29/08/2026
π³ππΏπ² ππΈπΏ π½πΎ. π· ππππππππ ππ!
Journalist ka, βdi ba?
Kaya dapat may note ka. At may pen ka.
Note-taking is not a new skill. Grade 1 ka pa lang, hinahasa ka na rito. Nung Grade 1 ka nga yung mataba at maitim na lapis pa ang gamit mo. Tapos, nag Mongol ka na nung Grade 2. Yung kulay yellow. Pag naubos ang eraser, βdilpat-dilpatβ na lang at ikuskos sa papel. Presto! Tagos hanggang puso. Or kung wala ka na talagang mahanapang eraser, yung pinakadulo ng tsinelas na lang ang gamit mo.
Pagsampa mo ng Grade 3, sinimulan ka ng tinuruan ng cursive. Yung magkatabi ang malaki at ang anak nitong maliit na letra. Tapos, ang pinakamahirap mong isulat, yung letter Q. Then you connected the letters. Maala mo pa ba yun?
Ang sipag mo pang magsulat noon. Nakailang palo rin ang natanggap mo nang sinulatan mo ang bagong pinturang pader ng bahay nio. At ang buong notebook mo punong puno ng pirma mo. May maiksi. May mahaba.
Ngayon, gamitin mo na ang iyong writing and note taking skills.
Makinig.
Mag-observe.
Mag-isip.
Magsulat.
Dahil ang isang mahusay na journalist ay hindi lang marunong makinig sa kuwento. Marunong siyang kumuha ng kuwento bago pa ito mawala.
Sa campus journalism, hindi lang utak ang iyong puhunan. May kwaderno kang kakampi at panulat na sandata. At oo, isa sa mga unang skills na hinahasa sa journalism ang note-taking.
Kaya, please lang. Huwag mong ilagay lahat sa utak mo. Baka ma-overload. Hindi puwedeng puro βOkay, tatandaan ko βyan.β Hindi rin puwedeng umasa lang sa memory.
Isulat mo.
Sa notebook.Sa iyong campus press note. Kahit hindi maganda ang sulat mo. Ang mahalaga, maiintindihan mo pag binalikan mo.
Sa Opening Ceremonies? Makinig ka. Pero magsulat ka rin. Hindi puwedeng nakikinig ka lang habang nagsasalita ang mga panauhin.
Isulat mo ang mahahalagang mensahe.
Mga pangalan.
Mga numero.
Mga pahayag.
Mga detalye.
Mga kuwento.
Mga linyang puwedeng maging lead o angle ng iyong article.
Dahil baka mamayaβ¦
βWala akong naisulat.β
Tapos ang dahilan?
βWala naman kasing sinabi.β
Journalist, hindi puwede βyan.
Think about history. Nalaman natin ang tungkol sa mga sinaunang kabihasnan hindi lang dahil sa mga relic at artifact. May mga simbolong iniwan at isinulat. May mga tekstong nagkuwento tungkol sa kanilang buhay. May papyrus. May mga dokumento. May mga liham ni Rizal.
Nakasulat. Napanatili. Naipasa sa susunod na henerasyon.
Kaya tandaan mo: Ang naisulat ngayon, maaaring maging kuwento bukas. At baka ang notes mo sa DSPC ngayon ang maging bahagi ng sarili mong journalism journey balang araw.
Hindi kailangang maganda. Kailangang mayroon.
Kung gusto mong mabilis mong ma-retrieve ang impormasyon: Magsulat ka. Hindi lahat matatandaan mo. Kaya kung mahalaga isulat mo.
Alam kong may sarili kang technique sa note-taking. Congrats! Alam ko rin na minsan mas gusto mong mag-record na lang. Tapos sasabihin mo: βMamaya ko na lang papakinggan.β Ay, journalistβ¦DSPC βto. Hindi podcast replay session. At hindi ito pinapayagan βyan sa contest proper.
Kaya habang nangyayari ang kuwento, kunin mo ang impormasyon.
At ang pinakamabilis mong kasama?
Note. Pen. Ikaw.
KAYA, MAGSULAT KA!
Kaya sa DSPCβ¦
Notebook? CHECK.
Pen? CHECK.
Journalist mindset? CHECK.
At kung gusto mong mag-iwan ng marka sa DSPCβ¦
MAGSULAT KA!