15/05/2026
πππππππππ ππππ π
ππ ππ ππππβππππ
Narito ang iskedyul ng enrollment para sa darating na pasukan. Mangyaring tandaan lamang ang mga petsa kung kailan kayo nakatakdang magpatala.
Β·
π ENROLLMENT UPDATES
π
June 1-5, 2026 β Ang enrolment ay magsisimula 8:00 AM hanggang 4:00 PM
π§Ή BRIGADA ESKWELA 2026
Habang isinasagawa ang enrolment, hinihikayat din ang mga magulang, mag-aaral, na makibahagi sa Brigada Eskwela upang sama-samang linisin at ayusin ang ating paaralan at bilang parte na din ng enrolment process.
π ANO ANG MAARING DALHIN?
(Depende sa inyong kakayahang magbahagi)
π§Ό Cleaning Materials:
β Walis tingting / Walis tambo
β Basahan
β Dustpan
β Broomsticks
β Mop
β Tabo / Timba
β Floor wax
β Zonrox / Disinfectant
β Trash bags
π οΈ Maintenance & Improvement Supplies (Opsyonal):
β Pintura at paintbrush
β Martilyo, pako, at iba pang kasangkapan
β Halamang ornamental / paso / lupa para sa greening project
15/05/2026
π BRIGADA ESKWELA 2026
π£ TARA NA! MAG-BRIGADA ESKWELA NA!
Mga minamahal na magulang, mag-aaral, at alumni,
Panahon na naman upang tayo ay magsama-sama para sa ating paaralan! πππ
Ang Domoit Elementary School ay buong pusong nag-aanyaya sa inyo na makiisa sa Brigada Eskwela 2026, isang bayanihan para sa mas malinis, mas maayos, at mas MATATAG na paaralan para sa ating mga kabataan. π«
π
Simula ng Pagtanggap ng Donasyon:
ποΈ Lunes, Mayo 18, 2026
π¦ Mga Maaaring I-donate:
π§½ Cleaning materials (walis, basahan, mop, sabon, alcohol, atbp.)
βοΈ Classroom essentials (chalk, markers, bond paper, ink, ballpen, atbp.)
π¨ Paint at painting materials (pintura, brush, rollers)
π§ Repair & maintenance (pako, plywood, doorknob, faucet, padlock, atbp.)
π‘ Electrical supplies (bombilya, wires, extension cords, outlets, atbp.)
π± Gardening materials (garden soil, pots, seedlings)
π€ Maaari rin kayong mag-volunteer ng inyong oras at serbisyo upang makatulong sa paglilinis, pag-aayos, at pagpapaganda ng ating paaralan.
π Bawat ambag ay mahalaga. Bawat tulong ay may malaking epekto.
π£ Tara na, mga Ka-Brigada! Ipakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan!
π MAGSAMA-SAMA TAYO PARA SA MAS MAAYOS, MAS MALINIS, AT MAS MATATAG NA PAARALAN! π
06/05/2026
π₯ Extreme Heat Index Alert | DRRM IEC Materials βοΈ
In line with our commitment to Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and public safety, we are sharing IEC materials on the extreme heat index, including information on heat-related illnesses, preventive measures, first aid guidance, and emergency hotlines for the guidance of our learners, teaching and non-teaching personnel, parents, and the wider community.
These materials aim to raise awareness and help everyone take proactive steps to stay safe during extreme heat conditions.
π₯ You may download the complete IEC materials here:
https://bit.ly/2026-DRRM-IEC
Let us continue to promote a culture of preparedness, safety, and resilience by sharing reliable information that can help save lives. Stay updated on heat index levels through PAGASA and follow official advisories.
Stay hydrated. Stay cool. Stay safe. π§π§’π€οΈ
Sources: PAGASA (pagasa.dost.gov.ph) | Quezon Provincial Health Office
πPRECIOSA MARIE T. ALBA, PDO II β DRRM
πΌJOHN ALEX M. REY, AS II
06/05/2026
π£ Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/.../may-5-2026-dm-027-s-2026.../
π£ Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/2026/05/05/may-5-2026-dm-027-s-2026-2026-brigada-eskwela-implementing-guidelines/
06/05/2026
Sa Summer Remediation Programs (SRP), ang bawat mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa pagkatuto ay nakikita, natutulungan, at nabibigyan ng pagkakataong magtagumpay. ππͺπΌ
Mga ka-DepEd, narito ang mga dapat malaman tungkol sa ating SRP para sa taong 2026. βοΈποΈ
01/05/2026
Domoit Elementary School proudly celebrates and supports our exceptional alumna, Patricia Ella Q. Evangelista (Batch 2006β2007), for her incredible achievement of entering the Top 10 of Miss Universe Philippines! πβ¨
Your journey continues to inspire not only our learners but the entire Domoit community. You are a true testament that with determination, confidence, and grace, dreams can become reality. From your early days in our classrooms to the national stage, you have carried with you the values and excellence that make us truly proud.
As you shine on the coronation night this May 2, 2026, we call all the students, parents, teachers, alumni, and the whole community to unite and show our unwavering support for Patricia as she reaches for the crown. Continue to shine brightly and give your very best we are cheering for you every step of the way!
!
15/04/2026
π Be Part of our Growing Team π
Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing sa basketball? π₯
Inaanyayahan ang lahat na sumali sa DOMIANS Basketball Phoenix Try-Out!
π
April 27, 2026
π Domoit Multipurpose Hall
Ito na ang pagkakataon ninyong maipakita ang inyong talento, disiplina, at puso sa laro! πͺ
Huwag palampasin ang chance na maging bahagi ng team na handang lumipad at magtagumpay! π¦
Kita-kits sa court!
Yan!
10/04/2026
Empowering Voices, Inspiring Futures: 2026 National Womenβs Month Celebration
Lucena City - sa isang makulay at makabuluhang pagtitipon, ipinagdiwang ang 2026 National Womenβs Month Celebration noong ika-28 ng Marso, ganap na ika-7:00 ng umaga sa Villa Soledad Private Resort, Brgy. Isabang, Lungsod ng Lucena. Taglay ang sub-temang βLead like the Babaylans, Filipinas!β, nagsilbing paalala ang okasyong ito ng mahalagang papel ng kababaihan bilang mga lider, tagapagtaguyod ng pagbabago, at haligi ng lipunan.
Nagsimula ang programa sa isang makabayang himig sa pamamagitan ng Nationalistic Song (AVP) na sinundan ng Opening Prayer (AVP), na nagbigay ng taimtim at makadiyos na simula sa buong selebrasyon. Agad itong sinundan ng Kababaihan Song (AVP) na nagbigay-pugay sa lakas, ganda, at kakayahan ng bawat babae. Sa pangunguna ni Gng. Issel A. Veluya, isinagawa ang Checking of Attendance, kung saan ang bawat kalahok ay nagbigay ng pang-uri na nagsisimula sa letter ng kanilang pangalan.
Isang mainit na pagtanggap ang ibinahagi ni G. Ronnie J. Cada, punong g**o at GAD Focal Person, sa kanyang Welcome Remarks. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at patuloy na pagsuporta sa adbokasiya ng gender equality at women empowerment sa loob at labas ng paaralan. Sinundan ito ng Rationale na inilahad ni Gng. Julie Beth V. Obciana, kung saan ipinaliwanag ang layunin ng programa ang palakasin ang kamalayan at kakayahan ng kababaihan bilang mga lider sa modernong panahon, na may inspirasyon mula sa katapangan at karunungan ng mga sinaunang babaylan.
Mas pinatingkad ang programa sa Introduction of the Resource Speakers na pinangunahan ni G. John Denver P. Castillo, kung saan ipinakilala ang mga panauhing tagapagsalita na magbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan.
Isa sa pinakaaabangang bahagi ng programa ay ang Talk Proper na pinangunahan ni Hon. Atty. Rhaetia Marie βSunshineβ Abcede-Llaga, City Councilor. Sa kanyang talakayan tungkol sa βBabaylans Virtues & Women Empowerment,β ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na paninindigan, malasakit sa kapwa, at lideratong may malasakit, mga katangiang matatagpuan sa mga babaylan noon at dapat isabuhay ng kababaihan ngayon. Ang kanyang mensahe ay nagbigay inspirasyon sa mga dumalo na yakapin ang kanilang kakayahan at maging boses ng pagbabago sa kanilang komunidad.
Sinundan ito ng isa pang makabuluhang talakayan mula kay Gng. Donna Gift T. Romasanta, isang Licensed Guidance Counselor at Psychology Professor. Tinalakay niya ang βLead with Balance: Mental Wellness as the Heart of Teamwork,β kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng mental health sa pagiging epektibong lider at kasapi ng isang organisasyon. Ipinahayag niya na ang tunay na lakas ay nagmumula sa balanseng pag-iisip at emosyon, na siyang pundasyon ng matagumpay na pakikipagtulungan.
Nagkaroon din ng Open Forum na pinangunahan ni Dann Caples Wiker M. Daya, kung saan malayang nakapagbahagi ng kanilang katanungan at saloobin ang mga kalahok. Naging daan ito upang mas mapalalim ang pag-unawa sa mga paksang tinalakay at mapalakas ang ugnayan ng mga dumalo.
Bilang pagkilala sa ambag ng mga tagapagsalita at kalahok, isinagawa ang Awarding of Certificates sa pangunguna ni Gng. Julie Beth V. Obejana. Isang simpleng seremonya ngunit puno ng pasasalamat at pagkilala sa dedikasyon ng bawat isa sa pagtataguyod ng adbokasiya ng kababaihan.
Pinangunahan ang buong programa ng mahusay at masiglang Master of Ceremony na si Dann Caples Wiker M. Daya, na nagbigay-buhay at daloy sa bawat bahagi ng selebrasyon.
Sa kabuuan, ang 2026 National Womenβs Month Celebration ay hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang makapangyarihang paalala ng kakayahan ng kababaihan na manguna, magbigay-inspirasyon, at magdala ng positibong pagbabago. Sa diwa ng mga babaylan, patuloy na sumisiklab ang lakas at tinig ng bawat Filipina, handang humarap sa hamon ng panahon at lumikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
01/04/2026
Parangal ng Kahusayan, Tagumpay ng Kabataan: Araw ng Pagkilala 2026
Isang makabuluhan at punong-puno ng inspirasyon ang ginanap na Araw ng Pagkilala 2026 sa Domoit Elementary School, kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral na nagpamalas ng natatanging husay sa akademikong larangan.
Dumalo sa okasyon sina Roldan A. Alcantara ng Komite ng Edukasyon ng Brgy. Domoit, Erwin D. Oabel SPTA President, at ang punong g**o na si Ronnie J. Cada, na siya ring nanguna sa paggawad ng parangal sa mga natatanging mag-aaral.
Naging maayos ang daloy ng programa na nagsimula sa pag-awit ng Pambansang Awit, panalangin, at himno ng paaralan sa pangunguna ng DOMIANS Voices. Sinundan ito ng pambungad na pananalita ng punong g**o at mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon mula sa mga panauhin. Nagkaroon din ng intermission numbers tulad ng mga katutubong sayaw na nagbigay saya sa okasyon, pati na ang pagkilala sa mga stakeholders ng paaralan.
Sa ikalawang bahagi, isinagawa ang Recognition of Academic Excellence Awardees, kung saan ginawaran ang mga mag-aaral na nagsumikap at nagtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Sa kabuuan, ang programa ay nagsilbing pagkilala sa sipag at dedikasyon ng mga mag-aaral, pati na rin sa suporta ng kanilang mga magulang, g**o, at komunidad tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
01/04/2026
Munting Hakbang, Malaking Pangarap: DOMES Kinder Moving Up 2026
Isang makulay at makabuluhang selebrasyon ang ginanap ng Domoit Elementary School para sa Kinder Moving Up Ceremony, na nagbigay-pugay sa mga batang mag-aaral na matagumpay na natapos ang kanilang unang hakbang sa pormal na edukasyon.
Nagsimula ang programa sa isang maringal na pagpasok ng mga batang kindergarten, kasama ang kanilang mga magulang, g**o, punongg**o, at tagamasid pansangay sa Araling Panlipunan Dr. Jho-Ann P. BuΓ±ag
Isa sa mga tampok ng seremonya ang pag-awit ng Himno ng Bagong Pilipinas, CALABARZON March, at himno ng SDO Lucena, na nagpakita ng pagmamalaki at pagkakaisa ng paaralan at komunidad. Sinundan ito ng mainit na mensahe ng pagtanggap mula sa pamunuan ng paaralan, na nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Pinakatampok sa programa ang pamamahagi ng mga katibayan at pagkakaloob ng laso sa mga batang nagkamit ng natatanging karangalan. Ipinakita rito ang pagsisikap, sipag, at dedikasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kabila ng murang edad. Ang bawat pagkilala ay sinamahan ng palakpakan at pagmamalaki mula sa kanilang mga magulang at g**o.
Sa kabuuan, ang Kinder Moving Up Ceremony ng Domoit Elementary School ay hindi lamang simpleng pagtatapos, kundi isang pagdiriwang ng tagumpay, pangarap, at bagong simula para sa mga batang mag-aaral na patuloy na tatahak sa landas ng edukasyon.
01/04/2026
Isang Makabuluhang Paglipad: Ika-22 Taong Pagtatapos ng Domoit Elementary School ππͺ
Isang araw ng tagumpay at damdamin ang nasaksihan sa Ika-22 Taong Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Domoit Elementary School na may temang βHenerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas.β
Naging makabuluhan ang programa sa pagsisimula nito sa panalangin at pag-awit ng pambansang awit, sinundan ng pagbibigay ng mga parangal sa mga natatanging mag-aaral at mga mensaheng puno ng inspirasyon mula sa mga g**o at panauhin. Lalong naging espesyal ang okasyon sa pagdalo ng Purok Tagasangay sa Araling Panlipunan Dr. Jho-Ann P. BuΓ±ag, na nagsilbing kinatawan ng Tagapamanihala ng mga Paaralang Panlungsod, na siyang nagpatibay sa kahalagahan ng pagtatapos. Tampok din bilang panauhing pandangal si Mr. Sairuz Q. Grande, CPA, na nagbahagi ng makabuluhang mensahe na nagbigay-inspirasyon sa mga magsisipagtapos.
Ibinahagi rin ng mga mag-aaral ang kanilang pasasalamat at mga alaala mga kwentong sumasalamin sa kanilang pagsisikap at paglalakbay.
Sa pagdiriwang na ito, ang bawat mag-aaral ay maihahambing sa isang saranggola, handa nang lumipad at abutin ang kanilang mga pangarap. Ang kanilang natutunan sa paaralan ang nagsisilbing matibay na balangkas, habang ang gabay ng magulang at g**o ang lubid na patuloy na umaalalay sa kanila. Ang mga hamon at oportunidad naman ang hangin na magtutulak sa kanila upang higit pang umangat.
Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang katapusan, kundi simula ng panibagong yugto. Tulad ng saranggola, ang mga batang ito ay ngayon ay pinapakawalan upang lumipad dala ang kaalaman, pagpapahalaga, at pag-asang makapag-ambag sa mas magandang kinabukasan.
Pagbati, Batch 2026! Patuloy kayong lumipad nang mataas at may layunin.