04/08/2021
Ang BRIGADA ESKWELA 2021 na may temang "Bayanihan Para sa Paaralan" ay magsisimula sa Agosto 3 hanggang Setyembre 30, 2021 bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022. Bilang pagtugon ang SANTO NINO ELEMENTARY SCHOOL, LUMBAN DISTRICT, SDO LAGUNA ay nakikiisa sa adhikain ng DEPARTMENT OF EDUCATION para gawing ligtas ang ating minamahal na paaralan para sa mga mag-aaral at kaguruan nito. Dahil dito, kami ay kumakantok at nananawagan sa mga organization, association, public and private group at individual na may mabubuting puso at kalooban na magbigay ng suporta at tulong para sa ikabubuti at ikagaganda ng ating paaralan. Kami din po ay tumatanggap ng mga sumusunod na donasyon para sa aming mga mag-aaral:
- face mask
- transparent face shield
- sanitizer
- rubbing alcohol
- disinfectant
- hand soaps
- school supplies
- thermal scanners
- health kits
- bondpapers
- ink
- printer
- paints
- cleaning materials
- other donations
Para po sa mga nagnanais na magbigay ng kanilang suporta at tulong (in-kind or financial) o anumang donasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kaguruhan o PTA Officers ng ating paaralan. Maraming maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aming kahilingan..GOD BLESS po sa inyong lahat.