DepEd Mayao Parada Elementary School

DepEd Mayao Parada Elementary School

Share

Official FB Page - Mayao Parada Elementary School - South District
SDO Lucena City

Photos from DepEd Tayo Mayao Parada ES-Lucena City's post 14/05/2026

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | ๐™Š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™ฃ ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ฎ๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ข ๐™๐™š๐™›๐™ค๐™ง๐™ข๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™๐™š๐™–๐™˜๐™๐™š๐™ง๐™จ today, May 14.

Photos from DepEd Tayo Mayao Parada ES-Lucena City's post 07/05/2026

MPES, Nagsagawa ng Oryentasyon para sa ARAL Summer Program; Kahandaan sa Learning Recovery, Tiniyak.

LUCENA CITY, Quezon โ€“ Binuksan ng Mayao Parada Elementary School (MPES) ang pinto nito para sa mga magulang at mag-aaral sa isinagawang oryentasyon para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Summer Program nitong nakaraang Mayo 5, 2026.

Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda ng paaralan para sa implementasyon ng Republic Act No. 12028, na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na nahuhuli sa kasanayan sa pagbasa at matematika. Ang summer sessions ay nakatakdang isagawa mula Mayo 6 hanggang Hunyo 2, 2026.

Sa pangunguna ng ARAL Program Team, tinalakay sa oryentasyon ang mga mag-aaral na magiging prayoridad sa programaโ€”ang mga nasa Emerging at Frustration levels batay sa huling Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) at Rapid Mathematics Assessment (RMA).

Ayon sa mga g**ong magsisilbing tutor ng mga mag-aaral, mahalaga ang 20-araw na tutorial program na ito upang masig**o na ang mga bata ay "grade-level ready" bago ang pagbubukas ng susunod na school year.

"Dito sa Mayao Parada, layunin nating walang maiwan na bata. Ang summer program na ito ay hindi parusa, kundi isang pagkakataon para mas mapatibay ang kanilang pundasyon sa pag-aaral," pahayag ni Gng Elizabeth M. Matibag isa sa mga g**o ng paaralan na nagsilbing tagapagsalita sa oryentasyon.

Binigyang diin din ni Gng. Matibag na bilang bahagi ng holistic approach ng ARAL Law, tinitiyak din ng paaralan na magkakaroon ng mga sumusunod:
1. Libreng Learning Materials - Ipamamahagi ang mga workbooks at reading kits sa mga kalahok.
2. Monitoring ng Progress: Magkakaroon ng lingguhang assessment upang makita ang pag-unlad ng bawat bata.
3. Ligtas na Kapaligiran: Sinig**o ang kaayusan ng mga silid-aralan at pasilidad para sa komportable at ligtas na pag-aaral sa gitna ng panahon ng tag-init.

Ipinaliwanag naman ni Gng. Mylene M. Advincula , School ARAL Program Focal Person sa mga magulang ang magiging iskedyul at takbo ng programa higit sa lahat ay ang kanilang papel sa pagsubaybay sa pag-unlad ng kanilang mga anak.

Umaasa ang buong pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng kanilang Punong g**o, Gng. Loida L. Tabernilla na sa pagtatapos ng programa sa Hunyo, magpapakita ng malaking pagbabago ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa larangan ng pagbasa at Matematika.

Ang tagumpay ng ARAL Summer Program sa MPES ay isang mahalagang hakbang sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.

//Jerome C. Dudas- SIC

Photos from DepEd Tayo Mayao Parada ES-Lucena City's post 04/05/2026

Learners, parents and tutors are you ready for the ARAL Program?

Let us attend the upcoming orientation session to discuss how we can work together to help our students excel in Reading and Math.

The ARAL Program is more than just extra lessonsโ€”itโ€™s a better chance to master the basics and gain the confidence to succeed in the incoming school year. We are excited to partner with you in this journey!

What to expect:
โœ… Fun and engaging tutorial sessions
โœ… Focused learning support
โœ… A safe space to grow and learn

Let's Go! TARA na mag ARAL na! โค๏ธ

โœ๏ธJerome C. Dudas
๐ŸŽจMaria Rodessa L. Dalida

27/04/2026

Minsan, ang pinaka-kailangan natin ay hindi maging mas magaling kundi maging mas mabait sa sarili natin.

Dahil sa huli, sa dami ng boses na maaaring magduda o magkumpara, mahalaga na may isang boses na kakampi mo. At sana, iyon ay manggaling saโ€™yo.

Because more than anyone else, you should be your own biggest fan and supporter.

20/04/2026

๐Ÿ“ข Mayao Parada Elementary School
๐Ÿ“š National Drug Education Program (NDEP)

๐Ÿšซ IWAS DROGA, BUHAY AY MAHALAGA!

Ang droga ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan, nakakaapekto sa pag-aaral, at sumisira sa kinabukasan ng kabataan. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy nating pinapalakas ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral at komunidad upang maiwasan ang paggamit ng ilegal na droga.

๐Ÿ’ก Tandaan ng bawat kabataan:
โœ”๏ธ Pumili ng mabubuting kaibigan
โœ”๏ธ Sumali sa positibong gawain
โœ”๏ธ Makinig sa gabay ng magulang at g**o
โœ”๏ธ Matutong magsabi ng โ€œHINDIโ€ sa droga

๐ŸŒฑ Ang tamang desisyon ngayon ay magdadala sa magandang kinabukasan bukas.
Makiisa sa ating adbokasiya para sa isang ligtas, malusog, at drug-free na komunidad!

๐Ÿ’™ Say NO to Drugs, Say YES to Life!




18/04/2026

To our wonderful Principal, Ma'am Loida L. Tabernilla, happy birthday!

On this special day, we want to recognize not just your leadership but also the great vision you have for our school. Your ability to overcome obstacles with poise and your unwavering dedication to academic excellence served as an inspiration for all of us.

Under your guidance, our school has become more than just a place of learning; it has become a community where every student and teacher feels empowered to reach their full potential.

We hope your birthday is filled with the same level of joy and fulfillment that you provide to our school every day. Wishing you a year of health, happiness, and continued success in all your noble endeavors.

We love you po Ma'am! ๐Ÿ’™

- MPES Family

09/04/2026

Taos-pusong pagbati kay KHATE AYEZHA P. RODRIGUEZ sa pagkakamit ng Ika-anim na pwesto mula sa 24 kalahok sa ginanap na Regional Festival of Talents- Filipino Read-a-Thon (TAHIRAWAN) na isinagawa nitong March 16-20, 2026 sa Sta.Cruz, Laguna.

Ang iyong dedikasyon at kahusayan sa pagkukwento ay nagdala ng dangal hindi lamang sa ating paaralan maging sa buong Sangay ng Lungsod ng Lucena!

Salamat din sa pag gabay at matiyagang pagtuturo nina G. Ryan M. Sante, Gurong Tagapagsanay at Gng. Loida L. Tabernilla, Punong g**o ng paaralan.

Ang tagumpay na ito ay isang matibay na patunay ng kahusayan ng ating mga mag-aaral hindi lamang sa loob ng silid-aralan maging sa iba't ibang larangan.

Muli ang aming mainit na pagbati!

//Jerome C. Dudas- SIC


Want your school to be the top-listed School/college in Lucena?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Purok Central
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 9am - 5pm