Public Administration League of Students

Public Administration League of Students This is the official page of the SLSU Public Administration League of Students (PALS).

01/09/2026

𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐥𝐮𝐜𝐤 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐞𝐥𝐢𝐦𝐬, 𝐛𝐚𝐛- 𝐞𝐬𝐭𝐞, 𝐏𝐀𝐋𝐒𝐦𝐚𝐭𝐞𝐬!

Prelims szn na! Whether you’re a stock-knowledge gangsta, mala-Rory Gilmore sa pagre-review, or nag-share ng manifestations sa Tiktok— 𝐲𝐨𝐮 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐢𝐬! I-claim mo na sa ‘yo ang BER months! (pero pwede bang pahiram ng Oct. 15? birthday kasi ni Heeseung ‘yon. thx)

Eyes on the prize, mind on the notes. You’ve put in the work, now go show those exam papers what you're made of.

𝐒𝐡𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐛𝐚𝐛𝐲 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭 𝐲𝐨𝐮 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐛𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤 𝐩𝐨𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠𝐬🤩 𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐥𝐮𝐜𝐤 𝐨𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐞𝐱𝐚𝐦𝐬, 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞! ❤️💛💙



🎨: Kim Garcia, MedPub Comm Head
✍️: Lorein Oriola, PRO for Information

Nabibilang tayo sa bansang pagkakautang.Sinubukang bayaran,hanggang ang matirana lamang ay pagkukulang.Ngunit, sino ang ...
31/08/2026

Nabibilang tayo sa bansa
ng pagkakautang.

Sinubukang bayaran,
hanggang ang matira
na lamang ay pagkukulang.

Ngunit, sino ang mananagot sa
bayan?

Kung bahagi na lamang ng kasaysayan
ang mga bayani na marunong maningil ng pananagutan—
yaong marurunong tumindig sa mga pinaglalaban, sila ring nagbuwis ng buhay para sa bayan.

At paano tayo ngayon,
kung nanahimik sila?

Kaya sa araw na ito, ating alalahanin at pahalagahan ang mga bayani ng nakaraan at kasalukuyan. H'wag sana nating kalimutan ang kanilang hindi matatawarang sakripisyo at paglilingkod para sa Inang Bayan!


dibuho ni: Bernadette Colegio, MedPub Commem
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

Isang mainit na pagbati mula sa Public Administration League of Students para sa ating PALSmates na sina 𝐌𝐬. 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐃. 𝐎...
29/08/2026

Isang mainit na pagbati mula sa Public Administration League of Students para sa ating PALSmates na sina 𝐌𝐬. 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐃. 𝐎𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥 𝐚𝐭 𝐌𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐧𝐞𝐥 𝐏. 𝐆𝐚𝐩𝐚𝐳 sa kanilang tagumpay bilang isang ganap na 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐞(𝐂𝐇𝐑𝐀)!

Ang inyong tagumpay ay malaking karangalan at inspirasyon para sa buong PALS community. Asahan n’yo ang aming buong suporta sa iyong mga susunod pang hahakbangin sa pampublikong pamamahala at larangan ng HR.
Patuloy kayong maglingkod nang may katapatan, integridad, at kahusayan!


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head
mga salita ni: Lorein Oriola, PRO for Information

𝑴𝒂𝒔𝒅𝒂𝒏 𝒎𝒐 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒐 𝒃𝒂 𝒏𝒂𝒌𝒆-𝑲𝑰𝑬𝑵𝑻𝑯-𝒂 ~ 🙈“𝑴𝒂𝒍𝒊𝒊𝒊”Isang maligayang kaarawan sa ating Gender and Development Dep...
24/08/2026

𝑴𝒂𝒔𝒅𝒂𝒏 𝒎𝒐 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒐 𝒃𝒂 𝒏𝒂𝒌𝒆-𝑲𝑰𝑬𝑵𝑻𝑯-𝒂 ~ 🙈

“𝑴𝒂𝒍𝒊𝒊𝒊”

Isang maligayang kaarawan sa ating Gender and Development Deputy Head, 𝐊𝐢𝐞𝐧𝐭𝐡 𝐋𝐨𝐮𝐢𝐞 𝐍𝐚𝐫𝐳𝐚𝐛𝐚𝐥!

Buong pusong bumabati ang Public Administration League of Students (PALS) sa iyong espesyal na araw. Salamat sa pagbabahagi na iyong puso at sarili sa paglilingkod at sa natatangi mong kontribusyon sa ating organisasyon.

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa larangan ng paglilingkod. Pagpalain ka pa ng panibagong kaalaman, makabuluhan at masasayang karanasan. Hangad namin ang iyong tagumpay sa panibagong kabanata ng iyong paglalakbay.

Muli, maligayang kaarawan!


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nakiisa ang Public Administration League of Students (PALS) sa idinaos na webinar ng Junior Philippine Society...
22/08/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nakiisa ang Public Administration League of Students (PALS) sa idinaos na webinar ng Junior Philippine Society of Public Administration – Southern Tagalog (JPSPA-ST) na may temang
“𝗗𝗔𝗟𝗨𝗬𝗢𝗡𝗚: 𝗧𝗵𝗲 𝗪𝗮𝘃𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲” sa pamamagitan ng Zoom Meeting, Agosto 22.

Layunin ng webinar na maghatid ng makabuluhang talakayan at bagong kaalaman. Binigyang-diin din dito ang papel ng kabataan sa paghubog ng pagbabago, gayundin ang iba pang usapin sa larangan ng Public Administration.


dibuho nina: Kim Garcia, MedPub Comm Head at Aicel Pasaylo, MedPub Commem
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

Kaisa ang Public Administration League of Students (PALS) sa paggunita ng mga linyang iniwan...“𝗧𝗵𝗲 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗶𝘀 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗱𝘆...
21/08/2026

Kaisa ang Public Administration League of Students (PALS) sa paggunita ng mga linyang iniwan...

“𝗧𝗵𝗲 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗶𝘀 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗱𝘆𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿.”

Mga linya na hindi nagmula sa isang aktor
o mula sa dikta ng isang direktor.
Mga linyang tumatak sa tinahak na landas.
Buong tapang na binigkas kahit hindi hawak ang bukas.

Sa paggunita ng araw na ito,
ating alalahanin ang gumising
sa diwa ng tunay na demokrasya.

Hindi nagtapos ang k'wento sa Tarmac ng Paliparan. Burahin man ng ulan ang dumanak na dugo, ang tinta ng kasaysayan ay hindi tuluyang matutuyo.


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Matagumpay na idinaos ng Public Administration League of Students (PALS) ang 𝐏𝐀𝐋𝐒' 𝐅𝐫𝐞𝐬𝐡𝐢𝐞 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 na may t...
16/08/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Matagumpay na idinaos ng Public Administration League of Students (PALS) ang 𝐏𝐀𝐋𝐒' 𝐅𝐫𝐞𝐬𝐡𝐢𝐞 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 na may temang “𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗻𝗱𝘀, 𝗕𝗿𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗲𝗿𝘀” sa pamamagitan ng Google Meet, Agosto 14.

Naging daan ang programa upang magkaroon ng bagong kaalaman, matatag na pundasyon, at makabuluhang paglalakbay ang mga bagong mukha ng Bachelor of Public Administration bilang mga estudyante at lingkod-bayan.


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

Sa pagbubukas ng pinto sa bagong kapalaran, sama-sama nating kilalanin ang isa sa mga unang inukit ng baraha—Ang pangala...
14/08/2026

Sa pagbubukas ng pinto sa bagong kapalaran, sama-sama nating kilalanin ang isa sa mga unang inukit ng baraha—

Ang pangalan na babago sa’yong pananaw at tatahakin na tadhana. Buong puso naming ipinakikilala ang ating panauhing tagapagsalita, 𝗚𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗻𝗿𝗶𝗰𝗼 𝗖. 𝗘𝗹𝗹𝗼𝘀𝗼!

Isang ehemplo ng husay at talino, hinubog ng matatag na prinsipyo. Nagkamit ng titulong Magna Cum Laude noong 2005 sa kursong Bachelor of Public Administration.

Ngayon, siya ang magiging gabay natin sa paghubog ng tamang diskarte at magiging patunay na ang tagumpay ay hindi lang basta swerte.

Kaya, ano pang hinihintay mo? Ihanda na ang iyong sarili at pakinggan ang mga kuwentong kakapulutan ng aral at inspirasyon. 🔮


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

𝐒𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚,sasang-ayon ang tadhana. ✦ ݁˖Ikaw mismo ang magiging alas sa bagong pintong magbubukas.Nakala...
13/08/2026

𝐒𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚,
sasang-ayon ang tadhana. ✦ ݁˖

Ikaw mismo ang magiging alas sa bagong pintong magbubukas.

Nakalatag na ang unang hakbang,
nakaabang na ang pintuan,
kapalaran mo ang susunod na bubuksan.

𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬𝐚𝐧?
Kung gayon, ibibigay na sa'yo ng baraha ang kasagutan.

𝑨𝒏𝒐, 𝒕𝒂𝒓𝒂?
PALS’ Freshie Orientation: Strengthening Bonds, Breaking Barriers

𝐒𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚,
𝐧𝐚 𝐬𝐚'𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐲𝐚.🔮


dibuho ni: Kim Garcia, MedPub Comm Head & Aicel Pasaylo, MedPub Commem
mga salita ni: Jelly Rose Tutor, Creative Writer

Address

Lucban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Administration League of Students posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Public Administration League of Students:

Shortcuts

Share