14/08/2026
๐ฆ๐๐ฆ๐จ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐๐๐ต๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ข๐ ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐
Nakibahagi ang Southern Luzon State University (SLSU) Innovation and Technology Support Services Office (ITSSO) sa unang Fairness Opinion Board (FOB) Meeting na isinagawa sa pangunguna ng DOST CALABARZON upang isulong ang panukalang paglilisensya ng tatlong teknolohiyang binuo ng UnibersidadโโMushroom Oat Cookies,โ โMushroom Chilli Garlic Sauce,โ at โMushroom Paste Candyโ sa Ouanโs Worth Farm Resort.
Ang panukalang transaksiyong ito ay ikatlong licensing initiative ng SLSU na may kaugnayan sa mga mushroom technologies, na nagpapakita ng patuloy na interes ng mga industry adopter sa paggamit at komersyalisasyon ng mga research-based innovations ng SLSU. Sa pakikipag-ugnayan sa Ouanโs Worth Farm Resort, nagkakaroon ng panibagong pagkakataon na mapalawak ang market application ng mga teknolohiya sa pamamagitan ng bagong licensee at higit pang maisulong ang mga ito mula sa pananaliksik at intellectual property protection tungo sa tuloy-tuloy na paggamit at komersyalisasyon.
Dinaluhan ang pagpupulong ng isang panel ng mga eksperto na may kaalaman sa legal, pinansyal, at teknikal na pagsusuri. Nakatuon ang deliberations sa pagsusuri ng panukalang Technology Transfer Arrangement (TTA) at pagtukoy sa mga legal, pinansyal, teknikal, at commercialization considerations na kinakailangan para sa susunod na pag-isyu ng Fairness Opinion Report (FOR).
Pinangunahan ang delegasyon ng SLSU nina Engr. Mary Jane R. Villaverde, Technology Transfer Officer, at Dr. Renato R. Maaliw, Director ng ITSSO, na naglahad at nagbigay-linaw sa posisyon ng SLSU hinggil sa panukalang licensing arrangement at commercialization pathway ng tatlong mushroom-based technologies.
Samantala, kinatawan naman ng Ouanโs Worth Farm Resort sina Ms. Ma. Louchiel S. Labay, General Manager; Mr. Glenn S. Gabales, Farm Manager; at Mr. Marlon Mercadejas, Accounting Aide. Ang kanilang partisipasyon ay nagbigay sa Board ng pananaw mula sa operasyon at enterprise level hinggil sa posibleng adoption, production, at commercialization ng mga teknolohiya.
Dumalo rin ang Technology Transfer - Technical Working Group (TWG), kabilang na si Dr. Manilyn G. Zubieta na nagbigay ng suporta sa mga talakayan. Ang TT - TWG ang bumuo ng business plan para sa mga mushroom-based technologies, na nagsilbing mahalagang reference sa pagsusuri ng operational requirements, market direction, financial considerations, at commercialization potential ng panukalang licensing arrangement.
Ang aktibidad ay isa pang mahalagang hakbang sa patuloy na pagsisikap ng SLSU na maisulong ang technology commercialization, lalo naโt dumaraan sa licensing process ang mga mushroom technologies para sa ikatlong industry adopter. Ang patuloy na interes ng mga prospective licensee, gaya ng Ouan's ay nagpapakita ng potensiyal ng mga teknolohiyang binuo ng SLSU para sa mas malawak na paggamit at market application.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DOST CALABARZON, industry partners, technical experts, at mga TT - TWG, patuloy na pinatitibay ng SLSU ang mga mekanismo nito para sa technology transfer at isinusulong ang responsable at sustainable na komersyalisasyon ng mga research-based innovations ng SLSU.
๐๐ข๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: Engr. Dan Mark C. Cabriga
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช: Engr. Mary Jane R. Villaverde
๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฏ๐ช: Mr. Giehway R. Liwanag