20/08/2026
H I N A Y | Modular Distance Learning
Agosto 20, 2026 - Huwebes
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na nagmula sa Malacañang, ang mga alternatibong paraan ng pagkatuto para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ay ipinapatupad ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026, dahil sa patuloy na mabigat na pag-ulan at masamang panahon na dulot ng Habagat.
Kaugnay nito, pansamantalang ipatutupad ang HINAY (Modular Distance Learning) para sa mga mag-aaral ng Maytalang II Elementary School.
Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas.