31/08/2026
"Ang tunay na bayani ay nagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng gawa, hindi lamang sa salita."
Ngayong araw, Agosto 31, 2026, sabay-sabay nating ipagdiwang at pasalamatan ang lahat ng ating mga bayani! 🇵🇭
Ang Samahan ng Tanglaw ng Bayan ay nakikiisa sa "pagbibigay-pugay at paggunita sa lahat ng mga bayani sa buong mundo." Hindi lang natin inaalala ang mga kilalang pangalan sa ating kasaysayan, kundi pati na rin ang mga makabagong bayani ng ating panahon—ang mga g**o, medical workers, OFWs, at bawat Pilipinong tapat na naglilingkod sa kapwa araw-araw. 🦸♂️🦸♀️
Paano Tayo Magiging Bayani sa Araw-araw?
🤝 Igalang ang batas at kapwa: Ang simpleng pagsunod sa tama at pagiging mabuting mamamayan ay malaking tulong sa ating bayan.
❤️ Gumawa ng mabuti: Ang maliit na pagtulong sa mga nangangailangan sa ating paligid ay isang uri ng kabayanihan.
🌟 Magpasalamat: Iparamdam natin ang ating pasasalamat sa mga taong walang-sawang nagseserbisyo para sa komunidad.
✒️| John Dominic E. Briones
🎨| Marc Dexter P. Vargas