Angat Marians Historical Society

Angat Marians Historical Society

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angat Marians Historical Society, School, M. L Tagarao Street, Brgy. 5, Lucena.

23/07/2026

Hey, Marians! ๐Ÿ“ขโœจ

Handa na ba kayong sumabak sa isang kakaibang learning experience?
Handa na ba kayong matutong magsulat gamit ang sinaunang sulat ng ating mga ninuno?
At higit sa lahat... handa na ba kayong tuklasin ang tunay na kasaysayan ng Baybayin? ๐Ÿ“œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kung ang sagot mo ay OO, then this is for you!

Mark your calendars! ๐Ÿ—“๏ธ
August 3, 2026
๐Ÿ“ Maryhill College Multimedia Center (MMC)

Samahan ninyo kami sa Baybayin Workshop and Symposium, kung saan matututo kayong magsulat ng Baybayin, makikilala ang kasaysayan nito, at mauunawaan kung bakit mahalagang buhayin at pahalagahan ang ating sariling kultura at identidad.

Pero teka... hindi lang kaalaman ang naghihintay sa inyo! ๐Ÿ˜‰
Expect exciting activities, interactive discussions, bagong kaibigan, at mga alaalang siguradong hindi ninyo malilimutan!

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo?
Tara na at sama-sama nating buhayin ang Baybayin!



22/07/2026

๐—ง๐—ผ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐—›๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†
๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿญ๐Ÿฑ
๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡

๐“๐“น๐“ธ๐“ต๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ป๐“ฒ๐“ธ ๐“ญ๐“ฎ ๐“ต๐“ช ๐“’๐“ป๐“พ๐”ƒ, ๐”€๐“ฒ๐“ญ๐“ฎ๐“ต๐”‚ ๐“ด๐“ท๐“ธ๐”€๐“ท ๐“ช๐“ผ ๐“—๐“ฎ๐“ป๐“ถ๐“ช๐“ท๐“ธ ๐“Ÿ๐“พ๐“ต๐“ฒ (๐“ธ๐“ป ๐“—๐“ฎ๐“ป๐“ถ๐“ช๐“ท๐“ธ ๐“Ÿ๐“พ๐“ต๐“ฎ) ๐”€๐“ช๐“ผ ๐“ซ๐“ธ๐“ป๐“ท ๐“ธ๐“ท ๐“™๐“พ๐“ต๐”‚ 22, 1815 ๐“ช๐“ฝ ๐“ข๐“ฒ๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ ๐“Ÿ๐“ช๐“ท๐“ญ๐“ช๐“ฌ, ๐“›๐“พ๐“ฌ๐“ซ๐“ช๐“ท, ๐“ฃ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ซ๐“ช๐“ผ (๐“ท๐“ธ๐”€ ๐“ ๐“พ๐“ฎ๐”ƒ๐“ธ๐“ท ๐“Ÿ๐“ป๐“ธ๐“ฟ๐“ฒ๐“ท๐“ฌ๐“ฎ).

Puli wanted to be a priest. Spanish religious groups rejected him because he was a native Filipino.

Frustrated by the discriminatory policies of Catholic religious orders, he founded Cofradรญa de San Josรฉ, a brotherhood exclusively open to native Filipinos. The movement rapidly expanded into an underground network of nearly 5,000 devotees across Tayabas, Batangas, and Laguna.

The Spanish government saw this as a dangerous rebel organization. When the military tried to crush them by force in 1841, Hermano Puli and his members chose to fight back to protect their right to practice their faith.

Puli became an icon of spiritual defiance. His tragic martyrdom in 1841 exposed the abuses of Spanish colonial rule, helping ignite the early flames of the Philippine Revolution.

18/07/2026

"Naghahanap ka pa rin ba ng organization na sasalihan? ๐Ÿค”

Kung oo, huwag ka nang lumayo, dito ka na sa Angat Marians Historical Society! ๐Ÿ“œโœจ

Dito, hindi lang kaalaman ang madadala mo, kundi pati mga bagong kaibigan, masasayang karanasan, at mga alaalang hindi mo malilimutan. Mula sa seminars, workshops, educational activities, hanggang sa iba't ibang exciting events, siguradong marami kang matututunan habang nag-eenjoy!

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Tara na at maging bahagi ng Angat Marians Historical Society!

Where history comes alive, and where every Marian has the chance to make history. ๐Ÿ’™



19/06/2026

Ngayong araw, Hunyo 19, ginugunita natin ang ika-165 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Nawa'y isabuhay natin ang kanyang mabuting halimbawa sa pagmamahal sa ating bayan at ang pagtataguyod ng konsepto ng ating pagiging nasyon sa pamamagitan ng edukasyon.

Maligayang Kaarawan po, Lolo Pepe!

12/06/2026

Ang kalayaan ay ipinaglalaban at hindi pinapabayaan. - Tungkulin natin itong pangalagaan sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa gaya ng pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno lalo na sa ating tamang pagboto, piliin natin ang Pilipinas

Ngayong ika-128 anibersaryo ng araw ng pagdedeklara ng kasarinlan ng ating bansa, alalahanin natin ang tapang ng mga bayani at gawin nating makabuluhan ang pagiging malaya sa pamamagitan ng paglilingkod. Patuloy na titindig. Patuloy na maglilingkod. Para sa Diyos, sa sarili at sa bayan.

Ang Angat Marians Historical Society (AMHS) ay nakikiisa sa paggunita sa napakahalaga at makabuluhang araw na ito

I-ANGAT ang ating Kasaysayan, Mabuhay ang ating Kalayaan at Kasarinlan! ๐Ÿ’™

Photos from Maryhill College Commission on Elections's post 08/06/2026
Photos from Angat Marians Historical Society's post 31/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Baybayin Symposium and Workshop na may temang "Baybayin ang Baybayin sa Atimonan" noong ika-21 ng Mayo, 2026 sa Ady's Farm, Brgy. Tagbakin, Atimonan Quezon bilang paggunita sa Buwan ng Pambansang Pamana (National Heritage Month). Ang naging pangunahing tagapagsalita ay ang batikang broadcast journalist ng GMA 7 at isa ding Baybayin practitionerand advocate na si G. Horacio "Howie" G. Severino.

Ito ay pinamunuan ng LGU Atimonan, Atimonan Historical Society (AHS), at ang Atimonan Tourism Office (ATO) sa pakikipagtulungan Ng Quezon Province Heritage Society. (QPHS). Bilang kasapi ng nasabing samahan, nakiisa ang Angat Marians Historical Society (AMHS) sa nasabing gawain.

May saysay sa Kasaysayan at sa ating Pamanang Pangkalinagan!

-Photos courtesy to Isidrian Paolo Montes and the Atimonan Historical Society (AHS)

31/05/2026

Nakikiisa ang Angat Marians Historical Society sa pagdiriwang Ng National Flag Days mula Ika-28 ng Mayo Hanggang Ika-12 ng Hunyo bilang paggalang sa simbolo ng ating pagkabansa na binuwisan ng ating mga bayani ng kanilang buhay upang ang ating kalayaan at kasarinlan ay makamtan at patuloy na maipaglaban sa kasalukuyan.

https://www.facebook.com/share/p/1L9DznbuTa/

๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐…๐‹๐€๐† ๐ƒ๐€๐˜๐’

Ating gunitain ang makabuluhang ugnayan ng ating kasaysayan, kultura, kagitingan at pambansang pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino. Sa pagdiriwang ng National Flag Days 2026, buong dangal nating kinikilala ang Watawat ng Pilipinas.

Bilang pangunahing simbolo ng ating kalayaan at kasarinlan, ipinapaalala ang sakripisyo ng ating mga bayani at ng patuloy na tungkulin ng bawat Pilipino. Ang pangalagaan at ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at ang pagmamahal sa ating Inang Bayan.

๐˜”๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ž๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข-5 ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ถ๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข-4:30 ๐˜•๐˜ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜˜๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ป๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ป ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ, ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ถ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ข.




Want your school to be the top-listed School/college in Lucena?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


M. L Tagarao Street, Brgy. 5
Lucena
4301