30/06/2026
Libreng School Supplies, Hatid ng Pagkakaisa para sa Bawat Mag-aaral ng Bel-Cruz Elementary School.
Masayang sinalubong ng mga mag-aaral ng Bel-Cruz Elementary School ang pagtatapos ng buwan ng Hunyo sa pamamagitan ng makabuluhang pamamahagi ng libreng school supplies ngayong araw ng Hunyo 30, 2026.
Lahat ng mag-aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 6 ay tumanggap ng kuwaderno, papel, lapis, at bolpen upang lalong maging masigasig sa kanilang pag-aaral sa mga darating na araw at buwan ng klase. Makikita sa mga ngiti ng mga mag-aaral ang katuwaan at pasasalamat sa malaking halaga ng tulong na kanilang natanggap.
Naging matagumpay ang pamamahagi ng mga school supplies sa tulong ng suporta ni Punong Barangay Gina A, Barra, na naglaan ng mga kagamitang pampaaralan para sa mga mag-aaral. Naging katuwang din sa pagsasagawa ng programa ang mga opisyal at kasapi ng SPTA sa pangunguna nina SPTA President Vicente Sagario Jr. Nagbigay rin ng pinansyal na suporta sina Kgd. Rowell Samson at Gng. Josarie B. Sarmiento para sa katuparan ng gawain na ito.
Ang mga G**o sa pangunguna ni Gng Thelma J. Salvador, ESP 1 ay buong pusong nagpapasalamat sa makabuluhang inisyatibong ito. Patunay na sa pagtutulungan ng paaralan at barangay mas maraming pangarap ang mabibigyan ng magandang simula. Tunay ngang ang bawat munting kagamitan ay nagiging malaking hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang mag-aaral.