Qur'an Learners Association

Directions

Qur'an Learners Association Islamic educational

28/07/2026

Learn from the Noble Qur’an Program ❀️

πŸ“’ Aqeedah Class
By : Sh. Norhad Langilis

πŸ“Mabini, Davao de Oro

Follow & Share Da’wah

22/06/2026

Open to All 🩷

Follow & Share

15/06/2026

AMON JADEED?

Ang ibig-sabihin ng β€œAmon Jadeed” (ΨΉΨ§Ω… جديد) ay β€œBagong taon”. At sa Islam ay pumapasok ang bagong taon sa pagpasok ng buwan ng Muharram.

May mga kamusliman ang nagdiriwang sa unang araw ng Muharram. At may dalawang dahilan kung bakit sila nagdiriwang sa araw na ito:

β–ͺ️UNANG DAHILAN: Dahil sa ito daw ang araw na paglipat (Hijrah) ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) sa Madinah. At iyan ay hindi totoo, dahil naganap ang Hijrah sa buwan ng Rabie’ Al-awwal.

β–ͺ️PANGALAWANG DAHILAN: Ang sinasabi nilang New Year’s Celebration, o maaaring sabihin nilang Islamic New Year’s Celebration, o kaya ay β€œAmon Jadeed”. At ang unang nagsagawa niyan ay isang grupo sa Egypt na tinatawag na β€œFatimiyyun”.

πŸ‘‰ Ang mga nabanggit na dahilan ay pawang HINDI MAAARI, dahil ang pagdiriwang nito taun-taon ay MAIHAHALINTULAD sa Eidul Fitr at Eidul Ad-ha na isinasagawa taun-taon. Ibig sabihin ay parang ginawa na ring Eid ang unang araw ng Muharram. At ang Eid ay PANG-RELIHIYON NA GAWAIN, at hindi kaugalian lamang. Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) kay Abu Bakr (RadiyAllahu anhu) sa araw ng Eid: β€œO Abu Bakr! Tunay na ang bawat nasyon ay may Eid, at ito ang Eid natin.” [Bukhariy: 952, Muslim: 892]

Nang sabihin ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na: β€œIto ang Eid natin.” ay nangangahulugan na ang Eid ay kabilang sa mga batas ng Islam. At dahil diyan, malinaw na ang Eid ay PANG-RELIHIYON NA GAWAIN.

Kung kaya, KUNG IHAHALINTULAD ang unang araw ng Muharram sa Eid (na nasabi natin na ito ay pang-relihiyon na gawain), ay kailangan ng batayan (o dalil), dahil kung walang batayan ay maituturing itong BID-AH (pambabago), at lahat ng Bid-ah ay kaligawan. Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): β€œSinuman ang mambago (mag-imbento) sa relihiyon nating ito na hindi kabilang dito, ito ay hindi katanggap-tanggap.” At sa ibang salaysay: β€œSinuman ang gumawa ng gawain na wala dito ang aming patnubay (o kautusan), ito ay hindi katanggap-tanggap.” [Bukhariy: 2697, Muslim: 1718]

At ayon kay Shaykhol Islam Ibn Taymiyyah (Rahimahullah): β€œSa Propeta (SallAllahu alayhi wa sallam), ay mga sermon (khutbah), at mga kasunduan, at mga kaganapan sa mga araw na iba’t iba. Tulad ng (digmaan sa) araw ng Badr, at Hunayn, at Khandaq, at ang pagkabawi ng Makkah (mula sa Mushrikeen), at panahon ng paglipat Niya at pagpasok Niya sa Madinah, at mga sermon Niya na iba’t iba na binabanggit Niya dito ang mga alituntunin ng relihiyong Islam. At hindi dahilan iyan na ituring ang tulad ng naturang mga araw na mga Eid. Ngunit ang nagsasagawa ng tulad niyan ay ang mga Kristiyano, na itinuring nila ang mga araw ng mga kaganapan sa buhay ni Eisa (Alayhi Assalam) na mga Eid, o ang mga Hudyo. At tunay na ang Eid ay batas, at kung ano ang isinabatas ni Allah ay siyang sinusundan, at kung hindi (naisabatas), ay hindi maaaring mambago sa relihiyong Islam nang hindi kabilang dito.” [Iqtida Assiratil Mustaqeem li Ibn Taymiyyah: 2/123]

Gayundin, na ang pagdiriwang sa pagpasok ng Muharram, sa kadahilang pumasok ang bagong-taon, ay gawain na panggagaya sa ginagawa ng mga ibang relihiyon, lalo na ang mga Kristiyano, at iyan ay hindi ipinapahintulot sa Islam. Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): β€œSinuman ang tumulad sa isang pangkat (o nasyon), ay siya ay kabilang sa kanila.” [Ahmad: 5114, Ibn Abiy Shaibah: 19401, Abu Dawud: 4031 (Hadeethon Saheh: Al-irwa: 2384, Al-albaniy)]

ΩˆΨ§Ω„Ω„Ω‡ ΨͺΨΉΨ§Ω„Ω‰ Ψ£ΨΉΩ„Ω….

✍️: Amer M. Pundogar

09/06/2026

Tafseer Class
πŸ“Verse 1 - 11 / سورة Ψ§Ω„Ω…Ω„Ωƒ

By: Sh. Ebrahim Tayongtong

08/06/2026

Tafseer Class
πŸ“Verse 1 - 11 / Suratol Mulk

By: Sh. Ebrahim Tayongtong

07/06/2026
Shukran for Sharing your Iftar, in Yawm Arafah ❀️ May Ψ§Ω„Ω„Ω‡ accept your Ibadah 🀲🏻
26/05/2026

Shukran for Sharing your Iftar, in Yawm Arafah ❀️ May Ψ§Ω„Ω„Ω‡ accept your Ibadah 🀲🏻

Assalamu Alaikum, Qur’an LearnersYou are warmly invited to join us for Iftar as we break our fast together. Your presenc...
25/05/2026

Assalamu Alaikum, Qur’an Learners

You are warmly invited to join us for Iftar as we break our fast together. Your presence would make the evening more special.

May Allah bless us all with peace, happiness, and togetherness during this blessed month of Dhulhijja ❀️

02/04/2026

Assalamu Alaykum πŸ’ž
We're happy to invite you to 2nd 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏 π’‡π’“π’π’Ž 𝑡𝒐𝒃𝒍𝒆 𝑸𝒖𝒓`𝒂𝒏.

-𝑻𝒂𝒇𝒔𝒆𝒆𝒓
- π‘­π’Šπ’’π’‰
- 𝑨𝒒𝒆𝒆𝒅𝒂𝒉
- Tajweed

π‘³π’†π’‚π’“π’π’Šπ’π’ˆ 𝒔𝒕𝒂𝒓𝒕𝒔 April 6, 2026
πŸ•• 𝑨𝒇𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒕𝒖𝒍 π‘΄π’‚π’ˆπ’“π’Šπ’ƒ, π‘¬π’—π’†π’“π’š...
- π‘΄π’π’π’…π’‚π’š
- π‘»π’–π’†π’”π’…π’‚π’š
- π‘Ύπ’†π’…π’π’†π’”π’…π’‚π’š

𝑺𝒆𝒆 π’šπ’π’– 𝒕𝒉𝒆𝒓𝒆 πŸ’ž

Address

Mabini, Davao De Oro
Mabini

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Qur'an Learners Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share