LNHS Filipino - PAWIS Club

Directions

LNHS Filipino - PAWIS Club Opisyal na Organisasyon ng mag-aaral ng LNHS

21/08/2026

KUWENTO, SINING, AT WIKA!📖✨

Pinatunayan ng mga mag-aaral ng LNHS na hindi lang sa libro nabubuhay ang mga kwento, kundi maging sa digital na mundo na rin. Sa pamamagitan ng sining ng teknolohiya at lalim ng ating wika, ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang angking galing sa paglikha ng mga kwentong kapupulutan ng gintong aral!📖💻✨

Sa pagtatapos ng ating masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nais nating bigyang-parangal ang mga mag-aaral na nagningning sa Digital Kwentong Pambata Contest:

🏆 MGA NAGWAGI:

🥇Unang Puwesto: Niessy Gabrielle Ranay — Grade 8

🥈Ikalawang Puwesto: Cristine Joy Villanueva — Grade 9

🥉Ikatlong Puwesto: Precious Agcaoili — Grade 7

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay upang patuloy kayong magbahagi ng mga kwentong magmumulat at magpapatibay sa kultura at wikang Filipino.🍂✨

Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang malikhaing mag-aaral na Pilipino! 🇵🇭👏


PAGBIBIGAY-PARANGAL SA BUWAN NG WIKA 2026 📖✨🇵🇭Isang makulay na pagdiriwang ang naganap sa awarding ceremony ng LNHS Agos...
21/08/2026

PAGBIBIGAY-PARANGAL SA BUWAN NG WIKA 2026 📖✨🇵🇭

Isang makulay na pagdiriwang ang naganap sa awarding ceremony ng LNHS Agosto 19, 2026 | 7:00 - 9:00 AM bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Sa Bayani Look-a-like Contest, naglaban-laban ang 6 na kalahok mula Grade 7 hanggang Grade 12 na humanga sa kanilang husay sa pagganap at pagdadala ng karakter ng ating mga bayani.

Ganoon din sa Singing Contest kung saan 6 na kalahok mula Grade 7 hanggang Grade 12 rin ang nagpamalas ng kanilang angking galing sa pag-awit at pagmamahal sa musikang Pilipino.

Hindi rin nagpahuli ang ating mga g**o na aktibong nakibahagi at nakisaya sa selebrasyon, na nagpakita ng suporta at pagmamahal sa wikang Filipino.

Pagbati sa lahat ng mag-aaral at g**o na lumahok at nanalo! Nawa'y magsilbing inspirasyon ito upang patuloy nating pahalagahan ang wikang Filipino at kulturang Pilipino.✨

Mabuhay ang wikang Filipino! 🇵🇭


✒️| Resty V. Rivera Jr.
🎨| Cristopher Benzal
📷| PAWIS Club Officers

Bilang bahagi ng nalalapit na Buwan ng wika 2026, isinagawa ang mga patimpalak na kwentong pambata para sa mga mag-aaral...
14/08/2026

Bilang bahagi ng nalalapit na Buwan ng wika 2026, isinagawa ang mga patimpalak na kwentong pambata para sa mga mag-aaral ng baitang 7–9 at spoken poetry para sa mga mag-aaral ng baitang 10–12 noong Miyerkules, ika-12 ng Agosto.
‎
‎Layunin ng mga gawaing ito na bigyang-laya ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang talento sa pagsasalaysay, pagbigkas, pagkamalikhain, at malikhaing paggamit ng wikang Filipino, habang pinahahalagahan ang ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
‎
‎Sa bawat kuwentong binigkas at tulang binigyang-buhay, namayani hindi lamang ang husay at talento, kundi pati ang malalim na pagpapahalaga sa wikang Filipino. Bawat tinig ay naging daan upang maipahayag ang damdamin, kaisipan, at mensaheng sumasalamin sa diwa ng Buwan ng Wika.
‎
‎Sa pamamagitan ng kuwento at tula, muling nabigyang-tinig ang imahinasyon at damdamin ng kabataan—patunay na sa bawat salitang binibigkas, may kuwentong maaaring magbigay-inspirasyon, at may tinig na karapat-dapat pakinggan.
‎
‎Sa salita, may sining. Sa tinig, may damdamin. Sa kabataan, buhay ang wikang Filipino.
‎🖊️| Janella Abad
🎨| Cristopher Benzal
📷| Fame Bartolome

Bilang bahagi ng nalalapit na Buwan ng Wika 2026, isinagawa ang mga patimpalak na poster making (Traditional at Digital)...
10/08/2026

Bilang bahagi ng nalalapit na Buwan ng Wika 2026, isinagawa ang mga patimpalak na poster making (Traditional at Digital) at slogan making noong lunes ika 10 ng Agosto, ganap na 4:00–5:00 ng hapon.

Layunin ng gawaing ito na maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain, talento, at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino, na nakaangkla sa pangunahing tema ng Buwan ng Wika 2026.

Sa bawat guhit, kulay, at salitang nabuo, hindi lamang talento ang namayani, kundi ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.

Sa pamamagitan ng sining at malikhaing pagpapahayag, naipamalas ng bawat kalahok ang kanilang sariling pananaw at mensahe na sumasalamin sa diwa ng pagdiriwang.

Wika natin. Talento natin. Kultura natin. Ipakita, ipagmalaki, ipamana!

🖊️| Allyza Mhae Rivera
🎨| Cristopher Benzal Jr.
📷| Fame Bartolome

📅 AGOSTO 8 | SABADO 📍 LUNA NATIONAL HIGH SCHOOLPara sa ating BUWAN NG WIKA! 🇵🇭Gusto mo ba ng masarap na luto? OPS OPS OP...
07/08/2026

📅 AGOSTO 8 | SABADO 📍 LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Para sa ating BUWAN NG WIKA! 🇵🇭

Gusto mo ba ng masarap na luto? OPS OPS OPSSS—dito ka na lang bumili sa luto ng mga cute na opisyal ng PAWIS CLUB! 🥘🥤

Wag ka nang maghanap ng iba—dito ka na lang, sa lutong hinding-hindi mo makakalimutan, lasang puno ng pagmamahal! Isama mo ang barkada! Magkita-kita tayo mamaya, wag mong hayaang maubusan ka, sayang! 🤎✨

🖊️| Pauleen Mica Pascual
🎨| Cristopher Benzal Jr.

Ang tunay na may malinaw na pananaw sa buhay, kumakain ng kalabasa.Naalala mo ba ang awiting Bahay Kubo? Hindi lang ito ...
12/07/2026

Ang tunay na may malinaw na pananaw sa buhay, kumakain ng kalabasa.

Naalala mo ba ang awiting Bahay Kubo? Hindi lang ito simpleng kantang pambata—isa itong paalala ng yaman ng ating kultura at ng iba't ibang masusustansyang gulay na likas sa ating bansa. Isa na rito ang kalabasa, na mayaman sa Vitamin A na tumutulong sa pagpapanatili ng malinaw na paningin at malusog na pangangatawan.

Haluh lumalabo na ba ang mata mo? 👀 Puyat ba 'yan dahil sa schoolworks o kakaselpon? 😅 Huwag hayaang lumabo ang paningin mo—lalo na ang mga pangarap mo.

Paalala mula sa PAWIS Club: Isama ang kalabasa sa iyong pagkain at ipagmalaki ang mga lokal na pagkaing ipinagmamalaki sa awiting Bahay Kubo. Sa pagyakap natin sa masustansyang pagkaing Pilipino, pinapahalagahan din natin ang ating wika, kultura, at tradisyon.

🖋️| Janella Abad
🎨| Cristopher Benzal

Sa mundong puno ng mga inaasahan at responsibilidad, madalas nating nakakaligtaan ang pinakamahalagang taong dapat natin...
21/06/2026

Sa mundong puno ng mga inaasahan at responsibilidad, madalas nating nakakaligtaan ang pinakamahalagang taong dapat nating alagaan—ang ating sarili.

Hindi pagiging makasarili ang pag-una sa sariling kapakanan. Ito ay pagkilala na may hangganan din ang ating lakas at damdamin. Tulad ng isang baso, hindi natin maibibigay nang buong-buo ang ating pagmamahal, oras, at pag-aaruga sa iba kung tayo mismo ay ubos na.

Ngayong buwan ng Hunyo, alalahanin nating mahalin, pahalagahan, at unawain ang ating sarili. Sapagkat ang taong marunong mag-alaga sa sarili ay mas handang maging liwanag at pag-asa para sa iba.
🖋️Janella Abad
🎨 Faith Bartolome

Sa gitna ng mga hamon, pagkukumpara, at mga salitang minsang nakapagpapababa ng ating loob, mahalagang alalahanin na ang...
14/06/2026

Sa gitna ng mga hamon, pagkukumpara, at mga salitang minsang nakapagpapababa ng ating loob, mahalagang alalahanin na ang ating halaga ay hindi nakasalalay sa opinyon ng iba. Bilang Lunanian, taglay natin ang kakayahang maniwala sa sarili, bumangon sa bawat pagsubok, at patuloy na tahakin ang landas tungo sa ating mga pangarap.

Nawa’y magsilbing paalala ang liham na ito na karapat-dapat kang mahalin, igalang, at pahalagahan—higit sa lahat, ng iyong sarili. Yakapin ang iyong mga kalakasan, tanggapin ang iyong mga kahinaan, at huwag kalimutang ang iyong pagkatao ay may natatanging halaga na hindi kailanman mababawasan ng anumang pagdududa o paghusga ng iba.

🖋️ Janella Abad
🎨 Faith Bartolome

Happy Monday, mga Lunanians! Ngayong buwan ng Hunyo, tututukan natin ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng iyong pag-aar...
07/06/2026

Happy Monday, mga Lunanians! Ngayong buwan ng Hunyo, tututukan natin ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng iyong pag-aaral—ang Pagpapahalaga sa Sarili.

Normal lang na kabahan sa mga bagong lessons, ngunit tandaan mo: Manalig ka sa sarili mo. Kahit gaano pa kahirap o kasing-gulo ng maze ang mga aralin, ang determinasyon at tiwala sa sariling galing ang tunay na magdadala sa iyo sa rurok ng tagumpay.

Sabay-sabay nating buksan ang mailbox ng pag-asa ngayong linggo!

🖋️ Janella Abad
🎨 Faith Bartolome

01/11/2025

Address

Luyao, Isabela
Luna
3304

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LNHS Filipino - PAWIS Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category