16/09/2026
Magandang Araw, Estebanians! ππ
Matapos ang malakas na bagyo at matinding pagbaha na tumama sa ating lugar, hindi naging madali ang lahat. π§οΈπ Maraming kailangang linisin at ayusin, ngunit hindi ito naging dahilan para tayo ay sumuko.
Kahit maraming iniwang dumi at kailangang linisin, kapit-bisig at sama-sama nating hinarap ang lahat. π§Ήπ€ Kahit maliit man o malaki ang naging ambag ng bawat isa, bawat tulong ay mahalaga. Dahil sa pagtutulungan, napapadali ang mga gawaing tila mahirap kapag nag-iisa. π
At higit sa lahat, hindi tayo basta-basta mapipigilan ng bagyo at baha. Matapos ang lahat, babangon tayo, papasok, at ipagpapatuloy pa rin ang ating pag-aaral. ππͺ
Patuloy din tayong magdasal at magpasalamat sa Panginoon sa pag-iingat at lakas na ipinagkakaloob Niya sa ating lahat. ππ Lagi nating unahin ang kaligtasan at patuloy na manalangin para sa ating mga kapwa Estebanians at sa lahat ng naapektuhan.
At especially, maraming-maraming salamat po sa ating SSLG sa pangunguna at pagtulong sa paglilinis at pag-aayos. π«‘π Malaking bagay ang inyong oras, effort, at pakikiisa para sa ating paaralan.
Maaaring malakas ang bagyo, mataas ang baha, at marami ang kailangang linisinβpero mas malakas tayo kapag sama-sama. πͺπ€
Kapit-bisig, Estebanians! Sama-sama tayong babangon, maglilinis, mag-aaral, at magpapatuloy. ππ±π