04/08/2026
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 ๐ต๐ญ
Pormal na binuksan ng Paaralang Elementarya ng Macangao Sentral ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ngayong araw sa isinagawang Flag Ceremony, na dinaluhan ng lahat ng mga g**o at mag-aaral. Tampok sa pagbubukas ang pagsusuot ng mga g**o ng tradisyunal na kasuotang Pilipino, habang hinikayat din ang mga mag-aaral na magsuot ng angkop na pambansang kasuotan bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Sa pangunguna ni G. Ariston C. Gudes, Punongg**o at ng Pampaaralang Tagapag-ugnay at Dalubg**o na si G. Jan Michael C. Liporada, matagumpay na inilunsad ang pagdiriwang na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ Binigyang-diin sa programa ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa makabagong panahon, lalo na sa responsableng paggamit ng Artificial Intelligence bilang katuwang sa pagkatuto, pananaliksik, at pagpapalawak ng kaalaman.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtibay ng Macangao Sentral ang kanyang adhikain na linangin ang pagmamahal sa sariling wika, kultura, at pagkakakilanlan, habang isinusulong ang makabago at makabuluhang edukasyon para sa bawat mag-aaral.