BSED Filipino IV - A.Y. 2025-2026

BSED Filipino IV - A.Y. 2025-2026 SLSU Main Campus
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino IV - A.Y 2025-2026

01/08/2026

PAHIMAKAS

Sa loob ng apat na taong pagpapakadalubhasa, hindi lamang ang sariling kuwento ang lubos na nakilala, kundi maging ang iba't ibang kuwentong dala ng bawat isa—mga akdang may kanya-kanyang istorya. Naging saksi ang isa't isa at naging kasalo sa mga danas, tagumpay, at pagsubok na dulot ng kursong pinili man o natutuhang mahalin.

At sa muling pagbabasa, pipiliin pa rin ang ating naging lathala. Hindi dahil perpekto ang mga protagonista, kundi dahil nagsilbi silang sandigan at naghatid ng ligaya sa mga panahong nababalot ng pag-iisa at pagkabahala. Kaya naman, saan ka man makarating, nawa'y patuloy kang mag-iwan ng liwanag at pagmamahal, tulad ng markang iniwan mo sa aking puso at diwa.

Disclaimer: No copyright infringement intended. The music belongs to its rightful owner.

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Paulin Grace Mergilla! 🥳🎉Salamat sa iyong pusong walang pag-aatubiling...
17/07/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Paulin Grace Mergilla! 🥳🎉

Salamat sa iyong pusong walang pag-aatubiling makatulong sa iba at ang malasakit na iniaalay mo sa iyong kapwa. Isa kang inspirasyon sa paraan ng iyong paglilingkod at sa dedikasyong ipinakikita mo sa bawat tungkuling iyong tinatanggap. Sa bawat gawaing iyong ginagampanan, lagi mong sinisikap na maibigay ang iyong kahusayan. Sa iyong espesyal na araw, dalangin namin na tulad ng pagmamahal at pag-aarugang ipinagkakaloob mo sa iba, ay huwag mo ring kalilimutang pahalagahan at alagaan ang iyong sarili.

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Cielo Anne Abas! 🥳🎉Tunay na kahanga-hanga ang iyong pagpapahalaga sa k...
17/07/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Cielo Anne Abas! 🥳🎉

Tunay na kahanga-hanga ang iyong pagpapahalaga sa kapuwa at ang kakayahan mong ipadama sa bawat isa na sila ay kabilang. Isa kang tunay na kaibigang maaasahan at masasandalan. Nagsisilbing inspirasyon dahil sa iyong dedikasyon, at pagmamahal sa pagtuturo. Sa espesyal na araw na ito, dalangin namin na makamtan mo ang tagumpay sa iyong mga mithiin at pangarap. Higit sa lahat, nawa'y matagpuan mo ang tunay na layunin at kahulugan ng buhay na inihanda ng Diyos para sa iyo.

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, G. John Leonard Fernandez! 🥳🎉Tunay na kahanga-hanga ang iyong angking gali...
29/06/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, G. John Leonard Fernandez! 🥳🎉

Tunay na kahanga-hanga ang iyong angking galing, hindi lamang sa pag-aaral kundi maging sa larangan ng isports. Isang inspirasyon ang iyong pagpupursige sa buhay, gayundin ang iyong mahusay na pakikisama sa iyong kapuwa. Sa pagdiriwang mo ng iyong kaarawan, nawa'y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang makamit ang lahat ng iyong mga mithiin.

Hindi lamang isang asignatura ang natapos, kundi isang paglalakbay sa lalim ng wikang Filipino at kamalayang Pilipino.Sa...
26/06/2026

Hindi lamang isang asignatura ang natapos, kundi isang paglalakbay sa lalim ng wikang Filipino at kamalayang Pilipino.

Sa pagtatapos na ito, higit na nahubog ang inyong kakayahang magsuri, magpahayag, at magpahalaga sa mga kaisipang bumubuo sa identidad ng bansa. Bilang mga mag-aaral sa kursong edukasyon, ang mga aral na natamo ay nagsisilbing gabay sa inyong paghahanda bilang mga gurong magiging tagapagtaguyod ng wika, kultura, at panitikan. Isang yugto ang nagsara, ngunit ang misyon ng pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapahalaga sa Filipino ay patuloy na maglalakbay kasama niyo.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga natutuhan ninyo upang patuloy na maghubog ng mga mag-aaral na may pagmamahal sa wika. Dalhin niyo ang diwa ng Filipino sa bawat silid-aralan at sa bawat buhay na inyong maaabot sa hinaharap.

Taos-pusong pagbati, Filipino IV!

Maraming salamat, LS-F💚💚💚
26/06/2026

Maraming salamat, LS-F💚💚💚

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Hazel Zabaceda! 🥳🎉Isang inspirasyon ang iyong sigasig at pagmamahal sa...
25/06/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Hazel Zabaceda! 🥳🎉

Isang inspirasyon ang iyong sigasig at pagmamahal sa iyong pamilya at mga kaibigan, gayundin ang paraan ng iyong pagharap sa anumang hamon sa buhay nang may katatagan at pag-asa. Sa iyong pagsalubong sa iyong kaarawan, kasabay ng isa pang napaka-espesyal na araw, nawa'y mapuno ito ng kagalakan, pagpapala, at mga biyayang higit pa sa iyong inaasahan.

Maligayang Kaarawan mula sa BSED Filipino IV, Bb. Rosebelyn Sapilan! 🥳🎉Salamat sa iyong pusong laging handang umalalay s...
24/06/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSED Filipino IV, Bb. Rosebelyn Sapilan! 🥳🎉

Salamat sa iyong pusong laging handang umalalay sa iba. Isang inspirasyon ang iyong paglilingkod, pagprotekta at pagpapahalaga sa mga taong iyong minamahal. Sa iyong kaarawan, dalangin namin na mapuno ito ng pagmamahal, kasiyahan, at kapayapaan ng iyong puso't isipan.

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Glady Mae Belbisl! 🥳🎉Tunay na kahanga-hanga ang paraan ng iyong pagdad...
24/06/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Glady Mae Belbisl! 🥳🎉

Tunay na kahanga-hanga ang paraan ng iyong pagdadala sa iyong sarili. Isang inspirasyon ang iyong pagmamahal at dedikasyon sa mga bagay na iyong ginagawa, lalo na sa iyong pagsuporta at paghubog sa mga munting tinig upang maabot at maipamalas nila ang kanilang buong potensiyal. Sa espesyal na araw na ito, dalangin namin na magtagumpay ka sa anumang larangang pipiliin mong tahakin.

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Joanna Rose Flores! 🥳🎉Isang masayahin at maaasahang kaibigan na tunay ...
24/06/2026

Maligayang Kaarawan mula sa BSEd Filipino IV, Bb. Joanna Rose Flores! 🥳🎉

Isang masayahin at maaasahang kaibigan na tunay na nagmamalasakit sa kaniyang kapuwa. Taglay ang isang pusong marunong magpahalaga at magpasalamat. Sa iyong espesyal na araw, nawa’y maging kasingganda ng iyong puso at kasingningning ng iyong mga pangarap ang taong ito para sa iyo.

Address

Lucban
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED Filipino IV - A.Y. 2025-2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category