01/06/2026
Brigada Eskwela 2026
Kick-Off Ceremony
Hulyo 1, 2026
" Sa bawat walis, pako at oras na inilalaan, may pag-asang binubuo para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral."
Matagumpay na binuksan ang Brigada Eskwela 2026 sa Paaralan Elementarya ng San Rafael-San Roque na may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng pinuno nito na si G. Eugene D. Collo kasama ang Brigada Eskwela 2026-Chairman, Jamycah C. Rancap at mga kawani nito sa mga dumalo at tumulong sa para maisagawa ang nasabing programa.
Sa pamunuan ng Brgy. San Rafael,San Roque at San Luis, sa pangunguna ng kanilang kapitan na sina, Kgg. Richard Monterey, Kgg. Hilarion Lorico Jr. at Kgg. Rosal M. Noceja tunay ngang ang suporta at pagmamahal ninyo sa bata at paaaralan ay laging nandyan. Saludo po sa inyo!
Sa mga magulang,pamunuan ng GPTA ng paaralan at sa samahan ng TABAKK, ang paaralan ay lubos na nagpapasalamat sa tulong na ginawa ninyo ng sa ganoon ay maiaayos ang paaralan..
Sama-sama tayo para sa isang ligtas, malinis, at handang paaralan..
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!
School Head: Eugene D. Collo
PSDS: Dr. Amada C. Fernandez
TA Lead: Dr. Jane A. Suazo