10/09/2026
๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐ข ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐๐-๐๐ฆ๐ ๐ค
Ngayong Setyembre 10, Araw ng Pandaigdigang Pag-iwas sa Pagpapakamatay (World Su***de Prevention Day), nawaโy magsilbi itong paalala na may mga taong handang makinig, umunawa, at manatili sa tabi mo.
Kapag mabigat na ang lahat, okay lang huminto. Okay lang mapagod. Okay lang humingi ng tulong. At higit sa lahat, okay lang sabihin na hindi mo na kayang harapin ito nang mag-isa.
Mahalaga ang nararamdaman mo. Mahalaga ang pinagdadaanan mo.MAHALAGA KA.
Minsan, isang simpleng โKumusta ka?โ o โNandito lang akoโ ay maaaring maging malaking bagay para sa isang taong nahihirapan.
Kaya ngayong buwan, piliin nating makinig nang walang panghuhusga, kumustahin ang isaโt isa, at maging ligtas na sandalan para sa mga nangangailangan.
Hindi natin kailangang magkaroon ng lahat ng sagot. Minsan, sapat nang makinig at iparamdam sa isang tao na hindi siya nag-iisa. ๐ซ
๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ด. ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐๐น๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ.
***dePreventionMonth