14/06/2026
Sa diwa ng bayanihan at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating paaralan, matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela 2026 sa Paaralang Elementarya ng Nag-iba. Ang programang ito ay naging daan upang maihanda ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor ng komunidad.
Ang pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Nag-iba ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumugon at tumulong upang maging matagumpay ang Brigada Eskwela 2026. Taos-puso naming kinikilala ang suporta ng ating komunidad, mga Opisyal ng Barangay sa pangunguna ni Brgy. Capt. Filomena A. Dalisay, mga SK Officials, PTA Officers, mga mag-aaral, magulang, samahan ng NATODA, volunteers, at iba pang stakeholders.
Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay malaking ambag sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang pakikiisa at suporta. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.