11/05/2025
βπππβ
Pinakamamahal kong Ina,
Sana ito'y iyong mabasa,
Kahit sa ganito lamang paraan,
Masuklian ang iyong pinagdaanan,
Isang taong mapagkalinga,
Sa hirap na kanyang natatamasa,
Pagmamahal parin ang kanyang alay,
Kaya't sya ang taong walang kapantay,
Isang taong nagturo kung paano magbasa,
Kung paano isulat ang bawat lettra,
Kung pano bilangin ang mga numero ng tama,
At kung paano bigkasin ang mga salita,
Isang babaeng ating pasasalamatan,
Syam na buwan tayo'y kanyang inalagaan,
Hanggang iniluwal di pinabayaan,
Paglaki natin kanyang tayong ginabayan,
Mother, Inay, Nanay, Mama,
Yan ang madalas nating tawag sa kanila,
Pagpapakita na sila rin ay mahalaga,
Bilang respeto sa kanilang mga nagawa,
Natatandaan ko rin nung ako'y bata pa,
Parang ikaw ang nasasaktan sa tuwing nadadapa,
At sa tuwing may mang-aapi saking iba,
Ikaw lagi ang humaharap sa kanila,
Kaya isa lamang ang aking maipapangako sayo Ina,
Kahit ikay tumanda't uugod-ugod na,
Kahit ako'y magkaroon ng sariling pamilya,
Diko parin ipagpapalit ang unang babaeng nag mahal sakin ng sobra,..