16/08/2026
Isang makabuluhang hakbang tungo sa kahusayan sa Qirā’ah at Kitābah ang isinagawang Dawrah on Arabic Writing and Calligraphy ng Madrasatu Al-‘Ulūm.
Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang kakayahan at pamamaraan ng mga g**o sa pagtuturo ng Arabic Writing at Calligraphy, upang maipamalas at maipasa sa mga mag-aaral ang wastong pagsulat, tamang paghubog ng mga titik, magandang handwriting, at higit na pag-unawa sa pagbasa ng wikang Arabic.
Sapagkat ang mahusay na pagbasa ay nagsisimula sa wastong pagkilala at pagsulat ng mga titik, mahalagang patuloy na linangin ang pundasyon ng bawat mag-aaral sa Qirā’ah at Kitābah.
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan ng Madrasatu Al-‘Ulūm, sa pangunguna ng aming Mudir, Ustadh Mohammad A. Pangolima, kay Ustadha Enthiezar B. Diga, bilang tagapagsalita at resource speaker, sa kanyang buong pusong pagbabahagi ng kaalaman, kasanayan, at kahusayan sa Arabic Calligraphy, Qirā’ah, at Kitābah.
Ang inyong kaalaman ay hindi lamang isang kasanayang ibinahagi, kundi isang ambag sa patuloy na paghubog ng mga g**ong mas mahusay, at mga mag-aaral na may matibay na pundasyon sa Arabic literacy.
Jazakillahu khayran wa Barakallahu fik 🤲