Clark College of Science and Technology - Office of Student Affairs

Clark College of Science and Technology - Office of Student Affairs ALPAS: The Clarkian Gazette - The Official Publication of Clark College of Science and Technology

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฆ๐จ, ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ญ ๐ค๐จโ€œAy, nakatulog.โ€Kung may kakayahan lang na makapagsumb...
20/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฆ๐จ, ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ญ ๐ค๐จ

โ€œAy, nakatulog.โ€

Kung may kakayahan lang na makapagsumbat ang bansang Pilipinas, malamang sa malamang ito ang kaniyang unang sasabihin para sa mga pulitiko, gobyerno at ahensyang nagtutulog-tulugan sa isang maingay na usapin ngayon sa lipunan. Sa bansang patuloy na naghahanap ng pag-unlad, tila nakatulog ang sambayanan sa obligasyong dapat na ipinaglalaban ang mga karapatang unti-unting tinatapakan.

Isa sa mga bagong mukha ng pag-unlad na kinakaharap ng Pilipinas ay ang Pax Silica, isang planong high-tech manufacturing at innovation hub na nakatuon sa pagpapalakas ng bansa sa semiconductor, artificial intelligence, at iba pang advanced industries. Kasabay ng malalaking oportunidad na dala nito ay isang mahalagang tanong na sa paghahangad ba ng industriyalisasyon, may sektor o kabuhayang maaaring maiwan?

Gising na gising ang maraming Pilipino sa mga pangakong dala ng Pax Silica, malalaking oportunidad, pamumuhunan, disenteng trabaho, at pag-unlad sa sektor ng teknolohiya at hindi nga maliit ang ipinapangako nito. Subalit habang nakatuon ang ating mga mata sa mga benepisyong maaari nitong ibigay, tulog naman ang mga sambayanan sa mga posibleng epekto nito sa ating ekonomiya, komunidad, at agrikultura.

Walang problema sa modernisasyon at hangad na pag-unlad. Ang pinakamalaking problema lamang sa ngayon, ay ang pangakong pag-unlad sa kabila na daan-daan mamamayang Pilipino ang maiiwan. Ito ay dapat para sa lahat. Nararapat lamang na ito ay nararamdaman ng bawat isa. Walang dapat nauuna habang ang iba ay tuluyang naiiwan.

May dahilan upang seryosohin ang mga pangakong dala ng Pax Silica. Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), maaaring umabot sa US$40 bilyon hanggang US$70 bilyon ang pamumuhunan kapag lubos nang nadebelop ang proyekto, habang tinatayang mahigit 130,000 high-quality jobs ang maaaring malikha para sa mga Pilipino.

Malaking oportunidad ito para sa isang bansang nangangailangan ng trabaho at mas mataas na kalidad ng employment. Sa katunayan, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 2.26 milyon ang bilang ng unemployed Filipinos noong Disyembre 2025. Sa madaling salita, may oportunidad, may pera at may trabahong naghihintay.

Ngunit hindi lamang industriya ang bumubuhay sa bansa. Ayon din sa PSA, 20.7% ng mga employed Filipinos noong Disyembre 2025 ay nasa sektor ng agrikultura, habang ang Agriculture and Forestry ay bumuo ng 18.8% ng kabuuang employment.

Ito ay taliwas na pangambang nararamdaman ng bawat mamamayan na sa halip ay pagkasabik dahil hindi natin maaaring basta ipagpalit ang seguridad ng pangkabuhayan ng malaking sektor ng ating populasyon kapalit ng mga pangakong dala ng isang bagong industriyal na proyekto.

Hindi lamang ito isang palaruan na itinatayo sa sarili nating bayan sapagkat ang Pax Silica industrial hub ay nakalaan sa 1,620 ektarya ng lupa sa New Clark City, na itinalaga bilang industrial area para sa proyekto. Maaari din payagan ang ilang kwalipikadong foreign investors na mag-lease ng lupa nang hanggang 99 taon sa ilalim ng Republic Act No. 12252.

Ibig sabihin, malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng displacement ang mga magsasaka at indigenous communities at sa epekto sa lokal na kabuhayan. Bagaman, hindi man tiyak na tuluyang mawawala ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil sa Pax Silica subalit sapat na itong dahilan upang tayo ay magtanong, magsuri, at humingi ng malinaw na proteksiyon bago natin tawagin ganap na tagumpay ang proyekto.

Hindi lamang pangkabuhayan ang maaaring maisantabi sa mga kabababayan lalo na sa sektor agrikultura kung hindi pati na rin ang kalikasan mula sa mga yaman tubig at yamang lupa na maaaring hindi makompromiso. Kaya naman hindi sapat na tanungin natin kung ilang trabaho ang malilikha.

Dapat din nating itanong: Sino ang makikinabang? Sino ang maaaring maapektuhan? Paano poprotektahan ang kabuhayan at kalikasan?

Kung ang pag-unlad ng ilan ay nangangahulugan ng pagkawala ng kabuhayan ng iba, hindi na ito tunay na pag-unlad para sa bawat isa. Sa tuwing may umuunlad, hindi dapat may kailangang hilahin pababa.

Hindi naman kailangang maging kalaban ng agrikultura ang industriyalisasyon. Maaari pa rin naman nating tanggapin ang mga oportunidad na dala ng Pax Silica habang matibay naninindigan na ang pag-unlad ay dapat may pananagutan, walang maiiwan at higit sa lahat, walang naagrabyadong kabuhayan dahil ang Pilipinas ay hindi lamang lupang maaaring tayuan ng mga pabrika at industriya. Ito rin ay lupang pinagtataniman, tahanan ng mga magsasaka, at pinagkukunan ng buhay ng milyun-milyong Pilipino.

Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa bilyun-bilyong dolyar na pumapasok sa bansa o sa dami ng mga pabrikang naitatayo. Nasusukat din ito sa kung ilang pamilya ang nananatiling may kabuhayan, kung gaano karaming manggagawa ang nakikinabang, kung paano napoprotektahan ang ating likas na yaman, at kung may lugar pa rin ang bawat Pilipino sa mundong ating tinatawag na maunlad.

Dahil ang pag-unlad ay hindi dapat maging pribilehiyo lamang ng iilan. Hindi dapat ang pag-asa ng isa ay maging bangungot ng iba. Kaya halina't gumising mula mahimbing na pagkakatulog ng pantasya ng mga elitista at kapitalista.

Kung tunay na nais ng pamahalaan na maging sentro ng advanced manufacturing at teknolohiya ang Pilipinas, dapat nitong tiyakin na ang Pax Silica ay may malinaw na environmental safeguards, makabuluhang konsultasyon sa mga lokal na komunidad, proteksiyon sa kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawa, at patas na pagkakataon para sa mga Pilipinong makinabang sa mga trabahong malilikha.

Hindi sapat ang pagpasok ng investment. Dapat ding magkaroon ng technology transfer, pagsasanay at pagpapaunlad sa lokal na workforce, at pangmatagalang proteksiyon sa kapaligiran at komunidad.

Dapat tanggapin ang oportunidad na hindi isinasara ang ating mga mata sa mga posibleng kapalit nito. Gumising at imulat ang matang nararapat ay matagal nang mulat sa realidad.

Sana sa susunod na marinig natin ang โ€œAy, nakatulog.โ€

Hindi na ito dahil nakaligtaan bantayan ang kinabukasan. Sana, mahimbing nang natutulog ang sambayanan dahil umaangat nang pantay-pantay, walang naiiwan, walang isinasakripisyo, at walang pangarap na kailangang maging bangungot ng iba.

Sapagkat ang tunay na tagumpay ay hindi lamang kapag may umangat. Ang tunay na tagumpay ay makakamtan kung sama-sama ang bayan na nagtutulungan.

------------------------------------

Salita ni ๐‰๐š๐ฉ ๐‚๐š๐›๐š๐ญ๐จ | Editor-in-Chief SHS
Dibuho ni ๐„๐ฆ๐ข๐ž๐ ๐ข๐ž๐ฅ๐ฒ๐ง ๐“๐ฎ๐ ๐š๐Ÿ๐Ÿ | Editorial Cartoonist
Inilapat ni ๐‹๐ก๐ข๐ž๐ณ๐ข๐ž ๐•๐ข๐›๐š๐ฌ | Head Layout Artist

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹  ๐Š๐Ž๐Œ๐ˆ๐Š๐’ | ๐Ž๐•๐„๐‘ ๐’๐€ ๐‹๐€๐“๐„, ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐„? Pumasok na basa, uuwing basa. Aguy! Yan ang hindi ko fantasy...
20/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐Š๐Ž๐Œ๐ˆ๐Š๐’ | ๐Ž๐•๐„๐‘ ๐’๐€ ๐‹๐€๐“๐„, ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐„?

Pumasok na basa, uuwing basa. Aguy! Yan ang hindi ko fantasy.

----------------------------------------

Ilustrasyon ni ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Œ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ฅ ๐†๐ข๐ง๐ž๐ฌ | Head Cartoonist

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹  ๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐-๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐“๐ก๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐“๐ก๐š๐ญ ๐€๐ซ๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐“๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌโ€™ ๐Œ๐จ๐ง๐ž๐ฒ; ๐‚๐ฅ๐ฎ๐ž: ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ฑ ๐’๐ข๐ฅ๐ข๐œ๐š1-...
20/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐-๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐“๐ก๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐“๐ก๐š๐ญ ๐€๐ซ๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐“๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌโ€™ ๐Œ๐จ๐ง๐ž๐ฒ; ๐‚๐ฅ๐ฎ๐ž: ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ฑ ๐’๐ข๐ฅ๐ข๐œ๐š

1-2-3 Go! kanya kanya na...

Kanya-kanyang hulog na ng buwis sa balon ng bayan, na tila isang wishing well para sa karaniwang mamamayan. Sa bawat pisong inihuhulog, may kapalit itong pawis ng paghahanapbuhay at pagod ng katawang umaasang gagaan ang buhay. Ngunit sa ikailaliman ng balon, may mga boses na patuloy na umaalingawngaw

"Proyekto," "pondo," at "para sa pagbabago."

Paulit-ulit na salitang hindi na bago sa mga tao. Habang ang iilan ay naghihintay sa bunga ng kanilang paghulog, ang iba nama'y tila abala sa pagsalok. At kahit na sa anong paglipas ng panahon, sa ibabaw ng balon, nananatili pa rin ang mga pangangailangang hindi kayang takpan ng pangakong walang aksyon.

------------------------------

Isinulat ni ๐‚๐ก๐š๐ง๐ง๐ž๐ฅ ๐€๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข ๐๐ฎ๐ข๐š๐ณ๐จ๐ง | Feature Editor
Inilapat ni ๐‘๐ž๐ง๐ณ ๐‹. ๐ƒ๐ฎ๐ง๐ ๐œ๐š | Layout Artist

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐-๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐๐ข๐ญ๐ข๐ค ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ : ๐Š๐š๐ฆ๐ข ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฒ๐š, ๐Š๐š๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ฒ๐š?๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐“๐š๐ซ๐š! ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š...
19/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐-๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐๐ข๐ญ๐ข๐ค ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ : ๐Š๐š๐ฆ๐ข ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฒ๐š, ๐Š๐š๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ฒ๐š?

๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐Ž๐ฉ๐ฌ๐ฌ! ๐“๐š๐ซ๐š! ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐จ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐ข ๐”๐ฌ๐ž๐œ. ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ซ๐ž:

๐€๐š๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐จ ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š-๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐ญ ๐ง๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ž๐ฆ๐ž๐ฌ. ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐š๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š.
๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ก๐š๐ฒ-๐›๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ -๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง.

๐€๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ž๐ฆ๐ฉ๐ซ๐ž, ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐›๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ซ๐จ:
๐๐ข๐ญ๐ข๐ค ๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข ๐ค๐š๐ก๐ข๐ญ ๐ ๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐จ ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐ -๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ฅ๐จ๐ค ๐ง๐š ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ๐š.

Nakakatawa sana kung laro lamang. Ngunit hindi na laro ang paaralang pinapasok ng mga estudyanteng takot ang dalaโ€”at ang tanging hangad ay makauwi nang ligtas at may sapat na kaalaman.

Nito lamang ika-18 ng Agosto nang muling yumanig sa isang paaralan sa Zamboanga City ang panibagong kaso ng โ€˜school violenceโ€™ matapos pumasok sa campus ang isang armadong estudyante at namaril ng mga kamag-aral. Ayon sa mga ulat, dalawang indibidwal ang nasawi at isa ang malubhang nasugatan na mas ikinabahala ng mga mamamayan ang balitang naiugnay sa ama ng suspek ang ginamit na barilโ€”isang customs police officer. Kabilang ito sa nakababahalang tala ng mga school violence sa bansa sa loob ng halos dalawang buwan, kasunod ng insidente sa Tacloban noong Hunyo.

Sa gitna ng ganitong trahedya, madaling itanong: Nasaan ang mga g**o? Subalit, sa panahong nakikipagtaguan sa masa ang pananagutan, mas mainam na hanapin ang sistemang dapat pumigil sa ganitong trahedya na pilit ipinapasa sa mga taong hindi naman dapat managot nang mag-isa at hindi naman dapat kamuhian.

Maglalaro tayo ng truth or dare. Mauna tayo sa katotohanan: mali na sabihing walang pananagutan ang mga g**o. Bahagi sila ng paghubog sa mga kabataan. May tungkulin silang magturo, gumabay, magpatupad ng mga patakaran, at magsilbing pagbabago sa loob ng paaralan.

Ngunit ang g**o ay GUROโ€”hindi pulis, hindi psychologist, hindi social worker, hindi magulang, at mas lalong hindi tagapagbantay ng bawat galaw ng libu-libong kabataan.

Tungkulin ng mga g**o ang pagbibigay importansya sa pagtuturo ng tamang asal, tamang kaalaman, at tamang pakikibahagi sa lipunanโ€”mga bagay na tila hindi nabigyang-konsiderasyon sa pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro na kinondena rin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Bagaman nilinaw ni Castro ang pahayag na hindi niya sinisisi ang mga g**o, hindi maikakaila ang pangambang dulot ng pagbibigay-diin sa papel ng mga g**o sa isang suliraning mas malawak kaysa sa loob ng silid-aralan.

Sa kabuuan, ang lumalaking problema sa school violence ay hindi lamang produkto ng iisang tao. Hindi ito maaaring iangkop lamang sa โ€œmaling pagpapalakiโ€ at โ€œmaling pagtuturo.โ€ Sa katunayan, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), 65% ng Grade 10 students sa Pilipinas ang nakararanas ng bullying nang ilang beses bawat buwanโ€”isa sa pinakamataas na antas na naitala sa mga bansang kalahok sa OECD's PISA. Mas nakakabahala, sa 339 bullying cases na nasa DepEd data mula Nobyembre 2022 hanggang Hulyo 2024, 38 lamang o 11% ang naitalang resolved.

Labing-isang porsyento. Kung ang problema ay nasa g**o lamang, bakit hindi natin kayang lutasin kahit ang mga kasong naiulat na?

Dahil ang bullying, harassment, aggression, at iba pang anyo ng school violence ay nangangailangan ng higit pa sa sermon sa classroom. Kailangan nito ng malinaw na reporting mechanisms, accessible mental-health services, trained personnel, responsive administrators, school security, parental involvement, at mabilis na intervention. Maging ang DepEd mismo ay kinilala noong Hulyo na kailangang palawakin ang mental-health at reporting systems upang matugunan ang school violence.

Totoo ang pinag-aralan ng mga g**o sa kolehiyo: โ€œIt takes a village to raise a child.โ€ Kung isang nayon ang kailangan upang bumuo ng isang bata, bakit g**o lamang ang nais nating managot kapag may batang naligaw?

Mas pinaiigting nito ang katunayan na hindi makatarungang ipasan sa g**o lamang ang bigat ng isang problemang ang ugat ay maaaring nasa tahanan, komunidad, access sa armas, bullying, mental health, online behavior, security systems, at mga patakarang hindi naipatutupad nang maayos.

Ang g**o ay bahagi lamang ng sistema. Hindi kami ang taya, Usec. Hindi kayo ang laya, Pilipinas.

Hindi pa tayo tapos maglaro, dumako tayo sa dare:

Marapat na gampanan ng mga kabahayan ang kanilang tungkulin sa tamang patnubay at paggabay sa mga anak. Marapat na tiyakin ng mga paaralan ang ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral. Marapat ding tiyakin ng mga awtoridad na hindi basta-basta nagkakaroon ng access ang mga indibidwal sa mga armas.

At ang pinakamalaking pitik-bulag na katotohanang pilit tinataguan ng masa: marapat na gampanan ng Department of Education at iba pang ahensya ng gobyerno ang kanilang tungkulin sa paglalatag at pagpapatupad ng sapat na learner-protection measures, gayundin ng mga mekanismo para sa mental-health support at security reporting. Pananagutan ng pamahalaan na pondohan at palakasin ang mga sistemang ito.

Patuloy na mananagutan ang mga g**o sa pagganap ng kanilang propesyonal na tungkulin. Dahil alam naming lahat ay may bahagi sa suliranin, at walang dapat gawing tanging salarin.

๐’๐š ๐ฅ๐š๐ซ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ค ๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐ , ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ญ๐š. ๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฎ๐ฌ๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐ -๐›๐ฎ๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ ๐š๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐ข๐ง. ๐’๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ซ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ, ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ข๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฒ๐š.

๐“๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฒ๐šโ€”๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ก๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ค.

--------------------

Isinulat ni ๐†. ๐‘๐จ๐›๐› ๐†๐š๐›๐ซ๐ข๐ž๐ฅ ๐ˆ. ๐๐š๐ฌ๐œ๐จ | Co-Adviser
Dibuho ni ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ข๐š ๐€๐ฅ๐š | Cartoonist
Inilapat ni ๐Š๐ฒ๐ฅ๐ž ๐Š๐ž๐ง๐ณ๐จ ๐„๐ฌ๐ฉ๐šรฑ๐จ๐ฅ๐š | Layout Artist

In times of concern, difficulty, or emergency, knowing where to seek assistance is essential. We encourage everyone to k...
19/08/2026

In times of concern, difficulty, or emergency, knowing where to seek assistance is essential. We encourage everyone to keep these hotline numbers accessible and share them with family, friends, and members of the community.

With the continuous impact of Southwest Monsoon, access to these numbers, share the information. Help ensure that assistance is within reach when it is needed.

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐’๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐งโ€” ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ Yellowโ€ฆOrangeโ€ฆ Redโ€ฆ To...
19/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐’๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐งโ€” ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ

Yellowโ€ฆOrangeโ€ฆ Redโ€ฆ Toot! Toot! Abiso sa Publiko mula sa NDRRMC. Nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.

Ito ang tatlong kulay na binabantayan ng mga sambayanang Pilipino sa tuwing sumasapit ang wet season o tag-ulan dulot ng Habagat o Southwest Monsoon mula Hunyo hanggang Oktubre. Sa tuwing may malakas na bagyo, Habagat, o matinding pagbaha, halos pare-pareho ang senaryong nararanasan ng mga Pilipino.

Nag-aakyat ng gamit para hindi mabasa ng baha, nagsisiksikan sa evacuation center para kaligtasan at higit sa lahat, naghihintay ng anunsyo kung may pasok o wala. Bagamaโ€™t tama at makatao ang pagsuspinde ng klase kapag delikado na ang sitwasyon, isang mahalagang tanong ang dapat harapin: Hanggang kailan magiging class suspension ang pangunahing solusyon ng gobyerno sa bawat kalamidad?

Ayon sa inilantad ni Rogelio Singson - Former Public Works Highways Secretary nito lang nakaraang linggo sa Press Conference, 1.72 Trillion budget ang inilaan ng dalawang administrasyong Duterte at Marcos sa mahigit sampung (10) taon mula 2016 - 2026 para sa flood control projects ng Department of Budget and Management on Flood Control Projects (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Bagamat, malaki ang pera inilaan para dito, hindi maipagkakaila na hindi naging epektibo ang proyekto para masugpo ang trahedya at kapahamakan para sa mga mamamayan.

Hindi lamang ito unang beses nangyayari dahil taun-taon, libu-libong mag-aaral ang nawawalan ng oras sa pag-aaral dahil sa sunod-sunod na suspensyon. Ang mga aralin ay naiipon, humahaba ang academic calendar, at napipilitang habulin ng mga g**o ang mga leksyon. Mas lalo itong nakaaapekto sa mga working students, graduating students, at mga batang may limitadong access sa internet o learning materials.

Bagamat, sa kasalukuyan, naglabas ang Department of Education (DepEd) ng mas malinaw na guidelines sa class suspension at learning continuity, habang isinusulong din ang paghahanda ng mga paaralan sa panahon ng sakuna. Nag-utos din ang pambansang pamahalaan ng mas malawak na koordinasyon sa pagtugon sa baha at mga bagyo. Mahalaga ang mga hakbang na ito, ngunit hindi sapat kung anunsyo lang ng suspension ang nararamdaman ng publiko.

Malaki itong problema. Oo. Hindi sapat ang suspensyon bilang solusyon sa malawakang suliranin na kinakaharap ng bansa. Naaapektuhan na ang pamumuhay ng mga Pilipino, naisasantabi ang pagkatuto ng mga mag-aaral at doubleng pahirap lamang ito sa mga g**o at school heads. Hindi kasalanan ng mga estudyante, g**o, at ordinaryong Pilipino kung bakit bumabaha ang mga kalsada. Hindi rin nila dapat pasanin ang kakulangan nang maayos na drainage, flood control, at ligtas na transportasyon. Kung bawat bagyo ay nagreresulta sa kanseladong klase, malinaw na ang problema ay wala sa edukasyon kundi sa kahandaan ng ating mga komunidad.

Bagamat, unti-unting gumagawa ng hakbang ang gobyerno na matugunan ang malawakang pangangailangan ng sambayanan sa gitna ng kalamidad gaya ng pag-activate ng Office of Civil Defense (OCD) ng mga response cluster member agency upang tumulong sa mga lokal na pamahalaan at residente sa mga apektadong lugar at pag-uutos ng Malacaรฑang ang whole-of-government approach sa gitna ng pagbaha dulot ng Habagatโ€”hindi pa rin ito sapat. Hindi pa rin nito tuluyan nabibigyan ng solusyon ang ilang dekada ng hinaing at daing ng mga mamamayang Pilipino sa tuwing may malakas na ulan at bagyo. Hindi pa rin ito ang sagot sa malawakang tanong ng sambayanan na hanggang kailan magtitiis? Hanggang kailan magsuspinde?

Ang tunay na solusyon hinahanap ay wastong pag-invest sa flood control, maayos na drainage, matitibay na school buildings, maagang warning systems, ligtas na evacuation centers at transport routes. Malaki ang pera na inilalaan subalit nagagamit sa maling paraan. May sentimo, ngunit walang konkretong plano. Kaya naman, sa halip na itago sa bulsa, mas mainam na bumalik sa umpisa. Ayusin ang sistema at punan ang naging baluktot na proyekto ng naunang gobyerno. Kapag handa ang mga komunidad at paaralan, mababawasan ang pangangailangang magsuspinde ng klase sa bawat pag-ulan

Hindi mali ang magsuspinde ng klase kapag may banta sa buhay. Ang mali ay kung doon na nagtatapos ang solusyon. Hindi dapat lumaki ang isang henerasyon na iniisip na normal na bahagi ng edukasyon ang sunod-sunod na kanseladong klase tuwing tag-ulan kundi dapat tiyakin ng gobyerno na ligtas ang bawat estudyante habang tuloy ang dekalidad na edukasyon.

Nang sa gayon, hindi na takot at pangamba ang nararamdaman ng mga mamamayan sa tuwing nakikita nila ang tatlong kulay na..Yellowโ€ฆOrangeโ€ฆ Redโ€ฆ Toot! Toot!

----------------------------------------

Isinulat ni ๐Š๐ข๐ฆ ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐š๐ซ๐ž๐ญ ๐๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐จ | Associate Editor
Dibuho ni ๐‰๐จ๐š๐ช๐ฎ๐ข๐ง ๐‹๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐  | Head Cartoonist
Inilapat ni ๐‹๐ก๐ข๐ž๐ณ๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐•๐ข๐›๐š๐ฌ | Head Layout Artist

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | โ€Žโ€˜โ€™๐˜๐จ๐ก๐จ๐จ! ๐ƒ๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐“๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง!โ€™โ€™Lantad na sa bansang Pilipinas ang tunay na hagupit...
19/08/2026

๐€๐‹๐๐€๐’: ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹
๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | โ€Žโ€˜โ€™๐˜๐จ๐ก๐จ๐จ! ๐ƒ๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐“๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง!โ€™โ€™

Lantad na sa bansang Pilipinas ang tunay na hagupit ni Haring Habagat upang bahain, paulanin at patigilin ang daloy na nakagisnang uri ng pamumuhay. Nakikita natin na basa at baha ang mga lansangan na noon ay mainit at maalikabokโ€” ngayon ay hindi na makita dahil sa tsokolateng tubig.

โ€ŽBumubuhos na ang ulan. โ€ŽMalamig ang hangin, basa ang kalsada, at tila hinihikayat tayo ng panahon na manatili na lamang sa loob ng ating tahanan. Subalit, habang ang ilan ay naghahanap ng masisilungan, may mga taong patuloy na lumalabas upang maghanapbuhay.

Ika nga ng Presidential Communications Office - Undersecretary, Atty. Claire Castro โ€˜โ€™๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’, ๐’Œ๐’–๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’, ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’ ๐’Œ๐’‚๐’‰๐’Š๐’• ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’ƒ๐’‚๐’ˆ๐’š๐’โ€™โ€™ Tila ba na ipinaparating nito na kailangan isantabi ang kaligtasan ng bawat mamamayan para lamang mapunan ang kalamnan ng tiyanโ€“ at higit sa lahat, dahil kailangan.

โ€ŽBakit kailangan nilang harapin ang ulan kahit maaari naman silang manatili sa bahay? Sa kabila nang mahigit siyam na apektadong probinsya, kailangan pa rin ng mga ordinaryong mamamayan ang maghanapbuhay.

โ€ŽSa gitna ng malakas na buhos ng ulan, may traffic enforcer pa rin na patuloy na kumakaway sa mga sasakyan. May vendor na pilit tinatakpan ang mga paninda. May security guard na nananatiling may tindig sa pagkakatayo sa kaniyang puwesto. May g**o na naghahanda para sa kaniyang mga mag-aaral.

โ€Žโ€ŽHindi lamang sila. Marami pa. Nakikita natin sila.

โ€Žโ€ŽMay mga drayber na patuloy na sumusuong sa baha para bumiyahe, mga delivery rider nagtatago sa mga kapote para maghatid ng mga pagkain sa iba, mga street sweeper na nilalamig ang bawat palad habang mahigpit ang pagkakahawak sa walis upang maglinis, mga health worker na umiiwas sa putik para hindi mabahiran ang puting uniporme patungo sa ospital, mga construction worker na lakas ng katawan ang puhunan kaya bawal magkasakit mula sa ulan.

Marami pa sila. Hindi lang natin napapansin. Subalit, nakikita pa rin natin sila.

โ€Žโ€ŽIba-iba ang kanilang trabaho, ngunit iisa ang kanilang pinagdaraanan.
โ€Ž
โ€ŽPagod.

โ€ŽPanganib.

โ€ŽAt pangangailangan.

โ€ŽHindi naman sila gawa sa bakal. โ€ŽNapapagod din sila. Natatakot. Nilalamig. Nangangamba.

Hindi na ito basta pang cuddle weather. Mas lalong hindi na rin ito pangramen at cravings weather. Habang karamihan sa atin nakatalukbong sa ilalim ng kumot nilalamig, may mga ordinaryong manggagawang Pilipino ang nakikipagsapalaran para sa kanilang kinabukasan. Hindi na ito pangkabayanihan kung hindi ginagawa na lamang nila ito dahil kailangan.

โ€Žโ€ŽPara sa isang vendor na ang bawat paninda ay maaaring katumbas ng pagkain sa hapag.
โ€Žโ€ŽPara sa isang drayber na bawat biyahe ay maaaring pambayad sa pang-araw-araw na gastusin.
โ€ŽPara sa isang manggagawa na bawat oras na ginugugol sa trabaho ay maaaring maging bahagi ng kinabukasang kaniyang ipinaglalaban.

โ€ŽHindi lamang ulan ang kanilang hinaharap. Buhay ang kanilang nilalabanan.
โ€Žโ€ŽMadalas, nakikita natin ang kanilang serbisyo ngunit hindi ang kanilang sakripisyo.

โ€ŽKapag may mabigat na daloy ng trapiko, hinahanap natin ang traffic enforcer.
โ€Žโ€ŽKapag may kailangang ihatid, hinihintay natin ang rider.
โ€ŽKapag may bibilhin, lumalapit tayo sa vendor.
โ€Žโ€ŽKapag may nangangamba sa kaligatsan, may guwardiyang nagbabantay.
โ€Žโ€ŽKapag may batang kailangang turuan, may g**ong nasa harapan.

โ€ŽNgunit kailan natin sila tinitingnan bilang mga taong napapagod din?
โ€Žโ€ŽKailan natin naitanong kung kumusta sila?
โ€ŽAt sino ang magtatanong sa kanila kung wala tayo?

Nakikita natin sila. Simula sa serbisyo pero hindi ang sakripisyo.

โ€ŽIto ang Pilipino.
โ€Žโ€ŽKapag mahirap, nagtitiis.
โ€Žโ€ŽKapag pagod, nagpapatuloy.
โ€ŽKapag may bagyo, naghahanap ng pagkakakitaan.

โ€ŽDahil may mga pangarap na hindi basta-basta maaaring isuko.
โ€ŽKaya sa susunod na makita natin ang isang manggagawang nakatayo sa gitna ng ulan, huwag lamang nating makita ang basang damit o pagod na mukha.

โ€Žโ€ŽTingnan natin ang taong nasa likod nito.

โ€ŽIsang ama.
โ€ŽIsang ina.
Isang anak.
โ€ŽIsang kapatid.
โ€Žโ€ŽIsang Pilipinong may pangarap at pamilyang ipinaglalaban.

โ€ŽMaaaring hindi natin alam ang kanilang pangalan. Maaaring hindi natin alam ang kanilang kuwento. Ngunit araw-araw, bahagi sila ng buhay na ating ginagalawan. โ€ŽKaya sa bawat patak ng ulan, alalahanin natin sila. โ€ŽAng mga manggagawang hindi humihinto.

โ€ŽHindi dahil madali ang buhay.
โ€ŽHindi dahil hindi sila nasasaktan.
โ€ŽKundi dahil may mga taong umaasa at naghihintay sa kanila.

โ€ŽAt kung may isang bagay na dapat nating matutunan mula sa kanila, ito ay ang tunay na kahulugan ng pagiging Pilipino.

โ€ŽDahil maaaring bumuhos ang ulan.
โ€Žโ€ŽMaaaring humampas ang hangin.
โ€ŽMaaaring dumating ang bagyo.
โ€ŽNgunit hangga't may pamilyang umaasa at pangarap na ipinaglalaban,

โ€ŽMay Pilipinong patuloy na magseserbisyo.
โ€Žโ€ŽPara sa pamilya. Para sa kapwa. Para sa kinabukasan.
Kaya naman kung makikita man natin sila sa lansangan, huwag tayo magkibit-balikat.

Huwag rin tayo magbulag-bulagan. Mas lalong huwag din pumikit-pikit dahil hindi na ito isang kabayanihan. Ito ay pangangailangan. Para mas makita pa natin ang kanilang serbisyo at sakripisyo, โ€˜โ€™Yohoo! Dito ang tingin!โ€™'

-------------------------

Isinulat ni ๐‰๐š๐ฆ๐ž๐ฅ๐š ๐‚๐š๐ญ๐ฅ๐ข | Senior Associate Editor
Dibuho ni ๐‹๐š๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐‹๐ข๐ ๐จ๐ง | Cartoonist
Inilapat ni ๐Š๐ž๐ง๐ญ ๐ƒ๐ฎ๐ซ๐š๐ง | Head Layout Artist

๐‘พ๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’”๐’• ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐‘ฎ๐’“๐’†๐’†๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’”, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Œ!Today, we celebrate a wonderful teacher whose dedication, passion, and commitment t...
18/08/2026

๐‘พ๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’”๐’• ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐‘ฎ๐’“๐’†๐’†๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’”, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Œ!

Today, we celebrate a wonderful teacher whose dedication, passion, and commitment to education continue to inspire both students and colleagues. Your knowledge, patience, and willingness to share your skills make you a truly valued member of the I.T Department and CCST Community

May this special day bring you happiness, success, and countless reasons to smile. May you continue to inspire, teach, and make a positive difference in the lives of those around you. Wishing you good health, greater achievements, and many more meaningful years ahead!

๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐’‡๐’“๐’๐’Ž ๐’š๐’๐’–๐’“ ๐‘ช๐‘ช๐‘บ๐‘ป ๐‘ญ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š!

๐‘พ๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’”๐’• ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐‘ฎ๐’“๐’†๐’†๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’”, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘ฝ๐’Š๐’๐’„๐’†๐’๐’•!Today, we celebrate not only a wonderful educator but also someone who patiently...
17/08/2026

๐‘พ๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’”๐’• ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐‘ฎ๐’“๐’†๐’†๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’”, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘ฝ๐’Š๐’๐’„๐’†๐’๐’•!

Today, we celebrate not only a wonderful educator but also someone who patiently listens, guides, and supports our students. Your commitment truly makes a difference in the CCST Community.

May your special day be filled with happiness, and may you continueto inspire minds, touch lives, and be a source of guidance and encouragement to many. Wishing you good health, happiness, success, and countless blessings in the year ahead!

๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐’‡๐’“๐’๐’Ž ๐’š๐’๐’–๐’“ ๐‘ช๐‘ช๐‘บ๐‘ป ๐‘ญ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š!

๐ˆ๐๐Š the truth. ๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“๐„ the voice. Let every story ๐’๐Ž๐€๐‘.This academic year marks a ๐›๐ฅ๐š๐ณ๐ข๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ for the official public...
15/08/2026

๐ˆ๐๐Š the truth. ๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“๐„ the voice. Let every story ๐’๐Ž๐€๐‘.

This academic year marks a ๐›๐ฅ๐š๐ณ๐ข๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ for the official publication of CCSTโ€”๐€๐‹๐๐€๐’!

Gearing towards better service, strengthened commitment, and deepened immersive practices in soaring for truth, we are having a ๐ฌ๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ-๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ dedicated for the campus journalists of CCST.

This is ๐ˆ๐๐Š๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ!, with the theme โ€œ๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™‰๐™š๐™ญ๐™ฉ ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™ง๐™ค๐™ช๐™œ๐™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™จ ๐™ค๐™› ๐˜พ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ช๐™จ ๐™…๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ข.โ€

Join us this coming Saturday, August 22, from 8:00 a.m. to 4:00 p.m., at Room 309 for an insightful discussion.

See you there, Clarkians!

- - - - - - - - -

๐Ž๐ฏ๐ž๐ซ๐š๐ฅ๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‡๐ž๐š๐: Mr. Robb Gabriel I. Basco
๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐ž๐ซ๐ฌ: Mr. James Vincent Enriquez, Mr. Carlo Corrales, Ms. Christine Caranza, and Ms. Josephine Estocado

Address

Samsonville Dau
Mabalacat
2010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639925370527

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Clark College of Science and Technology - Office of Student Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Clark College of Science and Technology - Office of Student Affairs:

Shortcuts

Share