa pagtatapos ng Intramurals.

Sa ating mga Muse at Es**rt, at sa ating mga batang atleta, maraming salamat sa inyong pakikilahok at pagpapakita ng kumpiyansa, sipag, disiplina, at sportsmanship. Sa mga nagwagi, congratulations! Sa mga hindi pinalad, tandaan na ang bawat laban ay pagkakataong matuto at maging mas mahusay.

HIGIT SA LAHAT, pasasalamat sa Panginoong Diyos sa Kanyang paggabay, pagpapala, at magandang panahon na naging daan upang maisagawa natin ang Intramurals nang maayos at ligtas.

Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat!

THAT’S MY KAB & KID SINGING CONTEST 2026 Isang taos-pusong CONGRATULATIONS sa ating mga batang may talento at tapang na ...
14/08/2026

THAT’S MY KAB & KID SINGING CONTEST 2026

Isang taos-pusong CONGRATULATIONS sa ating mga batang may talento at tapang na buong pagmamalaking nagrepresenta sa Macalamcam Integrated School.

Ipinakita ninyo na ang tunay na tagumpay ay nasa tapang na sumubok, tiwala sa sarili, at pusong nagbibigay ng pinakamahusay.
Mabuhay ang ating Kab Scout at Kid Singer!

Maraming salamat sa lahat ng parents, teachers, coaches, at supporters na naging bahagi ng inyong journey.

You made us proud! Keep shining and keep believing! ❤️



Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masisipag na mga magulang na naglaan ng kanilang oras at lakas sa paglilinis...
05/08/2026

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masisipag na mga magulang na naglaan ng kanilang oras at lakas sa paglilinis at pagsasaayos ng mga kamang taniman ng ating Gulayan sa Paaralan. Ang inyo pong kusang-loob na pagtulong ay malaking hakbang sa pagpapanatili ng isang luntian at produktibong gulayan para sa ating mga mag-aaral.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Kon. Ben Din sa kanyang ipinagkaloob na mga butong pananim, at kay Gng. Agnes Ferrer sa kanyang ipinagkaloob na mga punla. Ang mga ito po ay tiyak na magiging mahalagang bahagi ng pagpapayabong ng ating Gulayan sa Paaralan.

Muli, maraming salamat po sa inyong suporta at patuloy na pakikiisa!


Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat po ng nakiisa sa matagumpay na  Clean-Up Drive at pagsasaayos ng ating Gulayan s...
05/08/2026

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat po ng nakiisa sa matagumpay na Clean-Up Drive at pagsasaayos ng ating Gulayan sa Paaralan na isinagawa noong nakaraang Sabado.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong sa gawaing ito sa pangunguna po ni Kap. Edwin H. Sarmiento, sa ating masisipag na mga magulang sa pamumuno ng ating masigasig na PTA President, G. Jonel Vidal, sa ating mga g**o, at sa lahat ng mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, lakas, at malasakit. Dahil sa atin pong sama-samang pagtutulungan, naging mas malinis, mas ligtas, mas luntian, at mas kaaya-aya ang ating paaralan para sa kapakinabangan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad.

Nawa'y patuloy po nating pangalagaan at mahalin ang ating paaralan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan.

Muli, maraming salamat po!



🌿💚 PAGKAKAISA ANG SUSI, BAYANIHAN ANG DAAN! 💚🌿Ang tagumpay po ng ating isinagawang Clean-up Drive ay hindi lamang nasusu...
20/07/2026

🌿💚 PAGKAKAISA ANG SUSI, BAYANIHAN ANG DAAN! 💚🌿

Ang tagumpay po ng ating isinagawang Clean-up Drive ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nalinis na bahagi ng ating paaralan, kundi higit sa lahat sa pagkakaisang, malasakit, at diwa ng bayanihan na ipinakita ng bawat isa.

Kaya't isang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, tulong pinansyal at suporta sa isinagawang Clean-up Drive ng ating paaralan noong Sabado, Hulyo 18, 2026.

Maraming salamat po sa Sangguniang Barangay ng Macalamcam A, sa pangunguna ni Kapitan Edwin H. Sarmiento, mga kagawad, at lahat ng Barangay Functionaries, sa inyong walang sawang suporta at aktibong pakikiisa. Ang inyong presensya ay patunay na ang edukasyon at pangangalaga sa paaralan ay responsibilidad ng buong komunidad.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa buong SPTA, sa pangunguna ni President Jonel Vidal, sa bumubuo ng Board of Directors (BOD) sa pangunguna ni President Zenaida E. Wagan, sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa mga programa ng ating paaralan.

Hindi rin magiging matagumpay ang gawaing ito kung wala ang ating mga g**o, mga magulang, at mga mag-aaral na buong pusong nakiisa at nagbayanihan. Ang inyo pong malasakit at pagtutulungan ay tunay na inspirasyon upang patuloy nating mapanatiling malinis, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan.

Maraming, maraming salamat po! Nawa'y patuloy po nating isabuhay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa ikauunlad ng Macalamcam Integrated School at sa kapakanan ng bawat mag-aaral.



Support Candidate No. 8 – Ma'am Tin! Your support can make a difference! Show your love for Ma'am Tin, our Ms. GAD Candi...
19/07/2026

Support Candidate No. 8 – Ma'am Tin!

Your support can make a difference! Show your love for Ma'am Tin, our Ms. GAD Candidate, by visiting her official contest photo and giving it a 👍 Like or ❤️ Heart reaction. Only Like and Heart reactions on the original official photo will be counted.

Every reaction is a meaningful expression of encouragement and reflects the unity, pride, and unwavering support of our school community.

Don't forget to share this post and invite your family, friends, colleagues, and the entire community to support our candidate.

Thank you for your continued support. Together, let's help Ma'am Tin shine and bring home the crown! 💙



💚 A Heartfelt Thank You and a Warm Welcome! 💚The Macalamcam Integrated School family extends its deepest gratitude to Ma...
04/07/2026

💚 A Heartfelt Thank You and a Warm Welcome! 💚
The Macalamcam Integrated School family extends its deepest gratitude to Ma'am Estelita P. Oliveros for her dedicated service, unwavering commitment, and inspiring leadership. Your invaluable contributions have touched the lives of our learners, teachers, parents, and the entire school community. Thank you for the years of selfless service. We wish you continued success and happiness in your next journey.

At the same time, we are delighted to welcome Ma'am Marivic D. De Castro as the newest member of Macalamcam Integrated School family. We are excited to work with you and look forward to your leadership, wisdom, and passion in helping us achieve greater success for our learners.

As one school community, we remain committed to excellence, collaboration, and service.

Thank you, Ma'am Estelita P. Oliveros. 💐
Welcome, Ma'am Marivic D. De Castro! 🌸

Together, we continue to build brighter futures for every learner.







Habang patuloy nating tinatahak ang landas tungo sa pagiging Macalamcam Integrated School, nananatili ang aming pangako ...
01/06/2026

Habang patuloy nating tinatahak ang landas tungo sa pagiging Macalamcam Integrated School, nananatili ang aming pangako na magbigay ng de-kalidad, makabuluhan, at makataong edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

📚 Tumatanggap ng mga mag-aaral mula:
✅ Kindergarten
✅ Baitang 1 hanggang Baitang 7

Bakit sa Macalamcam?
✔ Ligtas at magiliw na kapaligiran sa pagkatuto
✔ Mahuhusay at dedikadong g**o
✔ De-kalidad na edukasyon na may pagpapahalaga sa mabuting asal
✔ Matibay na ugnayan ng paaralan, magulang, at komunidad
✔ Iba't ibang programang pampalakasan at pangkaunlaran

📍 Macalamcam A, Rosario, Batangas

🌱 "Dito, ang bawat bata ay inaaruga, hinuhubog, at inihahanda para sa mas maliwanag na kinabukasan."

Address

Macalamcam
4225

Telephone

+639568423444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Macalamcam Integrated School- Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category