17/09/2026
๐ข STATE OF THE SCHOOL ADDRESS (SOSA) ๐ข
โจ TRANSPARENSYA AT PAG-UNLAD PARA SA ATING MGA MAG-AARAL! โจ
Naging matagumpay ang ginanap na State of the School Address (SOSA) ng Sta. Catalina Norte School, sa pamumuno ng ating Punong-Guro, Gng. Elisa S. Yu (Principal III).
Inilahad sa naturang ulat ang mga naging tagumpay ng paaralan, ang kasalukuyang kalagayan ng ating mga pasilidad at programa, pati na rin ang mga hakbangin para sa patuloy na pagtaas ng kalidad ng edukasyon ng ating mga mag-aaral. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng pagtutulungan sa pagitan ng paaralan, mga g**o, mga magulang, at ng buong komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at patuloy na sumusuporta sa mga adhikain ng ating paaralan. Sama-sama tayong magsisikap para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan! ๐๐