Concepcion Elementary School

Concepcion Elementary School Public Elementary School

Please be informed:
02/01/2021

Please be informed:

22/11/2020

PUSONG MAPAGPASALAMAT❤❤❤

Ugaliin sana natin ang palaging manalangin
Hindi kung kailan lamang may hiling o suliranin
Ang pagpapasalamat sa Diyos sa ating paggising
Huwag kalimutan hanggang sumapit ang dilim.

Malimit ay luhod tayo kapag may kailangan
Kapag may hilahil at puso'y sugatan
Puno ng ligaya kapag napagbigyan
Ang pagpapasalamat madalas makalimutan.

Alalahanin nating lahat ay panandalian
Mga talento, yaman, at lakas na inilaan
Maari N'yang bawiin sa isang kisap-mata lamang
Dahil lahat ng 'yan hiram natin sa Maykapal.

Huwag ng hintayin na tayo ay subukin
Bago pa man Siya ay ating kilalanin
Marunong ang Diyos lahat pagagaanin
Utang sa kanya anuman ang meron sa atin.

Anumang dumating sa ating pagsubok
Marami mang unos sari-saring pang dagok
Kapag sa Panginoon lagi tayong nakayukyok
Magigiging magaan pasaning nagpapalugmok.

Ang paglapit sa Diyos ay nangangahulugan
Ng ating pag-aming tayo'y may kakulangan
Hindi rin perpekto ang pagpasok sa simbahan
Ngunit pagtanggap ito na tayo'y makasalanan.

Sa lahat ng tao na nabibigatan
At kasalukuyang mga nakahandusay
Alalahanin palagi ang Poong Maykapal
Tanging Siya lamang ang magpakailanman.

-hinabi mula sa aking panaginip
bbmgadaza

We are glad to share and be a part of SDO Laguna LAGO Journal 2020🎊🎉Congratulations, ConES team!👫👫👫PSDS: Dr. Amada C. Fe...
27/10/2020

We are glad to share and be a part of SDO Laguna LAGO Journal 2020🎊🎉
Congratulations, ConES team!👫👫👫
PSDS: Dr. Amada C. Fernandez

Episode 7ENROLLMENT KIOSKMinamahal naming mga magulang,Sa mga hindi nakapagpa-enrol ng inyong mga anak online gamit ang ...
13/06/2020

Episode 7
ENROLLMENT KIOSK

Minamahal naming mga magulang,

Sa mga hindi nakapagpa-enrol ng inyong mga anak online gamit ang ating link, simula po sa Lunes ay pwede na tayong MAGPATALA SA PAMAMAGITAN NG NILIMBAG NA FORM.

Maari na po kayong makakuha ng form sa mga sumusunod na ENROLLMEMT KIOSK.
1. Brgy. Hall sa pakikipag-ugnayan sa ating Kapitan, Kgg. Felix Aniciete
2. Sa tindahan po ng ating GPTA President, Ma'am Dhallie Alinas Cacalda
3. Sa tapat po ng bahay ni ma'am Iryn Calandria Lacbay para sa mga taga Sitio Lacao
4. Sa tapat po ng bahay ni ma'am Genoveva Nicolas na malapit sa ating paaralan.

Maraming salamat sa pakikipagtulungan ng ating kapwa-g**o, kay Kap, Sangguniang Brgy, Sangguniang Kabataan, present GPTA President Ms. Dhallie Cacalda, former GPTA Pres. Liah Angel T Morales at mga magulang na palaging tumutugon sa pangangailangan ng paaralan.

SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOL
MAGULANG PO ANG KUKUHA NG FORM
Tandaan: MAHAL NAMIN KAYO, MANATILI SA BAHAY MGA ANAK, HA❤


Episode 6: TALAGANG MAY  K! ❤❤❤Palaging kabalikat ng paaralan, umaalalay din sa Online Enrolment ang SK Chairman ng Conc...
10/06/2020

Episode 6:
TALAGANG MAY K! ❤❤❤

Palaging kabalikat ng paaralan, umaalalay din sa Online Enrolment ang SK Chairman ng Concepcion, Kgg. Joseph Buarao, na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Happy kaarawan, Chairman!
At sa maaasahan at napakasipag naming former PTA President, Liah Angel T Morales, 'wag sana kayong magsasawa sa pagtulong para sa ating mga kababaryo lalo't higit sa mga kabataan. MORE POWERS!


Episode 5AT YOUR SERVICEFlex ko lang ang mga lingkod-bayang buong Linggong abala sa enrollment. Salute, dearest colleagu...
05/06/2020

Episode 5
AT YOUR SERVICE

Flex ko lang ang mga lingkod-bayang buong Linggong abala sa enrollment. Salute, dearest colleagues! Para sa minamahal naming mag-aaral, ginagawa ng inyong mga g**o lahat ng pwedeng paraan para sa inyong LIGTAS NA PAGPAPATALA.

Tandaan: MAHAL NAMIN KAYO, MANATILI SA BAHAY

Episode 4: LIGTAS NA PAGPAPATALABUKID SERYEAng mga g**ong 'di na makatiis, mga eskwela ang iniisip. BOLUNTARYONG pamimig...
04/06/2020

Episode 4: LIGTAS NA PAGPAPATALA
BUKID SERYE

Ang mga g**ong 'di na makatiis, mga eskwela ang iniisip.

BOLUNTARYONG pamimigay ng Leaflets para sa enrollment sa kanya-kanyang mga KAPITBAHAY at KALUGAR lang po. Yung iba tanaw lang pero nasa kabila namang palayan😊
Sana'y maramdaman ng mga magulang na kung nag-aalala sila ay mas DOBLE kami. Kasi bukod sa kami ay g**o ng mga anak ninyo, kami ay magulang din. Sama-sama nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay💓
TANDAAN: MAHAL NAMIN KAYO, MANATILI SA TAHANAN MGA ANAK❤

Episode 3: POST IT!Para naman sa mga Magulang ng ConES na hindi nababasa ang aming Anunsyo sa page, may paraan ...
03/06/2020

Episode 3: POST IT!
Para naman sa mga Magulang ng ConES na hindi nababasa ang aming Anunsyo sa page, may paraan pa rin kami!

Salamat sa mga kapwa-g**o ko sa ConES na gumawa ng mga tarpapel para ilagay sa malapit sa kanilang lugar, syempre sumusunod pa rin sa health protocols😊

Episode 2: SCAN IT!Dearest ConES parents and learners,Nahahabaan ka bang i-type ang ating Learner's Enrolment and Survey...
02/06/2020

Episode 2: SCAN IT!

Dearest ConES parents and learners,

Nahahabaan ka bang i-type ang ating Learner's Enrolment and Survey Form Link?

Maari rin na i-SCAN ang QR Code na nasa kanang-ibaba (binilugan ko na ng P**a) gamit ang QR code scanner at automatic makakapasok na kayo sa ating LINK.

TANDAAN: MAHAL NAMIN KAYO KAYA MANATILING LIGTAS, MANATILI SA BAHAY❤

Episode 1LIGTAS NA PAGPAPATALA PARA SA MGA BATANG ConESAlinsunod sa Deped Order no.08 s.2020, ang enrollment period o pa...
01/06/2020

Episode 1
LIGTAS NA PAGPAPATALA PARA SA MGA BATANG ConES

Alinsunod sa Deped Order no.08 s.2020, ang enrollment period o pagpapalista ay mula June 1 hanggang June 30.

REMOTE ENROLLMENT scheme po kung saan HINDI KAILANGANG pumunta ng mga magulang sa ating paaralan upang mag enroll.
WALANG FACE-TO-FACE enrollment na magaganap. Maliwanag po 'yan, ha.

Makikipag-ugnayan po sa inyo ang inyong mga advisers sa pamamagitan ng text messaging, groupchat, messenger at iba pa upang magabayan kayo na makapag-fill out ng enrollment at survey form online para sa UNANG DALAWANG LINGGO.

Maaari ding kontakin ang ating mga ENROLLMENT FOCAL PERSONS na may mga numero sa listahan.

Sa mga TRANSFEREES at BALIK-ARAL, welcome po kayong lahat sa aming masayang paaralan😊

Sa mga HINDI NAKAPAGPATALA ONLINE, mayroon tayong itatalagang ENROLLMENT KIOSK sa IKATLONG LINGGO sa pakikipag-ugnayan sa BARANGAY kung saan ay makakakuha kayo ng Enrollment Form. Sagutan at ibalik din sa nakatalagang lugar pagkatapos. Kami na po ang kukuha sa brgy. hanggang sa matapos ang araw ng Pagpapatala.

TANDAAN: MAHAL NAMIN KAYO KAYA MANATILI SA BAHAY PARA MAGING LIGTAS❤

Maraming salamat po!

School Head: BABYLYN M. GADAZA
Lumban PSDS : Dr. Amada C. Fernandez

Address

Lumban
4014

Telephone

+639268112318

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Concepcion Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share