10/10/2026
๐๐, ๐๐๐! ๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐? ๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐, ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก! ๐ซ
Sa dami ng problemang patuloy na dumarating, minsan, hindi mo na alam kung saan huhugot ng lakas. Nakakapagod, 'di ba? Parang araw-araw, kailangan mong maging matatag kahit ang totoo, gusto mo na lang munang magpahinga.
Pero, halika, sandali kang huminto at lumingon sa kung gaano na kalayo ang narating mo. Nakikita mo? Nandito ka pa rin, patuloy na sumusubok sa kabila ng bigat na pasan mo. At alam mo ba? Malaking bagay na 'yon.
Hindi man nakikita ng iba ang pressure na kinakaharap mo, hindi ibig sabihin na hindi mabigat ang pinagdaraanan mo. Hindi mo kailangang laging maging matatag, at hindi mo rin kailangang solusyunan ang lahat nang sabay-sabay. You are allowed to rest, to feel, and to ask for help when things become too heavy. Hindi mo kailanganng sumabay sa kanila, sa plano nila o sa takbo ng buhay ng iba, dahil ikaw mismo ay may sariling takbo.
Hindi mo kailangang akuin lahat ha, hindi rin kailangan na palagi kang malakas. Cry it out, sabihin mo kahit sa sarili mo, ilabas mo dahil may bukas kamay na aakap at sasalo saiyo. Hindi ikaw ang taong inaakala nila, at hindi mo kailangang maging ang taong ine-expect nila. Friend, ikaw yan, mahalaga ka.
Ngayong Mental Health Month, paalala sa bawat BFF na patuloy na lumalaban sa mga laban na hindi nakikita. Hindi mo kailangang maging okay palagi para masabing kinakaya mo. Minsan, ang pagpili na magpahinga at muling subukan bukas ay isa ring uri ng katapangan.
Kaya, BFF, kamusta ka talaga? Hindi 'yong nakasanayan mong sagot na "๐ฐ๐ฌ๐ข๐บ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ฐ," kundi 'yong totoong nararamdaman mo.
๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐จ๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐ฃ๐๐๐ช๐๐ช๐ก๐, ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐ค ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐-๐๐จ๐.
One day at a time, BFF. You deserve the same kindness and understanding that you freely give to others. You'll get the happiness that will make you thank the process.
Bff? Andito ako ha, sasaluhin kita. Handa akong akapin ka at maging sandalan mo upang mailabas ang lahat! โค๏ธโ๐ฉน