21/08/2025
Patimpalak sa Pag-awit, Nagbigay-Diin sa Pagpapahalaga sa Wikang Pambansa
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, isinagawa sa Mauaque High School ang patimpalak sa Isahang Pag-awit ng “Dakilang Lahi” na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10, kabilang din ang mga kalahok mula sa STE, SPA, at Transition Program.
Samantala,sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Gng.Diana D. Clemente,ulong g**o sa Filipino, ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling wika at ang papel nito sa pagpapalakas ng pambansang identidad at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Bukod dito,naging katuwang ng programa ang mga iginagalang na ulong g**o na nagsilbing hurado sa patimpalak: G. Cornelio Sumagaysay (ESP), Gng. Wilma Policarpio (AP), at Gng. Eden Palo (English).
Nagpakitang-gilas naman sa entablado ang mga kalahok na sina Aaron Malilom (Grade 7 Marvel), Shantel S. Sanchez (Grade 8 Remarkability), Jasmine M. Navarro (Grade 9 Helpfulness), Eliza Joy L. Villegas (Grade 10), Paul Luis A. Yumul (STE), Shantal P. Aquilino (SPA Botong), at Glearne de Leon (Transition).
Matapos ang masusing paghuhusga, itinanghal na Kampeon si Jasmine M. Navarro ng Grade 9 Helpfulness sa ilalim ng paggabay ng kanyang coach na si Gng. Narcisa C. Mangalino.
Nakamit naman ang Unang Puwesto ni Shantal P. Aquilino ng SPA Botong sa tulong ng kanyang coach na si Gng. Jhocelyn P. Gutierrez, habang nasungkit ang Ikalawang Puwesto ni Aaron Malilom ng Grade 7 Marvel sa pagsasanay ng kanyang coach na si Gng. Maeden Quizon.
Sa kabuuan, nagbigay ng kasiyahan at inspirasyon ang nasabing patimpalak hindi lamang sa mga kalahok kundi maging sa mga g**o at mag-aaral na sumaksi. Patunay ito na patuloy na isinasabuhay ng Mauaque High School ang pagmamahal sa sariling wika at kultura sa pamamagitan ng musika at talento ng kabataan.