14/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ | ๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ฃ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ฉ๐๐ข ๐๐๐๐ค๐ง๐ข๐จ ๐๐ค๐ง ๐๐๐๐๐๐๐ง๐จ today, May 14.
07/05/2026
MPES, Nagsagawa ng Oryentasyon para sa ARAL Summer Program; Kahandaan sa Learning Recovery, Tiniyak.
LUCENA CITY, Quezon โ Binuksan ng Mayao Parada Elementary School (MPES) ang pinto nito para sa mga magulang at mag-aaral sa isinagawang oryentasyon para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Summer Program nitong nakaraang Mayo 5, 2026.
Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda ng paaralan para sa implementasyon ng Republic Act No. 12028, na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na nahuhuli sa kasanayan sa pagbasa at matematika. Ang summer sessions ay nakatakdang isagawa mula Mayo 6 hanggang Hunyo 2, 2026.
Sa pangunguna ng ARAL Program Team, tinalakay sa oryentasyon ang mga mag-aaral na magiging prayoridad sa programaโang mga nasa Emerging at Frustration levels batay sa huling Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) at Rapid Mathematics Assessment (RMA).
Ayon sa mga g**ong magsisilbing tutor ng mga mag-aaral, mahalaga ang 20-araw na tutorial program na ito upang masig**o na ang mga bata ay "grade-level ready" bago ang pagbubukas ng susunod na school year.
"Dito sa Mayao Parada, layunin nating walang maiwan na bata. Ang summer program na ito ay hindi parusa, kundi isang pagkakataon para mas mapatibay ang kanilang pundasyon sa pag-aaral," pahayag ni Gng Elizabeth M. Matibag isa sa mga g**o ng paaralan na nagsilbing tagapagsalita sa oryentasyon.
Binigyang diin din ni Gng. Matibag na bilang bahagi ng holistic approach ng ARAL Law, tinitiyak din ng paaralan na magkakaroon ng mga sumusunod:
1. Libreng Learning Materials - Ipamamahagi ang mga workbooks at reading kits sa mga kalahok.
2. Monitoring ng Progress: Magkakaroon ng lingguhang assessment upang makita ang pag-unlad ng bawat bata.
3. Ligtas na Kapaligiran: Sinig**o ang kaayusan ng mga silid-aralan at pasilidad para sa komportable at ligtas na pag-aaral sa gitna ng panahon ng tag-init.
Ipinaliwanag naman ni Gng. Mylene M. Advincula , School ARAL Program Focal Person sa mga magulang ang magiging iskedyul at takbo ng programa higit sa lahat ay ang kanilang papel sa pagsubaybay sa pag-unlad ng kanilang mga anak.
Umaasa ang buong pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng kanilang Punong g**o, Gng. Loida L. Tabernilla na sa pagtatapos ng programa sa Hunyo, magpapakita ng malaking pagbabago ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa larangan ng pagbasa at Matematika.
Ang tagumpay ng ARAL Summer Program sa MPES ay isang mahalagang hakbang sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
//Jerome C. Dudas- SIC
04/05/2026
Learners, parents and tutors are you ready for the ARAL Program?
Let us attend the upcoming orientation session to discuss how we can work together to help our students excel in Reading and Math.
The ARAL Program is more than just extra lessonsโitโs a better chance to master the basics and gain the confidence to succeed in the incoming school year. We are excited to partner with you in this journey!
What to expect:
โ
Fun and engaging tutorial sessions
โ
Focused learning support
โ
A safe space to grow and learn
Let's Go! TARA na mag ARAL na! โค๏ธ
โ๏ธJerome C. Dudas
๐จMaria Rodessa L. Dalida
27/04/2026
Minsan, ang pinaka-kailangan natin ay hindi maging mas magaling kundi maging mas mabait sa sarili natin.
Dahil sa huli, sa dami ng boses na maaaring magduda o magkumpara, mahalaga na may isang boses na kakampi mo. At sana, iyon ay manggaling saโyo.
Because more than anyone else, you should be your own biggest fan and supporter.
20/04/2026
๐ข Mayao Parada Elementary School
๐ National Drug Education Program (NDEP)
๐ซ IWAS DROGA, BUHAY AY MAHALAGA!
Ang droga ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan, nakakaapekto sa pag-aaral, at sumisira sa kinabukasan ng kabataan. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy nating pinapalakas ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral at komunidad upang maiwasan ang paggamit ng ilegal na droga.
๐ก Tandaan ng bawat kabataan:
โ๏ธ Pumili ng mabubuting kaibigan
โ๏ธ Sumali sa positibong gawain
โ๏ธ Makinig sa gabay ng magulang at g**o
โ๏ธ Matutong magsabi ng โHINDIโ sa droga
๐ฑ Ang tamang desisyon ngayon ay magdadala sa magandang kinabukasan bukas.
Makiisa sa ating adbokasiya para sa isang ligtas, malusog, at drug-free na komunidad!
๐ Say NO to Drugs, Say YES to Life!
18/04/2026
To our wonderful Principal, Ma'am Loida L. Tabernilla, happy birthday!
On this special day, we want to recognize not just your leadership but also the great vision you have for our school. Your ability to overcome obstacles with poise and your unwavering dedication to academic excellence served as an inspiration for all of us.
Under your guidance, our school has become more than just a place of learning; it has become a community where every student and teacher feels empowered to reach their full potential.
We hope your birthday is filled with the same level of joy and fulfillment that you provide to our school every day. Wishing you a year of health, happiness, and continued success in all your noble endeavors.
We love you po Ma'am! ๐
- MPES Family
09/04/2026
Taos-pusong pagbati kay KHATE AYEZHA P. RODRIGUEZ sa pagkakamit ng Ika-anim na pwesto mula sa 24 kalahok sa ginanap na Regional Festival of Talents- Filipino Read-a-Thon (TAHIRAWAN) na isinagawa nitong March 16-20, 2026 sa Sta.Cruz, Laguna.
Ang iyong dedikasyon at kahusayan sa pagkukwento ay nagdala ng dangal hindi lamang sa ating paaralan maging sa buong Sangay ng Lungsod ng Lucena!
Salamat din sa pag gabay at matiyagang pagtuturo nina G. Ryan M. Sante, Gurong Tagapagsanay at Gng. Loida L. Tabernilla, Punong g**o ng paaralan.
Ang tagumpay na ito ay isang matibay na patunay ng kahusayan ng ating mga mag-aaral hindi lamang sa loob ng silid-aralan maging sa iba't ibang larangan.
Muli ang aming mainit na pagbati!
//Jerome C. Dudas- SIC