27/04/2022
Pagpili ng Pinuno sa islam
Maiksing paliwanag
Tanong 1 : Alin ang mas mainam na pinuno, babae o lalaki?
Sagot : Simpre lalaki
Tanong 2 : Bawal ba mamuno ang babae?
Sagot : Sinabi ng Propeta Sallallahu Alayhi wasallam
"لَنْ يُفْلِحَ قَوْمٌ وَلَّوْا أَمْرَهُمْ امْرَأَةً"
"Hindi magtatagumpay ang mga tao na ang namuno sa kanila ay babae"
Tanong 3 : Paano kung kafir o hindi muslim ang namumuno?
Sagot : ipinagbawal ng islam na gawing pinuno ang hindi muslim
وقال ابن حَزم: "واتَّفقوا أنَّ الإمامة لا تجوز لامرأةٍ ولا لكافر ولا لصبِي" مراتب الإجماع (٢٠٨)
" Sinabi ni Ibnu Haz'm Rahimahullah" Nagkasundo ang mga ulama na hindi pinahihintulutang mamuno ang babae, hindi muslim at bata"
Tanong 4 : Paano kung ang pagpipilian sa mga namumuno ay parehong mga hindi muslim?
Sagot : Piliin ang pinakamalapit sa mga Muslim at pinakamakatarungan
Tanong 5 : Paano kung may pagpipilian sa pagitan ng muslim at hindi muslim, sino ang dapat piliin?
Sagot : Piliin ang muslim
Tanong 6 : Paano kung hindi makatarungan ang muslim at mas makatarungan ang hindi muslim?
Sagot : Piliin ang hindi muslim na makatarungan
قال ابن القيم رحمه الله :
«إذا خيرت بين إمام كافر عادل وإمام مسلم ظالم، فإنني أختار الإمام العادل الكافر، لأن عدله لي وكفره عليه، أما الآخر فإسلامه له وظلمه علي»
Sinabi ni Ibnu Alqayyim Rahimahullah : " Kung papipiliin ako sa pagitan ng pinuno na hindi muslim na makatarungan at pinuno na muslim na hindi makatarungan ay mas pipiliin ko ang pinunong hindi muslim na makatarungan, dahil ang pagiging makatarungan niya ay para sa akin at pagiging kafir niya ay para lamang sa kanya, samantala ang isa ang kanyang pagiging muslim ay para lamang sa kanya at ang pagiging hindi makatarungan niya ay para sa akin"
Tanong 7 : Paano kung ang pagpipilian ay babae at lalaki na mga hindi muslim?
Sagot :Piliin ang pinakamalapit sa mga muslim at pinakamakatarungan.
Tanong 8 : Kahit na babae pa?
Sagot : Kahit na babae pa, kaysa naman lalaki na hindi magiging makatarungan sa mga kamusliman
Tanong 9 : Paano po yung sinabi ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam na kapag babae ang namuno ay hindi magtatagumpay?
Sagot :Yan ay kung sa pagitan ng mga muslim pagkatapos ang pinili nilang namuno ay ang babae sa kanila.
Paalala :Ang kafir o hindi muslim ay hindi maaaaring mamuno sa mga muslim at ito ay napagkasundun na ng mga Ulama, ngunit kung tayo ay nasa bansang pinamumunuan ng hindi muslim ay nararapat na piliin natin ang pinakamalapit sa atin at pinamakatarungan kahit pa na siya ay babae, ang pagbabasehan lamang dito ay kung sino ang pinakamakakabuti para sa mga muslim lalaki man yan o babae.
قال شيخ الإسلام ابن تيمية " حاكم كافر عادل
خير عند الله من حاكم مسلم ظالم"
" Ang pinunong hindi muslim na makatarungan ay mainam para sa Allah kaysa pinunong muslim na hindi naman makakatarungan"
Karagdagang kaalaman :
Ang usapang politika ay hindi yan nahahatulan sa hayag na nakikita natin dahil laging tinitingnan dito ang kapakanan ng karamihan sa mga muslim kahit na inaakala natin na labag ito sa batas ng Allah, may mga bagay sa loob ng politika na kinokonsidera dapat.
Kung babasahin natin ang talambuhay ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam noong nakipag-usap siya sa mga hindi muslim sa "Sulhul-hudaybiyyah" kung saan kabilang sa hiling ng mga hindi muslim na "ang sinumang yayakap sa islam ay hindi maaaring tanggapin ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam at ang sino namang magmumurtad o babaliktad o magkakafir ay tatanggapin ng mga hindi muslim" ito ay bagay na tinanggap ng propeta Sallallahu Alayhi Wasallam at nagreklamo si Omar Bin Alkhattab radiyallahu Anhu dahil hinatulan niya ang hayag na kanyang nakita kung saan ito ay labag sa batas ng islam, ngunit hindi niya alam na ito ay usapang politikal na hindi mahahatulan sa kanyang hayag dahil nakasalalay dito ang kabutihan ng mga muslim.
Payong kapatid : Kung wala kang alam sa batas ng islam sa politika ay mainam tumahimik na lamang, hindi yung isang dalil o katibayan lamang ang iyong pinanghahawakan na ibinabato mo sa mga kapatid mo sa islam na namumuno, huwag mo hatulan ang mga kapatid mong namumuno sa inaakala mong pagkakamali nilang hayag dahil mayroon sa likod nito na hindi mo pa nauunawaan kung saan kabilang sa bagay na pinahintulutan ng islam.
Panghuli : Ang pagpili ng pinunong hindi muslim sa bansang pinamumunuan ng hindi muslim ay tanging mga namumuno at mga ulama lamang ang nakakaunawa dito, dahil ang pinag-uusapan dito ay kapakanan ng mga muslim.
Wallahu A'alam.
✍️Shaikh Abdulrasid Angeles