10/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ika-4 ng Agosto, 2026 โ Pormal na sinimulan ng Ernesto D. Violan National High School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Pambungad na Palatuntunan na dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.
Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Punong-g**o Chona Joy Alejandrino ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI). Ayon sa kanya, ang makabagong teknolohiya ay nararapat gamitin nang may pananagutan at etika, habang patuloy na pinahahalagahan ang wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at pambansang identidad.
Binigyang-diin din niya na ang responsableng paggamit ng AI ay hindi dapat maging kapalit ng kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain ng tao, bagkus ay maging katuwang sa paglinang ng kalidad ng edukasyon at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral.
Samantala, ibinahagi ng Tagapag-ugnay sa Filipino Gng. Lenyvie C. Verano ang kabuuang iskedyul ng mga gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Inilahad niya ang iba't ibang patimpalak at gawaing pang-akademiko at pangkultura na naglalayong higit pang mapaigting ang pagmamahal sa wikang Filipino, pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, at ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.
Naging higit na makulay ang programa sa aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral at mga g**o na nagsuot ng ibaโt ibang kasuotang Pilipino, bilang pagpapakita ng kanilang pagmamalaki at pagpapahalaga sa mayamang kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino. Ang kanilang kasuotan ay nagsilbing makulay na simbolo ng pagkakaisa at patuloy na paggalang sa pambansang pamana.
Sa temang "Wikang Filipino at Artificial Intelligence: Ang Responsableng Paggamit ng AI at ang Kahalagahan ng Filipino bilang Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," layunin ng paaralan na palawakin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng makabagong teknolohiya nang hindi nalilimutan ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang puso ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa pagbubukas ng pagdiriwang, muling pinatunayan ng Ernesto D. Violan National High School ang pangako nitong itaguyod ang wikang pambansa, yakapin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan, at hubugin ang mga mag-aaral na may pagmamahal sa sariling wika, kultura, at bayan.
Isinulat ni: Lenyvie Carumba Verano
(๐ณ๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐
)