03/05/2024
BALITANG ISPORTS || ππππ π©π’π§ππ π©ππ ππ§π πππππ π¬π ππππ βππ ππ§πππ«-π¬ππ‘π¨π¨π₯ πππππ π¨π«π², ππ-ππ
Muling ipinamalas ng koponan ng Colon National High School (CNHS) ang kanilang bagsik sa larangan ng basketbol ng kanilang pinagpag ang koponan ng Aniceto Lopez Sr. National High School (ALNHS) sa inter-school category ng Manny Pacquiao Basketball League (MPBL) 2024 na ginanap sa Municipal Covered Court, Maasim, Sarangani, nitong hapon ng ika-3 ng Mayo.
Nang mag-umpisa ang laban nang 4:55 ng hapon, ang mga manlalaro ay agad na nagpakita ng kanilang husay at determinasyon. Sa unang kwarter, ipinamalas ng mga manlalaro ng CNHS ang kanilang walang bahid na shooting accuracy at defensive skills, na nagbunga ng iskor na 15-10 sa kanilang pabor.
Sa pangalawang kwarter, ang CNHS ay patuloy na nagpakita ng kanilang dominasyon sa court. Ang kanilang magandang mala shokoy na ball movement at team chemistry ay nagbigay-daan sa kanila upang makakuha ng 37 puntos, habang ang ALNHS ay nakakuha lamang ng 25 puntos.
Nang dumating ang ika-3 kwarter, ang ALNHS ay nagpasya na tumawag ng time-out upang mag-estratehiya. Ngunit kahit anong pagsisikap nila, hindi nila magawang pigilan ang mala bulalakaw na opensa ng CNHS, na lumobo ng 61 puntos kumpara sa 35 puntos ng kalaban.
Sa huling kwarter, nabuhayan ng loob ang ALNHS na nagtala ng 6-to-0 nothing run kontra sa kabilang koponan. Ngunit, walang kahirap-hirap na gumawa ng eksena ang CNHS upang mapanatili ang kanilang lamang. Sa huli, itinatak ng CNHS ang kanilang husay sa offense at defense na nagbunga ng iskor na 73-61 sa kanilang pabor.
Matatandaang nagkaharap na ang dalawang koponan sa Municipal Meet 2024 noong Ika-17 ng Pebrero kung saan nakamit din ng CNHS ang kampeonato at dinala ang pangalan ng munisipyo ng Maasim sa provincial meet, kung saan kanila ring nasungkit ang ginto. Sa darating na SOCSKSARGEN Regional Athletics Association Meet 2024 na gaganapin sa lungsod ng Heneral Santos, muling susubukan ng koponan ng CNHS na maibulsa ang kampeonato laban sa iba pang mga koponan mula sa Rehiyon Dose.
β
Isinulat ni Twilight Izabhelle Garces
Larawan mula kay Ravie Zeta Peradillo