28/01/2025
Maraming tao ang kumikilala at naglilingkod sa Diyos. Katulad ni Bro. Emman, lumaki siya na naglilingkod sa loob ng simbahan, at tunay na kumikilala rin naman sa Diyos. Ngunit kahit siya ay naglilingkod sa loob ng simbahan ay masasabi niyang walang kaibahan ang kanyang buhay sa ginagawa ng kanyang mga kaibiganโ ang pag iinom, at iba't iba pang mga kalokohan, na nagagawa niya dahil sa impluwensya ng mga ito.
Hanggang sa isang araw habang sila ay nagkakasiyahang naliligo sa dagat ng mga kaibigan niya, di inaasahang siya ay muntikang malunod. At dahil sa takot niyang siya'y tuluyang mawalan ng buhay ay tumawag siya sa pangalan ng PANGINOONG HESUS. At doon ay iniligtas siya, at napatunayan niyang buhay ang Panginoon at makapangyarihan ang Pangalan Niya.
Tunay na gumagawa ang Diyos ng mga kaparaanan para Siya ay magpakilala sa atin nang lubusan. May isang kaibigan din naman na nag-imbita kay Bro. Emman upang dumalo sa mga gawain. Noong una ay ginagawa niya itong katatawanan, at nakita niyang isang kalokohan ang dumalo sa gawain ng Panginoon sa United Pentecostal Church.
Ngunit dahil sa patuloy na pag-iimbita ng kanyang kaibigan, naging daan ito upang mas makilala niya ang Panginoon at tanggapin niya nang lubusan sa kanyang buhay. Mula sa buhay na mayroon siya dati na puno ng mga kalokohan at bisyoโunti-unti siyang binago ng Panginoon. At ngayon ay patuloy na nagpapagamit sa kaharian ng Diyos bilang isang Musician at tagapagbahagi rin ng Kanyang mga salita.
Tunay na nagbabago ang Panginoon ng buhay ng tao kung lubusan lang natin Siyang makikilala at mananatili tayo sa paglilingkod sa Kanya.
"Mas magandang maipagamit natin sa Panginoon ang buhay na ipinagkakaloob niya sa atin" โBro. Emmanuel
Walang mas gaganda pang buhay, kundi ang buhay na naglilingkod sa Panginoon. Dahil sa Panginoon, tiyak ang kagalakan, kapayapaan, at buhay na walang hanggan.
Purihin ang Panginoon! ๐๐ป