14/05/2026
📣 BRIGADA ESKWELA 2026
Tema: Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman
Ang Paaralang Elementarya ng Bonifacio ay malugod na nag-aanyaya sa mga magulang, mag-aaral, at mga boluntaryo na makibahagi sa Brigada Eskwela 2026. Layunin nitong pagtibayin ang bayanihan at pagtutulungan upang maging mas maayos, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Inaanyayahan namin ang lahat na maglaan ng oras, talento, at suporta para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating paaralan.
Ang inyong pakikiisa ay mahalaga para sa tagumpay ng gawaing ito. Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.