Banyuhay - SIJ EZEE

Banyuhay - SIJ EZEE Organisasyon ng/sa Filipino ng mga mag-aaral ng SIJ/EZEE.

๐ŸŒฆ๏ธ Malamig man ang panahon, ngunit mainit ang pagbati at masiglang pagdiriwang! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจIsang matagumpay, makabuluhan, at mak...
11/09/2026

๐ŸŒฆ๏ธ Malamig man ang panahon, ngunit mainit ang pagbati at masiglang pagdiriwang! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Isang matagumpay, makabuluhan, at makulay na pagdaraos ng Buwan ng Wika 2026 ang ating ipinagdiwang! ๐ŸŽ‰

Sa temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ naging daan ang pagdiriwang upang higit nating mapahalagahan ang ating sariling wika, kultura, talento, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Mula sa Sabayang Pagbigkas, Spoken Poetry, Sayaw Pinoy, Awiting Pinoy, Poster Making, at Slogan Making, tunay na nasilayan ang husay, pagkamalikhain, at pagmamahal ng ating mga mag-aaral sa wikang Filipino. ๐ŸŽค๐ŸŽจ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ“–

Lubos na pasasalamat sa lahat ng mag-aaral, g**o, tagapayo, administrador, magulang, at lahat ng naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Ang inyong oras, talento, suporta, at pagsisikap ang naging susi upang maging matagumpay ang ating programa. ๐ŸŒธ

Tunay na buhay ang wikang Filipinoโ€”patuloy na umuusbong, yumayaman, at nagbubuklod sa bawat Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang kulturang Pilipino!
Mabuhay ang bawat kabataang patuloy na nagmamahal sa sariling wika! โค๏ธ

Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ang naghihintay sa atin! ๐ŸŒบโœจ Halinaโ€™t samahan kami sa bawat bahagi ng ating pro...
03/09/2026

Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ang naghihintay sa atin! ๐ŸŒบโœจ Halinaโ€™t samahan kami sa bawat bahagi ng ating programa bilang paggunita at pagpapahalaga sa Wikang Filipino, kultura, at pagkakakilanlan bilang Pilipino.

๐Ÿ“œ Narito ang Daloy ng Programa upang maging gabay sa bawat gawain at pagtatanghal na ating pagsasaluhan.

๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†: Morning

๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น: Afternoon

Wika ang tulay, kultura ang yaman, at pagkakaisa ang ating lakas! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na makilahok at ipakita...
28/08/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na makilahok at ipakita ang kanilang talento, husay, pagkamalikhain, at pagmamahal sa Wikang Filipino!

๐Ÿ“Œ Mga Patimpalak:

๐Ÿ—ฃ๏ธ SABAYANG PAGBIGKAS
๐Ÿ’ƒ SAYAW PINOY: Makabagong Galaw sa Lumang Tugtugin
๐ŸŽค SPOKEN POETRY
๐ŸŽถ AWITING PINOY
๐ŸŽจ POSTER MAKING

Ang lahat ng patimpalak ay kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika 2026:

โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Ipakita ang inyong talento!
Ipamalas ang inyong pagkamalikhain!
At higit sa lahat, ipagdiwang natin ang kagandahan, yaman, at kahalagahan ng Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐Ÿ“ฃ Basahin at sundin ang mga pamantayan at mekaniks ng bawat patimpalak.

Halinaโ€™t makiisa, makilahok, at makipagtagisan ng husay!








๐•ญ๐–†๐–“๐–ž๐–š๐–๐–†๐–žIsang taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyales ng Banyuhay!Bagong simula para sa mas masaya at masig...
26/08/2026

๐•ญ๐–†๐–“๐–ž๐–š๐–๐–†๐–ž

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyales ng Banyuhay!

Bagong simula para sa mas masaya at masiglang pagdiriwang ng ating wika at kultura.

Ang kanilang sipag at dedikasyon ang magiging gabay upang mas mapalapit sa ating mga puso ang kulturang Pilipino. Kapit-bisig nating itaguyod ang ating wika para sa isang mas matatag na komunidad!

โœ๏ธ: Bb. Samantha M. Deoso
๐Ÿ–ผ๏ธ: Bb. Khiellcy Pesimo
Bb. Keitlin Silvestre
G. Matthew Dizon

"๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."Halina't makiisa sa pagdiriwang ng...
08/08/2026

"๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! Sama-sama nating ipagmalaki ang ating sariling wika, kultura, at mayamang tradisyon sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak at makabuluhang gawain.

โœจ Mga Inihandang Patimpalak:
๐ŸŽญ Sabayang Pagbigkas
๐Ÿ’ƒ Sayaw Pinoy
๐ŸŽค Spoken Poetry
๐ŸŽถ Awiting Pinoy
๐ŸŽจ Poster Making
โœ๏ธ Slogan Making

Ito na ang inyong pagkakataon upang ipamalas ang inyong talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipino.

๐Ÿ“… Agosto 28, 2026
๐Ÿ• Mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-2:20 ng hapon
๐Ÿ“ Covered court

Huwag magpahuli! Magparehistro na at maging bahagi ng isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng ating pambansang wika.

Ang wikang Filipino ay hindi lamang paraan ng komunikasyonโ€”ito ay salamin ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa.

Tara na! Makiisa, makilahok, at ipagdiwang ang Buwan ng Wika!

13/07/2026

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

11/07/2026
๐•ญ๐–†๐–“๐–ž๐–š๐–๐–†๐–žNoong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, sa ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐™„๐™ฃ๐™›๐™–๐™ฃ๐™ฉ ๐™…๐™š๐™จ๐™ช๐™จ ๐™€๐™•๐™€๐™€, nagtipon ang mga bagong kasapi ng Banyuhay upan...
27/06/2026

๐•ญ๐–†๐–“๐–ž๐–š๐–๐–†๐–ž

Noong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, sa ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐™„๐™ฃ๐™›๐™–๐™ฃ๐™ฉ ๐™…๐™š๐™จ๐™ช๐™จ ๐™€๐™•๐™€๐™€, nagtipon ang mga bagong kasapi ng Banyuhay upang maghalal ng panibagong hanay ng mga pinunong magsisilbing tanglaw at gabay ng samahan. Kasama nila sa makabuluhang pagtitipong ito ang kanilang tagapayo na si ๐๐›. ๐‘๐ž๐ฃ๐ž๐ž๐ฅ๐ข๐ง ๐†๐š๐ซ๐œ๐ข๐š at katuwang na tagapayo na si ๐๐›. ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ž ๐†๐ซ๐š๐œ๐ž ๐Œ. ๐‹๐š๐ฒ๐ง๐จ.

Bagama't sariwa ang mga mukhang haharap sa panibagong yugto ng paglilingkod, nananatiling matatag at nag-aalab ang kanilang iisang adhikainโ€”๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง๐ข๐ง, ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ข๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐ฌ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ. Sa kanilang mga puso ay patuloy na nagniningas ang alab ng pagmamahal sa sariling pamana, isang apoy na magbibigay-liwanag sa mga susunod pang salinlahi.

Isang masaganang pagbati para sa mga bagong halal na opsiyales ng organisasyong Banyuhay!๐ŸคŽ

๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ผ, ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—Ÿ๐—ฃ๐—ง.Ang lahat ng iyong walang humpay na pagsisikap, matibay na pagtitiis, at di-matitinag ...
12/05/2026

๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ผ, ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—Ÿ๐—ฃ๐—ง.

Ang lahat ng iyong walang humpay na pagsisikap, matibay na pagtitiis, at di-matitinag na determinasyon ay sa wakas ay nagbunga na rin ng tagumpay. Nawaโ€™y ang panibagong yugto at marangal na tagumpay na ito ang magsilbing tanglaw at inspirasyon upang ipagpatuloy mo ang iyong pagmamahal sa pagtuturo, dala ang pag-asang makapaghahandog ng mas maliwanag at masaganang kinabukasan para sa lahat ng iyong minamahal na mag-aaral.

Ang iyong tagumpay ay buong puso naming ipinagdiriwang.

Ang iyong pamilyang Banyuhay ay lubos na nag-uumapaw sa galak at pagmamalaki para sa iyong tagumpay.๐ŸคŽ

๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ค๐™จ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž!๐Ÿ‘‘Bigyan natin ng isang taos pusong pagbati ang mga miyembro ng organisasyong Banyuhay na nakil...
28/02/2026

๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ค๐™จ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž!๐Ÿ‘‘

Bigyan natin ng isang taos pusong pagbati ang mga miyembro ng organisasyong Banyuhay na nakilahok sa paligsahang pangkagandahan.

Sa buong paligsahan, lubos ninyong ipinamalas ang walang hanggang galing, talento, at pagsisikap. At ang organisasyong Banyuhay ay lubos na ipinagmamalaki na mayroong kaming mga kasaping napakahusay at may labis na pagmamahal at malasakit para sakanilang ginagawa.

๐—ฅ๐—ผ๐—ฑ๐—ผ๐—น๐—ณ๐—ผ ๐—ฉ. ๐—›๐—ฎ๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—œ๐—œ
๐Ÿ‘‘ MR. SIJ 2026
๐Ÿ‘‘ BEST IN UNIFORM WEAR
๐Ÿ‘‘ BEST IN RAMP
๐Ÿ‘‘ CHOREOGRAPHERโ€™S CHOICE

๐—๐˜‚๐—ฎ๐—พ๐˜‚๐—ถ ๐——๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐—ข๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€
๐Ÿ‘‘ 2ND RUNNER UP
๐Ÿ‘‘ MR. CONGENIALITY
๐Ÿ‘‘ DARLING OF THE CROWD
๐Ÿ‘‘ QUIPPER CHOICE AWARD

๐—๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ต๐˜†๐˜๐—ต๐—บ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡
๐Ÿ‘‘ 2ND RUNNER UP
๐Ÿ‘‘ MS. MOMENTOUS CHOICE
๐Ÿ‘‘ BEST IN CASUAL WEAR
๐Ÿ‘‘ RICH SABINIAN CHOICE

Muli, lubos naming ipinagmamalaki ang inyong mga tagumpay!

แด„แด€แด˜แด›ษชแดษด: Aehreys Mitra | Rory Dungca
แด˜แดœส™แดแด€แด›: Christian Molina

Address

Pacencia Street Samsonville Subdivision, Barangay Dau
Mabalacat
2010

Opening Hours

Monday 7am - 3pm
Tuesday 7am - 3pm
Wednesday 7am - 3pm
Thursday 7am - 3pm
Friday 7am - 3pm

Telephone

+9614045649

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banyuhay - SIJ EZEE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Banyuhay - SIJ EZEE:

Shortcuts

Share

Category