Southern Luzon State University Main Campus

Southern Luzon State University Main Campus Southern Luzon State University (SLSU) is the premier higher education institution in Quezon Province

 ? | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜. ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜„ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป.Mula sa SLSU logo hanggang sa mga publication materials, matatagpuan ang Bun...
28/08/2026

? | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜. ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜„ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป.

Mula sa SLSU logo hanggang sa mga publication materials, matatagpuan ang Bundok Banahaw. Sumasalamin ito sa kahalagahan ng bundok sa pamantasan, higit pa sa pagiging natatanging pagkakakilanlan ng lokasyon ng Main Campus ng SLSU. Pero tunay ba na mayroong mga inisiyatibo at inilaan na opisina upang pangalagaan ang Bundok Banahaw?

Alamin ang kasagutan sa comment section!


27/08/2026

New academic, research, and social development partnerships of the Southern Luzon State University (SLSU) are set to widen opportunities for students, faculty members, researchers, and communities as the university strengthens its collaboration with local, national, and international institutions.

The agreements were formalized on Aug. 10, coinciding with the opening of activities for SLSUโ€™s 62nd founding anniversary, reflecting the universityโ€™s continuing efforts to expand its role in education, research, community development, and knowledge-sharing.

FULL STORY IN THE COMMENT SECTION


  | ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—๐— ๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ Kinilala ang Southern Luzon State Unive...
26/08/2026

| ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—๐— ๐—ฃ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ

Kinilala ang Southern Luzon State University (SLSU) bilang isa sa mga natatanging tagapagbigay ng serbisyo at katuwang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) CALABARZON sa ika-35 anibersaryo ng ahensya na ginanap sa Lungsod ng Calamba noong Agosto 20.

Ang pagkilala ay kaugnay ng proyektong pananaliksik na pinondohan ng Department of Science and Technologyโ€“Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD). Pinangunahan ito nina Dr. Chona V. Cayabat, Dr. Leomar โ€œMiaโ€ C. Miano, Regent Gino A. Cabrera, Dr. Mari Jane A. Lee, at Dr. Claire Ann M. Yao, kasama sina James M. Sarmiento, Jerick A. Besalo, at Cydrick N. Magbuhos.

Bunga ng proyekto, nabuo ang AGAP Farmers Alliance Agriculture Cooperative (AFAAC) na ngayon ay katuwang ng BJMP sa paghahatid ng sariwang gulay sa mga pasilidad nito. Sa pamamagitan ng ugnayang ito, nagkaroon ng pamilihan para sa mga lokal na magsasaka habang natutugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ipinakikita ng pakikipagtulungang ito kung paano maisasalin ang pananaliksik tungo sa praktikal at napapanatiling programa para sa komunidad sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga magsasaka, institusyon ng pamahalaan, at lokal na pamilihan. Sa pamamagitan ng inisyatiba, nabibigyan ang mga magsasaka ng potensyal at maaasahang pamilihan, habang nagkakaroon naman ang BJMP ng karagdagang mapagkukunan ng sariwang produktong agrikultural.

Binibigyang-diin din ng SLSU-BJMP-AFAAC partnership ang mas malawak na papel ng SLSU sa pagsusulong ng pananaliksik na may konkretong pakinabang sa mga komunidad at sa pagpapatibay sa ugnayan ng akademya at pamahalaan.

Sa temang โ€œDisiplina at Responsibilidad, Sandigan sa Serbisyong May Kredibilidad,โ€ ipinagdiwang ng BJMP CALABARZON ang kanilang serbisyo at pinarangalan ang iba pang katuwang na institusyon at organisasyon na nag-ambag sa makatao at epektibong serbisyo para sa mga PDLs.

// Panulat: Gino A. Cabrera
// Lapat: April Arianne A. de Leon
// Larawan: SLSU CABHA DOST-PCAARRD & BJMP CALABARZON page


 ? | ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€.Makasaysayan ang kauna-un...
25/08/2026

? | ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€.

Makasaysayan ang kauna-unahang pagdiriwang ng pagtatapos o graduation. Sa pagsisimula ng paaralan, ilan kaya ang bilang ng mga naunang napagtapos nito? Alamin ang kasagutan sa comment section!


  | ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ด ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinasagawa ngayon ang ikalawang Lambanog Festival sa Tayabas C...
25/08/2026

| ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ด ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinasagawa ngayon ang ikalawang Lambanog Festival sa Tayabas Campus ng Southern Luzon State University (SLSU), sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority (PCA) Region IV-A, upang mapanatiling dekalidad at may kinabukasan ang tradisyon ng lambanog sa probinsya ng Quezon.

Bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-40 na National Coconut Week, idinaos ng PCA IV-A ngayong Agosto 25 ang naturang festival na may temang โ€œTagay ng Tradisyon, Lasa ng Tagumpay.โ€ Ibinida sa unang bahagi ng pagdiriwang ang paggawa ng lambanog, cultural performance, at pagtalakay sa pagkakaroon ng Geographical Indication o GI para sa Quezon Lambanog na siyang lubos na magpapatibay sa natatanging pagkakakilanlan nito bilang distilled coconut spirit drink ng probinsya.

Maliban sa mga talakayan at demonstrasyon, magkakaroon naman sa ikalawang bahagi ng selebrasyon ng patimpalak para sa lambanog cocktails at ang pagkakaroon ng โ€œtagayanโ€ session.

Samantala, kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ang mga opisyal ng SLSU, PCA IV-A, at Department of Agriculture - Intellectual Property Management Office.

// Panulat at lapat: SMRRivere
// Larawan: The Skorpios sa pamamagitan nina Danalyn Subrida, Francine Hyacinth Ramos, Aaron Daluraya, at John Martin Castillo


  | Renewed hope for women deprived of liberty Jail conditions are harsher for women; among the problems are the congest...
23/08/2026

| Renewed hope for women deprived of liberty

Jail conditions are harsher for women; among the problems are the congestion of detention and the diminishing provisions for the gender-specific needs of the Women Deprived of Liberty (WDL) (CHR, 2023). These issues increase their vulnerability to violence, abuse, and health problems, thereby affecting their ability to access services and successful reintegration into society (Munoz, 2021).

Basahin: https://www.slsu.edu.ph/presidents-corner/

โ€”-----
๐—š๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—˜๐—ฆ๐Ÿฐ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ?

Magsumite ng artikulo rito: https://forms.gle/AXTTrMzPo8S29UHBA
Magsumite ng creative works dito: https://forms.gle/5AyLuvkTr7hCuisC8

 ? | Mayroong tao sa University Seal.Bago ka pa man pumasok sa loob ng pamantasan, maaari mo nang makita ang University ...
21/08/2026

? | Mayroong tao sa University Seal.

Bago ka pa man pumasok sa loob ng pamantasan, maaari mo nang makita ang University Seal sa iyong uniporme. Minsan nga ay makikita mo rin ito sa Facebook dahil sa mga post ng Pamantasan. Ang logo na ito ay isang mahalagang palatandaan ng pagkakakilanlan ng Southern Luzon State University. Sa tagal mo nang kilala ang SLSU, masasabi mo bang tunay na mayroong tao sa ating logo? Nakita mo na ba ito?

Alamin ang kasagutan sa comment section!


Inaalala ngayon ang ika-43 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr., na nagsilbing mitsa n...
20/08/2026

Inaalala ngayon ang ika-43 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr., na nagsilbing mitsa ng pagbabago. Sa panahong ito, alalahanin nawa natin ang kanyang mga nagawa at hayaang magdulot ito ng inspirasyon upang patibayin ang ating pagiging makabayan.

 ? | ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ.Bago pa man sumapit ang buwan ng Agosto, kapans...
18/08/2026

? | ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ.

Bago pa man sumapit ang buwan ng Agosto, kapansin-pansin na ang pagiging abala ng Pamantasan sa paparating na pagdiriwang nito ng kanilang anibersaryo. Sa mga nakalipas na mga taon, nagkaroon ng ibaโ€™t ibang aktibidad ang Southern Luzon State University sa loob ng ilang araw. Pero tunay ba na nagkaroon na ng pagkakataon na isang buong buwan ang naging selebrasyon ng anibersaryo ng pagkakatatag nito?

Alamin ang kasagutan sa comment section!


Maligayang araw ni Quezon!Ngayong ika-19 ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Qu...
18/08/2026

Maligayang araw ni Quezon!

Ngayong ika-19 ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Tanawin nawa natin ang araw na ito upang balikan ang mga natatanging ginawa ni Quezon para sa ikabubuti at pagkakakilanlan ng ating bansa.

Address

Quezon Avenue
Lucban
4328

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Southern Luzon State University Main Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share