17/07/2026
A Scout is Obedient
Alam nating sa bahay nagsisimula ang pagiging masunurin ng isang tao lalo na ang isang bata. Dito natututo tayong makinig, magrespeto, at magmahal sa ating mga magulang at sa mga taong nakapalibot saatin. Ayon sa Efeso 6:2 "Igalang mo ang iyong ama at ina" o *Ephesians 6:2* "Honor your father and mother". Ito ang unang utos ng may pangako. Kapag natuto tayong sumunod at igalang ang ating mga magulang, natututo rin tayong sumunod sa Diyos.
Bilang isang Senior Scout, nagsisimula ang pagiging "Obedient" natin hindi sa camp, kundi sa ating tahanan mismo. Ang pagsunod ay hindi kahinaan kundi ito ay pagbibigay galang at pagmamahal. Kung kaya'y ngayong Bible Study na aming isinagawa, pinili naming maging masunurin sa aming mga magulang dahil sa paraang ito'y ikinagagalak ng Diyos sa kaitaas- taasan.
๐จโ๐ป: Sct. Clarence Alipongga | ๐ณ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐
โ๏ธ: Sct. Jan Andrea Roldan | ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐